Hindi ko alam pero sa tagal ko na tinitigan ang mukha niya ay wala sa sariling nakita ko na lang ang sarili ko na hinahawakan at dahan dahan ko na palang hinahaplos ang mukha niya gamit ang isa kong kamay. But it was only quick because I already stood up and went to his kitchen leaving him there for the meantime.



"Bakit naman kasi uminom ng marami kung hindi naman din pala kaya." I whispered to myself while I was busy looking for a towel. Napasapo ako sa noo ko ng bigla ko na lang rin maalala na sa bathroom niya pala usually nilalagay ang mga iyon.



Halos mapahawak ako sa dibdib ko ng pagkatapos niyon ay sunod ko na makita ulit si Gaviniel na ngayon ay nakahilata na mismo sa sahig! Para siyang tinapon roon ng kung sino! Kaya dali dali na lang rin akong napalapit sa kanya at lumuhod para ilagay ang braso niya sa balikat ko para itayo siya at maihatid sa kwarto niya pero ang bigat niya!



Napasapo ako sa noo ko at napakamot sa buhok ko. Sinubukan ko siya na gisingin din ulit pero wala, he's now really in his deep sleep. Sa huli, sumuko na rin ako dahil hindi ko talaga siya mabuhat kahit maiupo muli sa sofa kaya naman pumunta na ako sa kwarto niya para kunin ang unan at kumot bago ako bumalik sa living room, placing the pillow below his head. Kinumutan ko rin siya habang nakahiga siya sa sofa. Pagkatapos ay umupo ako sa harapan niya.




"Hi," I said to him while I was staring at his face who's peacefully in asleep. "Why did you drunk so much hm?" Mahinang daldal ko pa. Inayos ko rin agad ang buhok niya dahil natatakpan na non ang kanyang mata. "Tulad mo, Oo. Masaya rin akong makita ka ulit. Pero hindi sa ganitong sitwasyon." 



Nanatili lang ako na nakatingin sa kanya hanggang sa napagpasyahan ko na munang tumayo na muna rin kaagad pansamantala para iwanan siya at pumunta sa bathroom para hilamusan ang mukha ko. Halos mag aalas dos na din pala ng mahagip ng mata ko ang orasan niyang naroon sa dingding. Pero bumalik rin kaagad ako kung saan siya naroon at umupo ulit sa tabi niya habang may hawak akong cotton pad at cleanser. I started to clean his face just so he wouldn't wake up tomorrow with little dirt in his face. Tinanggal ko na muna rin ang heels ko since nandito lang rin naman ako sa loob ng condo niya. 



"Paano ba ako uuwi nito ngayon? Kung wala ka namang makakasama rito?" I whispered to myself. 



Inayos ko pa ng isang beses muli ang buhok niya bago ako lumipat at umupo pabalik sa kung saan ako nakaupo kanina. Sinubukan ko na ilabas sunod ang phone ko at i-chat ang mga kaibigan ko para sabihin sa kanila na baka dito na muna rin ako magpalipas ng gabi dahil walang makakasama si Gaviniel. Pero hindi ko man lang rin namalayan na paglipas lang ng ilang minuto ay napapikit na ako at nakatulugan na ang phone ko. 



Kinabukasan, nagising na lang ako ng makaramdam ako na may kumot na nakataklob sakin! Tumingin ako sa orasan at nakita ko na alas dies na pasado ng umaga! Kasunod niyon ay wala sa sariling napatingin na lang rin kaagad ako sa bandang kusina ng makarinig ako ng kung anong ingay na nagmumula roon. Hindi na ako nagtaka ng makita ko na si Gaviniel yon na abala ng nagluluto at naghahati ng mga ingredients. 

The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now