"Uhh here meron ako, Cass may feelings ka ba kay Dylan?" tanong ni Daniel
"Pag di mo sinagot may consequence" Singit ni Elle
"Hala daya" Pagmamaktol ni Kate
"Ano naman 'yon?" tanong ko naman
"Haha.. Sorry kate , Baby natin si Cass diba? You know di umiinom? Ang consequence natin sa kanya pag di niya sinagot iinom siya ng three glasses of tequila ano guys deal? Ganyan din naman ginawa namin kanina kay Dylan ,Cass" Sambit ni Elle
"Hala ang daya di naman ako umiinom e, Iba nalang"
"Nope, Challenge mo yan Cassidy" Sulsol naman ni Venice
"So choose and say the truth and ofcourse say what you feel for him" Sambit ni Daniel
Si Dylan at Gracie naman nakatingin lang habang sinasabi sakin ang consequence na iyon. That time iniisip ko sabihin ko na kaya, pero may gumugulo sa isip ko paano pag nireject niya ko anong mararamdaman ko at iniisip ko talaga yung rule ayokong baliin ng basta basta dahil nangako kami.
"Tsk! Fine wala okey .. Wala" Sambit ko na medyo kinakabahan
"Wala namang kabuhay-buhay yung sagot mo cass" Komento ni Ven
"Ven is right, were not satisfied cass" Sambit ni Daniel
"Para pair cass drink this" Sabay abot ng isang shot ng tequila
"Go girl! One shot lang naman" Panguudyok ni Kate
Sabay abot ni Daniel nung tequila, Igrab it and drink it para naman di niya ko mahalata sa crush thing na yon pati na rin sa mga kaibigan ko.
"Tsk! Ang pangit ng lasa" Sambit ko naman
"Haha.. Now were finally satisfied cass" Sambit ni Daniel na may nakakalokong tawa
Pagkatapos noon nagdahilan nalang ako na inantok ako sa ininom ko na 'yon, Umayaw na ko dahil baka maulit nanaman, madulas pa ko at mapaamin ng 'di oras.
------------------
Natapos ang maghapon sa bahay ni Elle , Punong puno ng kalokohan at nagenjoy talaga kami lalo na sa food na hinanda ni Elle. This time patulog na ko at nakahiga na din sa kama, hawak ang phone ko at nag send sa kanila ng message.
To my buddies~
"Good eve, Guys thanks for today at syempre kay elle, See you tommorow . "
Nakapagtext na din sila kanina ako ngayon pa lang, Siguro tulog na sila dahil sa ininom nila kanina. Akala ko walang magrereply sa tinext ko.
Toot.. Toot 1 message recieved
Its Dylan " Good night Cassidy"
"Good night din Dylan Thank you kanina"
"Maliit na bagay, Sweet dreams :)"
Hindi na ko nagreply dahil hindi pa nag sisink in sa utak ko yung text ni Dylan, Kasi naman puro lang siya Gm at ngayon lang ulit siya ng Pm kaya nakakapanibago talaga. Sumagi na lang sa isip ko yung mga pangyayari kanina, Ako kaya yung tinutukoy ni Dylan sa mga titig niya at ngiti ako kaya iyon o baka naman si Gracie? Sa kakaisip ko nakatulog na pala ako.
---------
Kinaumagahan..
Nagising ako ng 30 minutes bago ang unang klase ko kaya madaling madali ako ako masungit pa naman si Mr.Clark kaya ayaw kong nalelate sa kanya. Napuyat kasi ako sa kakaisip kagabi, Sa kakahadali akala ko mauunahan ko si Mr. Clark, Im too late
"Good morning sir, I'm sorry im late may i come in"
" Yes you may, Ms. fernandez make sure di na mauulit 'to"
"Yes sir thank you sir"
Pumasok na ko sa room ng hiyang-hiya pano ako ang center of attraction, Naghanap ako ng mauupuan at ang tanging bakante na lang ay ang upuan sa harap ni Dylan. Wala na akong choice dahil nagsisimula na si Mr. Clark mag discuss kaya umupo ako nang hiyang-hiya. Dali-dali kong kinuha ang notepad ko sa bag at nag take down notes. Sa kakahadali hindi namalayan may nahulog pala.
"Guys kanino to?" tanong ni Dylan
Naririnig ko siya pero hindi ako lumilingon pansin ko din na hindi kay Gracie at Ven yung tinatanong na bagay ni Dylan. Lumingon na ko sa aking kuryosidad, Nanlaki ang mata ko nang makita kong hawak ni Dylan yung lipstick na bigay ni Mum.
"Sakin yan" Sambit ko ng pabulong, sabay hablot sa hawak na lipstick ni Dylan.
Hiyang-hiya ako sa pangyayaring iyon mabuti na lang busy sila sa pagsusulat at pakikinig. Hindi naman kasi ako palaayos gaya ni Ven at Gracie hanggang face powder lang ako, Buti nga hindi nila napapansin yung lips ko, Light lang naman iyon hindi kagaya nila Ven ang pupula ng lipstick, Napilitan lang akong gamitin iyon dahil laging isyu samin ni Mum yung lipstick na yun matagal na kasi niya binili iyon, hindi ko lang ginagamit. kaya lagi niya kong nakakagalitan
Sa last subject namin bago matapos ang klase may napansin si Kate.
"Aba! nakalipstick si Cass ahh.. Uyy! Pinky lips ohh!"
"Bago sayo Cass ah" Sambit ni Gracie
"Wala, Masama ba? Si mum kasi e mapilit" Biro ko na hiyang-hiya dahil nakatingin si Dylan sakin at buong barkada
"Hay! bat ba kasi na imbento pa 'tong lipstick!" Sambit ko nalang sa sarili ko
YOU ARE READING
Friendship Rule{short story}
Short StoryI love you in silence, because in silence, there is no rejection and from there no one owns you except me.
