Collage pa lang ay matalik na magkaibigan si Kale at si Amanda. Si Amanda ay mula sa simple, payak at mapagmahal na pamilya. May ama na masipag na nag tratrabaho bilang construction worker, inang mapagmahal at isang guro sa isang pampublikong paaralan at nakababatang kapatid na lalake na nag aaral sa hayskul. Kahit payak at simple lamang silang mag anak ay masasabing huwaran ang kanilang pamilya.
Si Amanda ay kilala bilang isang butihing estudyante at role model sa kanilang unibersidad, student council President, mabait, magalang, matalino at mapagkumbaba ngunit ilag ang mga kapwa estudyante nya sa kanya dahil sa seryoso at pagiging strikto, ika nga niya work is work at walang personalan.
Samantalang si Kale ay mula sa mayaman at maimpluwensya na pamilya. Mula sya sa angkan ng mga politiko at pilantropo kaya ganun na lamang ang respeto ng mga taga nayon sa kanilang pamilya. Ang ama nya ay kilalang Gobernador ng bayan nila, samantalang ang ina naman nya ay isang Social Worker sa kanilang bayan. Gayon pa man ay bihira lamang silang nagkikita bilang magka kapamilya dahil na rin sa trabaho at gawain ng bawat isa. Pakiramdam ni Kale ay nakukulangan sya sa atensyon, pagmamahal at oras nila kaya lagi syang sabik sa pagmamahal ng kanyang magulang.
Gayonpaman may isa syang nakatatandang kapatid na si Julia, limang taon ang agwat nila ngunit hindi nag kulang ng pagmamahal, aruga sa kanya ang ate nya, kumbaga spoiled sya dito at malapit ang loob nila sa isa't isa. Iniidolo ni Kale ang ate nya at over protective si Julia kay Kale at pinangako sa sarili na magiging responsable, mapagmahal at maunawain na ate. Dahil si Kale ang lahat sa ate Julia nya, sya ang nagbibigay kasiyahan sa pagiging mag isa ng nakatatandang kapatid nya, sa panahon na nag iisa lamang syang anak. Gayon din si Kale sa ate nya, hindi sya mag dadalawang isip na saktan ang sinuman na saktan ang ate nya. Sinasabihan na lamang ni Julia na hwag ng masyadong pansinin ang mga taong uma away sa kanya at hayaan na lamang dahil sya ang mas matanda sa kanilang dalawa at kaya naman niya ang mga iyon. Ayaw nya din na napapa trouble si Kale sa pagtatanggol sa kanya.
Bagong salta noon si Kale sa campus nina Amanda at nasa hallway pa lamang sya ay halos pagka guluhan na sya ng ibang estudyante dahil kahit sino ay kilala sya at papangarapin na makadaong palad ang isang Kale matalino, mayaman, may pangalan at mabango. Ngunit poker face lamang ang tingin nya sa mga ito at nababagot na pinasadahan ng tingin ang mga taong nakikipag kilala sa kanya.
Kung ang ate nya ay pala kaibigan, palangiti at puno ng enerhiya, si Kale naman ay kabaligtaran. Bugnutin, tahimik, mabangis kung tumingin at madalas walang pakealam sa paligid o sa kung sino man, kumbaga ang motto nya sa buhay ay" it is what it is", marahil na rin siguro noong high school ay nag tiwala sya sa mga maling tao kaya pinangako na lamang nya sa sarili nya na magiging maka sarili na lamang sya at sarili na lamang ang iisipin. Madali na syang mag duda sa mga taong nakapaligid sa kanya at ayaw na nyang masaktan muli dahil minsan na syang tinalikuran ng mga taong ina akala nyang kaibigan.
Dahil napa aga sya sa klase nya at hinihintay ang student council President para itour sya sa campus ay nag tungo na muna si Kale sa palikuran. Nakabukas ang pinto nito at para hindi na rin lumabas ang mabangong amoy ng cr ay sinaraduhan na nya ito. Ang hindi nya alam ang pintuan ng CR ay sira at kapag naka lock ay hindi na muna mabubuksan. Nakalimutan ng janitor na lagyan eto ng karatula na Out Of Order.
YOU ARE READING
Tribike and Barbeque
Teen Fiction"If there ever comes a day when we can't be together, keep me in your heart, I'll stay there forever." "A day without a friend is like a pot without a single drop of honey left inside." "You're braver than you believe, stronger than you seem, and sm...
Ikaw by Sarah G. ❤️
Start from the beginning