Chapter 5

166 35 1
                                    

"Pag tuluyan ng maubos ang buhok mo wala ng mahuhulog sa'yo, Jaydee." pang aasar sa akin ni Daryll, kanina pa sila dumating dito at kanina pa din sila nag aasaran at ngayon ako na naman nakita nilang asarin.

They really cleared their schedules for me, para lang mabisita ako pero mukhang bumisita lang sila para mag ingay at mag asaran dito.

Ginawa pang meetup place ang room ko.

"Mahiya ka naman, Daryll. Mas maganda pa din sa'yo si Jaydee kahit ano maging mukha niyan." panggagatong ni Dana sa kanya.

"Talagang mas maganda siya sa akin, pogi lang ako eh." dinilaan naman ni Daryll si Dana.

"Grabe ang hangin, mas mahangin pa sa hangin na ibinubuga ng aircon." bulong na sabi ni Ate Jem pero tamang-tama lang para marinig namin.

Nagtawanan naman kami.

"Mahangin ka pala eh." natatawang sabi ni Dana kay Daryll.

Halos hindi naman maipinta ang mukha ni Daryll at umupo na lang sa sofa na nasa kwarto ko.

"Atleast hindi ako maliit." nagpaparinig na si Daryll at agad na siyang nag cellphone.

Tinignan naman ni Ate Jem si Daryll na parang pagsasalitaan niya na si Daryll pero pinigilan siya agad ni Dana at pinakalma niya siya.

Ganyan silang dalawa, mag aasaran pero bigla na lang magagalit si Ate Jem kahit na siya naman palaging nauunang mang asar kay Daryll. Minsan talaga napapaisip na lang kami na dati silang magjowa at may galit sa isa't isa bago maghiwalay.

"Puro kayo asaran dalawa, nandito tayo para bisitahin si Jaydee hindi para mag asaran kayo." pagsu-suway ni Ate Abby sa kanila.

Lumapit naman sa kama ko si Ate Sela kung saan ako nakahiga ngayon. "Kumusta pakiramdam mo?" pag-aalala niya at marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Okay naman po ako, medyo nanghihina lang po ako." sagot ko sa kanya.

She just nodded to me.

Ate Sela is indeed a big sister to me, alagang-alaga ako sa kanya and i'm happy 'cause i have a friend and an ate at the same time.

Tumikhim si Ate Abby. "We should go now, it's already past 6 baka abutin tayo ng traffic sa daan." Ate Abby said to them.

Agad naman lumapit sa akin si Daryll. "Babalik kami bukas, pahinga ka na." agad niya akong niyakap.

Lumapit din sa akin si Ate Sela at hinalikan ako sa noo. "Take a rest, baby girl."

Nagpaalam na din yung iba sa akin at tuluyan na silang umalis.

Ilang ulit ko ng sinubukan matulog but i can't and i'm getting bored waiting for mama and papa since umalis sila kanina nung dumating mga kaibigan ko para ikuha ako ng damit at ipaghanda ako ng dinner.

Bumangon ako sa kama at sinubukan kong tumayo pero hindi ako makatayo ng bigla akong matumba

Bigla naman may pumasok na nurse.

"Ma'am, anong ginagawa niyo po?" natataranta niyang tanong sa akin at agad akong inalalayang tumayo at iupo sa kama.

"Gusto niyo po bang mag cr?" pagtatanong niya sa akin.

Agad naman akong umiling. "Gusto ko po lumabas sana, pwede po ba?"

Nagda-dalawang isip pa siya kung papayag siya sa akin ng agad naman na tumango siya sa akin.

"Sige, babalikan lang kita. Kukuha lang ako ng wheel chair mo." agad naman akong napangiti sa sagot niya at lumabas na siya ng kwarto ko.

Lumipas ang dalawang minuto at nakabalik na siya ng kwarto ko. Agad naman niya akong inalalayan na makaupo sa wheel chair.

"Saan mo gusto pumunta?" pagtatanong niya ng makalabas na kami mula sa kwarto ko.

"Ilibot mo lang po ako dito sa hospital." tumango naman siya at agad na itinulak ang wheel chair.

Unang SayawWhere stories live. Discover now