Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng sabihin yun ni Law. Nararamdaman ko ang maliliit na kurot ni Twaylem. “Alimasag k aba? Yang daliri mo parang sipit! Ano ba!” pinanlakihan lang ako ng mata ni Twaylem.

"Ano ba yan, ang tagal. Diba may sasabihin ka Kyd??" Isa pa 'tong Tao na to. Mga kaibigan ko nga kayo..

"Anong sasabihin mo Kyd??" Tinignan ko muna si Twaylem na noo'y naka taas na ang kilay na tila ba naiinip na. "Pwede ko ba makuha ang..."

"MAKUHA ANG???!!" sabay-sabay nilang sambit. Pinag papawisan na ako. Konti pa Kyd Hakeem Choi, sabihin mo na!!

"Ang alin??" Mahinahon na tugon ni Riyee. " Ang..."

"ANG TAGAL! ANO BA YAN! NAIINIP NA KAMI!" sabay-sabay nilang sabi. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang sumagot. Nang nahimasmasan na ako ng kaunti, nilingon ko na si Riyee. At tinignan ito ng diretso sa mata.

"Pwede ko bang mahingi ang number mo?" Bahagyang tumahimik ang mga kurimaw sa tabi-tabi. "Please? Pwede ko ba makuha tung number mo?"

Nang ulitin ko yung tanong, nakita kong nakangiti silang lahat maliban kay Riyee.

“Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Pegebeg na itu!” sabay sabay nilang kantyaw. Hindi ko alam kung namumula ang mukha ko. Lintik nay an! Kalaki kong tao kinikilig ako. Ikinabit ko ang isang kamay ko sa batok ko.

"Sure.." nakangiti nyang sabi. “Guys, wait lang hihimatayin lang ako ng 5 minutes. Nginitian nya ako.” Pumalakpak lang ang mga ito. Maliban kay Twaylem na noo’y tila hindi natutuwa sa pinag gagawa ko. Ito talagang babaeng ‘to. Mangkukulam ka talaga!

"Hehehe.." linabas ko ang cellphone ko, at ikinabit nya yunh number nya sa cellphone ko.

"Yan.. huwag mong kalimutan mag pakilala ha?" Tumango lang ako bilang pag sagot.

AAA BABYLOVES ang pangalan nya sa cellphone ko. Para pagkakita ko sa contacts ko, pangalan nya agad ang lilitaw.

"Twaylem, tara na uwi na tayo. Donald sabay ka??" Nag tinginan muna sina Donald at Twaylem. "Ano, ihahatid kami ni Tao."

"Anong ihahatid ang pinag sas---" tinakpan ni twaylem ang bibig ni Tao. "Ang daldal mo talaga mahal!" sabay kurot nito sa pisngi ni Tao.

"IHAHATID KA DAW NI..." tinulak ako ni Twaylem papunta kay Riyee, dahilan para mapayakap ako sa kanya. "Ayy! Sorry ha napalakas.. Emeged, im so clumsy.” Nagging awkward ang atmosphere.

“Ohhhhh!!! Yeaaah!! Nice one!” kantsaw naman nina Tao. “Ang bilis! Parang kanina dina--.” Tinanggal ko ang medyas ko at isinupalpal sa bibig ni Donald.

“You’re disgusting! Ewwww!!”

“You’re annoying.” Bulong ko kay Donald.

“Pero oy… sabay daw kayo ni Kyd. Diba?"

"Ye...yeah." alangan na sagot ko kay Riyee. "Sige.. ihahatid kita. Pero saglit lang." Pumasok ako sa cr at kinabog-kabog ang dibdib ko.

Ang lakas ng kabog, parang may nag tatambol sa puso ko. Pero nang mapatingin ako sa salamin. "Ang gwapo ko talaga.."

Inamoy ko ang hininga ko, "Amoy adobong kangkong!" Nag hanap ako ng pampabango sa bibig. "Sakto!"

Hindi ko na binasa 'yung naka sulat. At dire-diretso kong inispray sa bibig ko. Pag ka spray ko..

Parang sinusunog ang dila ko sa anghang. Nang basahin ko ang nakasulat. "Pepper spray! Anak nang!"

Mag mumog sana ako, ngunit walang tubig. Letseng buhay to!!

L.A SIDE STORY#2:ALWAYS BE MINEWhere stories live. Discover now