CHAPTER 8

86 4 0
                                    

Tulog na tulog na si Eldon Theo, pagod na pagod ito sa kalalaro kasama ang tiyahin at ang ama, gabi na nasa silid na sila upang matulog, nababalisa si Althea.

"Naku po Diyos ko paano naman po ako makatulog nito kung ang gwapo naman at ang bango ng makasama namin ng anak ko sa kwarto, talaga bang wala na akong appeal sa lalakeng ito, hindi man lang natakot na baka maakit siya sa aking kagandahan? Hay naku puso ko ingat ka hindi ka pwedeng magtiwala sa gwapong unngoy na ito." Bumubulong na wika ni Althea sa sarili ng biglang bumukas at iniluwa sa pinto ng banyo si Ryan Eldon.

"Aey its not healthy anymore, lagi mo na lang kinakausap ang sarili mo kung may problema pwede nating pag-usapan." Natawang wika ni Ryan Eldon.

" Hey tumigil ka diyan sa panunukso mo, healthy ang utak ko at malay mo ba kumakanta ako at hindi nagsasalita." Nagbago na nga ang lalake dati lagi itong sensitibo kung ano ang nararamdaman niya, ngayon ay lagi itong nanunukso but whatever gwapo pa rin ito sa paningin niya.

" Okey sinabi me eh, anyway hatid kita bukas sa shop mo bago ako papasok sa trabaho, may duty na ako bukas sa southern command." Wika ng lalake.

"Okey." Sagot naman ni Althea.

" Goodnight Aey matulog ka na maaga pa bukas." Wika ng lalake at hinalikan si Althea sa pisngi at sa noo namanang anak saka nahiga at pumikit. Nanalaki naman ang mata ni Althea sa ginawi ng lalake, siguradong lalo siyang hindi makatulog sa nangyari.

It was nine in the morning ng dumating si Althea sa shop niya, siya lang ang mamahala nito ngayon dahil umuwi ng davao ang pinsang si Xyana, they are planning to put a shop of ADAM&EVE doon.

" Good morning maam sir, blooming kayo maam." Nakangiting bati ni Merly isa sa mga event organizer ni Althea.

" Ang ibig mo bang sabihin niya Merly eh ngayon mo lang ako nakitang maganda?" biro naman ni Althea sa tauhan, ganito ang samahan nila sa shop para lang silang magkaibigan.

" Hindi naman po Maam pero bagay kayo ni sir, maganda at gwapo." Natawang dagdag ng pilyang dalaga na ikinakilig naman ng iba pang staff ni Althea.

" Kaya pala hindi ninyo pinansin si Lt. Parcon ehh ang gwapo naman pala ng Dyowa ninyo kaya pala tisoy na tisoy si Eldon Theo kamukha ng ama." Wika Jovie ang baklang interior decorator nila na ang tunay na pangalan ay Jovencito.

" Aba ang ibig bang sabihin niyan Jovie ay pangit ako?" tumatawang wika ng dalaga at pumasok na sa opisina habang kasunod si Ryan Eldon na nakangisi lamang.

" Sino yong Lt. Parcon?" tanong ni Ryan Eldon, there's a sapng of jealousy in his heart so kahit pala may anak na sila ay may nagpapalipad hangin pa rin sa dalaga? Well hindi siya magtataka dahil maganda talaga ang dalaga at walang sino man ang mag-iisip na may apat na taong gulang na anak na ito.

" Ahh dating nagpaorganize dito ng house blessing."

" Manliligaw mo?"

"Yes ahh No." natatarantang wika ni Althea hindi niya inaasahan na magtatanong ang lalake tungkol sa personal niya na buhay.

"Ano talaga Aey?Yes or no?" nagsisimula ng maiinis ang binata sino ba ang lalaking pinag-uusapan nila at nataranta ang dalaga?

" Yes dati but biglang nag evaporate ng ipinakilala ko kay Eldon Theo." Tumatawang wika ni Althea.

" Ohh good. Alis na ako sabay na tayong maglunch, daanan kita dito." Masayang paalam ni Ryan Eldon kasabay ng smack na halik sa labi ng dalaga na nagpapatulala kay Althea.

BLAST FROM THE PAST(COMPLETED)Where stories live. Discover now