Pero atleast napatawa nya ako. I appreciate it, pero grabe lang ang weird ng way ng pag kikita naming. Tapos weird din ang mg binibigay nya sa akin. Hindi kaya manyak tong si Kyd? OMG!

KYD’s POV

“WHAT THE FVCKK KYD?! BIGYAN MO NG NAPKIN? Susmaryosep naman Kydo!" halos masamid si Venos ng sabihin kong binigyan ko ng napkin si Riyee. Ano bang masama sa napkin?

"Alam mo, ikaw ha? Puro ka kasi pa pogi!" Kinuha ko yung shades ko at isinuot yun, "Pogi naman kasi talaga ako. Diba?"

"Ulul!" Sabay hampas ni Tao ng libro sa ulo ko. "Guys, chill. Pinapatawa ko lang naman si Riyee."

"Ewan ko sayo, ano ba talaga ang balak mo kay Riyee? Pag di ka umayos ako poporma dun." Aba! Lapastangan. “hindi ka magugustuhan nun, pangit ka.” Prankang sabi ko kay Law.

“Masyado kang bilib sa sarili mo boy. Inaangat mo ang sarili mong upuan.” Sabay thumbs down ni Venos.

"Dude totoo naman kasi. Tsaka, Hoy! Subukan mo lang Law, at ibabalik kita sa sinapupunan at kanuno-nunuan mo. Ano ba naman men! Walang sulutan! Isumbong kita kay Donella d'yan e."

"Pake ko dun sa Donella na 'yun."

"ULUL! ako pa niloko mo? Kaya pala may picture ka ni Donella sa wallet mo. Ano yun? Panakot?" Maya-maya pa'y pumasok sina Twaylem sa SC. Nataranta ako, hindi ko alam kung bakit.

"Oh Kydo, bakit parang nakakita ka ng multo? Kung hinahanap mo si Riyee hindi namin sya kasama. Kung gusto mo, ayan! Si Juding!" Sabay nguso naman ni Donald sa akin. “Come here bibi boy! Papaligayahin kita. Huwag ka ng choosy!”

"Ah! Ah! Subukan mong idikit yang nguso mo sa akin Donald talagang tatamaan ka sa akin."

"Sige nga.. gawin mo. Pag ginawa mo 'yan sasabihin ko kay Riyee na crush mo siya. Ihhhhhh!!" Tinignan ko sina Venos, Twaylem, Law, Tao at Donald.

Letse tong mga to! Pinapakilig ako.

"Para ka talagang bading Kyd." Biglang singit ni Twaylem, "Sa lagay mong 'yan parang hindi mo kayang protektahan si Riyee. Puro ka pa cute, puro hangin yang utak mo. Do something dummy!!"

Eh sa anong magagawa nila? Ninenerbyos talaga ako pag nandyan na si Riyee. Alam kong napaka gwapo ko. Alam kong napaka macho ko, pero kahit ganun natotorpe pa rin talaga ako.

"Pag di ka talaga umayos Kyd, mawawala sayo si Riyee." Linapitan ko si Twaylem, "Hoy sabi mo tutulungan mo ako kay Riyee. Tapos ano to men? Laglagan?"

"Sige nga, sabihin mo sa akin. Paano kita tutulungan kung di ka gumagawa ng first move? Alangananamang si Riyee pa yung mag fi-first move mahiya ka naman sa babae." Maya-maya pa'y biglang pumasok si Tao.

At pumapalakpak ito, "Naks, diba eskepik ikaw ang nanligaw sa akin? Hinarana mo pa nga ako diba? Nako, ang mahal ko talaga.. mapag biro. Halika nga dito at ikikiss kita."

Nakita kong namula ang mukha ni Twaylem ng biglang pumasok si Tao. "Hep! Hep! Hep! Kayong dalawa, tama na yang screen time ninyo ha? Love story ko na to.. please lang mga men. Walang bastusan. Respeto men."

"Eh kung gayumahin mo.kaya Kyd??" Suwestyon ni Donald. "Eh kung ipabarang kita? Tigilan mo ako sa mga ganyan Donald. Liligawan ko si Riyee.. nang buong puso. Liligawan ko si Riyee Salaza-----."

Natigilan ako ng biglang pumasok sina Riyee at Donella. "At nalunok na naman ni Kyd ang kanyang dila." Pang aasar ni Twaylem.

"Mahina ang bata ko." Dagdag pa ni Tao. "RIYEE, may sasabihin daw si Kyd."

L.A SIDE STORY#2:ALWAYS BE MINEWhere stories live. Discover now