"Then buy her some of that too."





Apple Pie was not in a good mood. Halata naman dahil kanina pa siya iniiwasan ng mga kaklase niya. She looked like she can kill a person, preferably someone who is 6'1 tall, is a soccer player and has the name Yohan Renato.

Pucha! Nandoon na eh! Kilig na kilig na ako tapos bigla ba namang binawi!

Kahapon habang hinihintay niya na gawin ni Yohan ang trabaho nito ay nagbasa lamang siya ng manhua. Focus na focus na sana siya sa nangyayari sa story nang bigla niyang maramdaman ang presensya ng lalake sa likod niya. Tapos noong nagsalita ito ay ramdam pa niya ang hininga nito sa likod ng leeg niya. Ganoon kalapit ang gago sa kaniya!

Tapos tinawag siya nitong langga! For a Bisaya like her, kahinaan niya iyon!

Sino ba namang hindi kikiligin?!

Ayun na sana eh! Nanginginig na sana siya sa kilig pero bigla ba naman siyang sabihan na "Asa kang gusto kitang maging girlfriend."

Pucha! Lahat ng kilig sa body niya ay nag-evaporate dahil sa sinabi nito.

"Akala mo sino kang gwapo! Piste kaayo ka! Maytag matuk.an ka! Unta dili lami imohang sud.an! Piste! Animal! Walay batasan!" inis niyang wika habang sinisipa ang bato na nadadaanan niya. Papunta na kasi siya sa next subject niya at nasa ibang building iyon.

"Baliw." Bigla siyang napatalon nang marinig ang boses ng putakteng lalake na kanina pa niya minumura sa isipan niya.

"Huwag ka ngang manggulat!" sigaw niya kay Yohan ngunit hindi siya nito pinansin.

"Hawakan mo. Aayusin ko sintas ko," utos nito sa kaniya sabay lahad ng isang plastic na may lamang parang chicken bucket at isang large apple pie frappuccino na may logo ng Starbucks. Hindi niya sana hahawakan iyon dahil galit pa rin siya sa lalake ngunit hindi na siya nito hinintay at ito na mismo ang nagsabit niyon sa kamay niya.

Aangal na sana siya ngunit lumuhod ang lalake at parang inaayos ata ang sintas nito kaya naman hinintay na lamang niyang matapos ito.

Napatingin-tingin siya sa paligid at napansin ang kakaibang tingin sa kaniya ng mga tao. Siguro nagtataka kung bakit pinapansin siya ni Yohan. Kilala pa naman ang lalake dahil sa cold treatment nito sa mga babae at hinding-hindi ito lumalapit sa mga kabaro niya.

Kapag natapos na nitong ayusin ang sintas eh lalayo na siya dito. Naging instant tagahawak pa siya ng wala sa oras.

Nang mapansing papatayo na ang lalake ay agad niyang nilahad pabalik ang pagkain nito ngunit laking gulat niya nang wala itong lingon-lingon na naglakad papalayo sa kaniya.

"Hoy! Yung pagkain mo!" sigaw niya habang sinusundan ito.

"Sa iyo na lang iyan. Ang pangit ng lasa," ika nito habang patuloy sa paglalakad palayo. Siya naman ay nagtatakang napahinto at napatingin sa hawak-hawak niyang pagkain.

"Eh? Paano niya nasabing pangit ang lasa eh 'di pa naman ito nabubuksan," bulong niya sa sarili. Kahit nga ang frappe ay hindi pa nalalagyan ng straw.

Kahit na nagtataka ay agad pa rin siyang napangiti at sinigawan si Yohan na nasa malayo na. Alam naman niyang maririnig pa rin siya nito.

"Salamat sa pagkain!"

Biglang naging good ang mood niya.





"Oh shit. I did it," bulong ni Yohan sa sarili habang naglalakad papalayo kay Apple. Pinipigilan niya ang sariling mapangiti at baka may makakita pa sa kaniya.

"Yohan! Bro!" He glanced at the direction of the voice and saw Joshua jogging towards him. Nang makalapit ito ay mapanukso itong ngumisi sa kaniya. "Nakita ko iyon!"

"I don't know what you're talking about," walang emosyon niyang sabi pero sa loob-loob niya ay bumibilis ang kabog ng puso niya.

Halata ba ako masyado?

Inakbayan siya ni Joshua na agad na nagpahinto sa kaniya.

"Bro, may nakakalimutan ka ata," nakangiti nitong sabi sa kaniya na nagpakunot ng noo niya.

"What?"

"Naka-uniform ka ngayon," agad na sagot nito sa kaniya ngunit hindi niya pa rin naiintindihan ang pinapahiwatig ng kaibigan.

"So?"

Napatawa si Joshua dahil sa sagot niya. "Bro, tingin ka sa baba."

Agad siyang napadungo at napatingin sa sapatos niya.

"Bro . . . black shoes gamit mo ngayon. Wala kang sintas."
Matagal silang nagkatinginan ng kaibigan bago ito mapanuksong sumigaw, "Huli pero 'di kulong!"

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now