Wag nyo po kalimutan mag like at mag-comment. T.y
"...Hi ako si Liam👋 umm pano ba magpapakilala? Takte di ko alam pano ko sisimulan! Ah basta isa lang akong simpleng lalaki,moreno,di gaanong matangkad at maputi. Tsaka nga pala mahilig pala ako sa mga mystery movie at thriller mahilig kasi akong magisip sa bagay-bagay at saka sa mga tanong na naguguluhan ako at naghahanap ako ng sagot tungkol dun. Pwede na siguro yun! Ikukuwento ko sa inyo kung pano at saan umiikot ang mundo ko este buhay ko..."
Ako lang ang mag-isa sa buhay. Si mama nag abroad sa Japan, duon siya naghanap ng trabaho, panatag naman ako na safe siya kasi sabi niya okay lang daw siya at mabait daw ang amo niya pero minsan nagdududa ako eh para bang may kutob ako na may pamilya na siya duon, ah basta kung masaya si mama, masaya na rin ako atleast nabibigay parin naman niya ang pangangailangan ko. At si papa naman wala na, sumakabilang bahay na di ko alam kung bakit naghanap pa siya ng iba napapatanong rin ako na hindi pa ba kami sapat ni mama sa buhay niya katulad ng sitwasyon ni mama ok lang din sakin na may iba na ring pamilya si papa. Di ko naman masasabing broken family kami kasi si papa di naman nya ako kinalimutan ang masaklap lang mas prayoridad na nya ang bagong pamilya niya, kaya sa kabila ng lahat masaya parin ako at thankful sa Diyos.
Isa akong working student at dahil ako lang ang mag-isa sa buhay nagagawa ko lahat ng gusto kong gawin kung gusto ko na wag pumasok hindi ako papasok ang ginagawa ko pupunta ako sa computer shop tapos maglalaro ako ng cross fire maghapon g*go ang saya nun kaya nga lang napaghahalataan na ako ni mama kaibigan nya kasi yung isa kong teacher, ewan ko kung kaibigan niya ah pero parang lahat ng galaw ko sa school lagi siyang nakamasid sakin at napatunayan ko yun nung isang araw na nahuli niya akong nagkaka-cuting:
"Mr.Dela Fuentes saan ka pupunta?"
nagulat ako nung marinig ko si maam na sumigaw sa likod ko!
"Ahh Ma'am, Umm wala po!"
Wala na akong masagot kaya humarap na lang ako kay Ma'am.
"Liam alam ko ang gagawin mo, magkaka-cutting ka diba?
Hindi mo ba naiisip ang nanay mong nagpapakapagod sa ibang bansa para lang may malamon ka!"
Napayuko na lang ako sa hiya at pinakinggan pa si Ma'am.
"Grabe na ang kabataan ngayon wala na silang pakialam sa mga magulang nila kung ano ang gusto nila ay gagawin nila dapat sa inyo hindi na nakilala eh kumbaga nakalimutan na yung para bang nagka amnesia yung nanay nila tapos di na kayo kilala!"
Narinig ko yung tindi ng galit ni Ma'am sa boses niya na parang sinasabi niya na sana magkatotoo yung sinabi niya pero alam kong may bahid parin ng pag-aalala ang mga sinasabi niya.
"Sa ngayon palulusutin kita pero kapag nahuli pa kitang tumatakas ay ipapalam ko na ito sa principal at sa nanay mo. Maliwanag ba Liam!"
Unti-unti kong tinaas ang ulo ko at tumingin kay Ma'am at agad na sinabi:
"Ah opo Ma'am, sorry po talaga di ko na po uulitin."
"Ipangako mo na pagbubutihin mo na ang pag-aaral mo"
"Opo Ma'am, pangako po"
"Aasahan ko yan Mr.Dela Fuentes, pumasok ka na sa next subject mo 5 minutes ka ng late bilisan mo na ang lakad mo!"
"Salamat po Maam"
Pagkatapos kong magpasalamat kay Ma'am agad na akong nagmadali at pumunta na sa room.
Kaya simula nuon di na ako nagtangka na mag cutting uli para bang nadala ako sa sinabi ni ma'am na "dapat sa inyo makalimutan na yung para bang nagka amnesia yung nanay niyo tapos di na kayo kilala" kaya hindi na talaga ako nagtangka pa kaya ngayong last semester na at konting tiis na lang ga-graduate na ako,kaya pinagbutihan ko talaga ang pag-aaral ko, para maabot ko rin ang pangarap ko na maging "detective", hindi ko na nagagawa yung mag computer ng buong maghapon sa halip ay nagsumikap ako. At makalipas ang ilang Linggo eto na ang pinakahihintay at pinaka kinatatakutan ko ang araw ng Exam dahil dito na nakadepende kung makakapasa ka at kung maiiwan ka, kung nakapasa ka edi diretso ka na sa college pero kung bagsak malas na lang kasi uulit ka uli, yun ang ayaw ko kaya nga bago ang exam siniguro kong nabasa ko ang mga posibleng tanong at topic na maaaring lumabas duon:
YOU ARE READING
Who Are U
Mystery / ThrillerGenre: Romantic-Mystery Language:Tag-lish ★Samahan nyo si Liam at Alice na lutasin ang misteryosong tanong at kung paano nila mababalik sa normal at maayos ang buhay ng lahat★ ‼️Sana lang talaga may magbasa nito, kapag trip ko lang magsulat tsaka la...
