[Good Morning Sam! I just call you because I wanted only to know if you already receive the envelope that I send for you last night.] Aiden speaking on the other line. Mukhang kakabangon bangon pa lang rin yata niya sa higaan niya at kakagising pa lang dahil sa boses niya.


"Yeah, I already received it." Nakangiti na sabi ko naman. Sinimulan ko na i-istart rin ang makina ng sasakyan ko para antayin na munang painitin ang heater non. "Pero hindi ko nga lang alam kung para saan ba yon."

I heard him a laugh a bit kaya halos parang ganon na lang rin kaagad na nangunot ang noo ko. Nagtataka at unti unti nanaman naguguluhan. [Don't worry, You'll know it later.]

"1 PM right?"

[Yup. Exactly! But wait, are you now already in your way there?]

"Not at all. Paalis pa lang ako."

[Great then, aside from that can I ask you about Chandria?] Biglang tanong niya na nakapagpawala din agad sa ngiti ko. [Did the both of you still had communication?]


"Yeah we are. Pero hindi na kami ganon na nakakapag usap ng araw araw unlike before." I lied. Natakot na rin agad ako na magsalita pa ulit dahil baka masabi ko sa kanya ng wala sa oras ang tungkol sa anak nila ni Chandria. Ayoko rin na magalit sakin si Chandria kaya as much as possible, nag i-ingat ako sa mga salita ko kapag siya ang kausap ko.

I heard him letting out a heavy sighed. So I already also assumed that he's sad because unlike to me and Gaviniel, they don't have any communucation at all. Nung last na check ko rin kasi sa twitter ni Chandria, they're not mutuals anymore kaya alam ko na sobrang miss na miss na rin niya ito.


[Ah.. really? Well, I guess he already had someone else there. On where she is right now.]

"I didn't know." Nagkibit balikat lang ako at sinimulan ko na ang magmaneho.

Habang nasa biyahe ako ay patuloy pa rin kami na nag usap din ni Aiden. Sa sobrang dami non ay hindi ko na rin ganon pa na maintindihan ang iba dahil may mga sinasabi siya na tungkol sa lupa na proyekto raw nila sa iba't-ibang sites. Hindi naman ako nagalit at umo-oo na lang sa kanya para lang hindi siya ganon na ma-discourage.


Hindi rin naging madali sa akin ang pagba biyahe ko mag isa papunta sa Tagaytay dahil naipit ako sa traffic sa bandang parte ng Bacoor. It takes me to wait there maybe around 2 hours that's why ganon na lang akong napahigpit ng hawak sa manibela ko. Sinubukan ko rin na tignan kung may inaayos ba na parte ng kalsada pero wala naman. 

"The heck bakit ngayon pa?" Napasinghap at wala sa sariling napahalukipkip na lang ako. Nakakahiya naman kasi kung male late ako ng dating roon. Nang makita ko na nag green light na ang stoplight ay pinaharurot ko na rin ang pagmamaneho ko minu-minuto ko na rin akong tumitingin sa oras ng relo ko umaasa na sana makaabot ako. 

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang mararamdaman ko ng eksaktong makarating na ako sa lokasyon kung saan ako pinapapunta ni Aiden. Alam kong matagal na but still, it was quite familiar to me lalo na nung ilingon ko at libutin ang paligid. Sa bakanteng lote ko muna ipinark ang sasakyan ko bago ako tuluyan na lumabas bitbit ang bag ko. Pagkatapos ay sunod ko na tinawagan muli si Aiden para sana tanungin kung nasaan na siya pero sa huli, out of reach kaya wala na rin naman akong choice kung hindi ang antayin na lang siya na makarating. 

Ngunit habang patagal ng patagal akong naghihintay roon ay doon ko na rin hindi ulit mapigilan ang mapaisip nanaman kung ano ano. Pinukol ko ang ulo ko at napailing na lang rin agad para paalisin ang mga iyon bago ako bumuga ng isang malalim na buntong hininga sa kawalan at tumingala sa maganda ngayon na kalangitan. 

The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now