At ang halik na yon yata ang nagpakulay sa buong araw ng dalaga.

Pagkatapos ng dalawang linggo na pagsasama sa bahay ay nakasanayan na rin nina Althea at Ryan Eldon ang presencia ng bawat isa, nakatulog na rin ng maayos si Althea kahit kasama niya sa isang silid ang lalake. Si Eldon Theo naman ay masyado ng naging at home sa bahay ng lalake, masaya rin ito sa piling nila at lagi nitong kasama ang tiyahing si Emie at lolang si Mama Rose sa pamamasyal.

" Aey nasa baba sina Frenie at Meldon." Wika ni Ryan Eldon isang linggo ng umaga pagkatapos nilang sabay na magsimba.

" Okey una ka na, susunod na ako." Wika ni Althea na nasa loob ng banyo.

" Hindi sabay na tayong bumaba."

Magkasabay na bumaba si Ryan Eldon at Athea, sinalubong naman ng yakap sialthea ng kaibigang si Frenie.

" Girl pasensiya na talaga ha?nagdaldal ako tungkol kay Eldon Theo ehh wala naman kasi akong alam sa kaugnayan niya sa mga ito." Hinging pasensiya ni Frenie.

" Wala yon ano ka ba at hindi ko naman pwedeng iatago ang bata." Natatawang wika ni Althea.

" Biruin mo pinsan sa tuwing nakikita ko si Baby Eldon dati magaan talaga ang loob ko sa bata, lagi kong sinasabi dito kay Frenie na pamilayar ang mukha ng bata, anak mo pala." Wika naman ni Meldon.

" Oo nga eh kung hindi pa ako dumalo sa kasal mo hindi ko pa malalaman na may anak pala ako." Wika naman ni Ryan Eldon.

" O baka saan naman mapunta yang usapan nyo na yan, handa na ang tanghalian, at saka kuya Meldon paano ba yan, may anak na si kuya ikaw kaya makabuo pa?" wika naman ni Emie .

" Emie alam mo minsam balimbing ka, dati tayo ang magkakampi, nalaman mo lang na may pamanking ka na sa kapatid mo aba bigla ka na yatang bumaliktad ngayon?" wika ni Meldon na nagpatawa sa kanilang lahat.

Masayang nasalo sa tanghalian ang mag-anak, marami silang napagkwentuhan ngunit walang sinuman sa kanila ang nagtanong tungkol sa nakaraan nina Althea at Ryan Eldon. Pagsapit ng gabi ay nabalisa si Althea, nagtataka siya kung nasaan ang ama nina Eldon at Emie, dalawang linggo na silang magkasama ngunit marami siyang hindi alam tungkol sa binata at kung bakit hindi ito natuloy sa bokasyon nito.

" Aey malalim yata ang iniisip mo?" puna ni Ryan Eldon sa dalaga.

" Ahh maytanong sana ako, kung ayaw mong sagutin ay okey lang."

" Ako rin sige mauna ka ano yon?"

" Bakit hindi ka natuloy sa pagpapari?"

" My father died in a plane crash in a plane crash one year after ako bumalik sa seminary, devasted masyado si Mama sa nangyari, halos hindi siya makausap ng matino, masyado kasi siyang dependent kay Papa, bata pa si Emie, walang mamahala sa kabuhayan namin so I decided to leave the missionary, kailangan kasi ako ng pamilya ko diba graduatre ako ng criminology bago ako naging siminarista so after naayos ang business namin ay pumasok ako sa army" Mahinang wika ni Ryan Eldon.

"I'm sorry." Hindi inaasahan ni Althea na ganun ang nagyari.

" Ikaw Aey bakit andito kayo ni Xyana sa Zamboanga? Bakit wala ka sa davao?"

" Nang malaman ng magulang ko na buntis ako at walang maiharap na ama ay pinalayas nila ako sa bahay, marangal na mga tao ang magulang ko at naiintindihan ko ang desisyon nila, I was lost then, hindi ko alam ang gagawin ko buti na lang at nandiyan si Xyana, dinamayan niya ako, iniwan din niya ang mga magulang niya upang damayan ako. Dito kami napadpad at nagsimula buti na lang pareho kaming may konting trust fund mula sa lola namin so yon ang pinansimula namin ng ADAM&EVE." Mahabang wika ni Althea.

BLAST FROM THE PAST(COMPLETED)Where stories live. Discover now