Finale: RANZ KYLE ♥

Start from the beginning
                                    

Napabangon ako sa kama at tumingin ako sa buong kwarto ko ..

"Bakit ganito? Bakit parang iba yung pakiramdam ko?"

*tok.tok*

"Jenzey, lumabas ka na dyan sa kwarto mo at may mga bisita tayo sa baba" sabi saakin ni mama

Napa-tingin ako kay mama na may halong pagtataka.

Lumapit siya saakin "Anak? Okay ka lang ba?" Hinipo niya yung noo ko. "May sakit ka ba? Bakit namumutla ka?" tanong naman niya.

Napakagat ako sa labi ko. "Ma! Ano nangyari saakin?" nagtatakang tanong ko kay mama.

"Ha?" nagtatakang tanong din ni mama saakin

Patuloy ko parin iniikot yung mga mata ko sa buong kwarto ko. 

"Anak?"

"Ma! P-panaginip ba lahat ng yon o totoo'ng nangyari?" tanong ko kay mama

Napakunot noo siya. "hay nako! Nananaginip ka nnman eh! Halika na sa baba!" sabay hinatak niya ako pababa ng hagdan.

Pagkababa namin ..

"Ay pasensya na kayo ah, natagalan kami. Nananaginip pa to'ng anak ko eh" ^__^ pagpapaliwanag ni mama sa mga bisita.

Tumingin ako sa buong bahay.

My Imaginary Boyfriend turns to be My 1st Heart Breaker [Ranz Kyle]Where stories live. Discover now