"Aside from that Ija, If you're worrying that  Gaviniel might already know if you're here in the Philippines," Tipid siya na ngumiti bago umiling. "We did not tell him."




Marami pa kami na pinag usapan ni Tito pero dahil din sa biglaang pagtawag ng halos lahat sakin aside from my friends, including my parents and aunt, hindi na namin natapos pa ni Tito at nauwi na lang rin iyon sa pagpapaalam. Since the fact that he also needed to leave because of the urgent meeting of him with the stockholders of their company.




Hindi ko na rin inisip pa na magtagal roon sa lugar kung saan ako nakijoin kumain sa pamilya ni Gaviniel at kaagad na akong naglakad para hagilapin si Gavinson dahil na rin sa kagustuhan ko na umuwi. Kaso nga lang, sa kakahanap ko sa kanya sa kung saan ay hindi ko siya matagpuan kaya sandali na muna rin akong huminto sa isang tabi para ilabas ang phone ko at i-chat siya thru messenger since wala naman akong number niya.




Halos nakailang send na rin ako ng message kay Gavinson pero sa huli ay wala man lang din siyang reply kaya hindi ko na maiwasan ang mapagkunutan ng noo at malungkot na ibalik iyon muli sa bag ko. Naisip ko man din at gustuhin na mag commute pabalik sa bahay pero hindi ko naman alam kung saan ako sasakay dahil sa katotohanan na ngayon lang rin ako nakapunta dito. Isa pa iniisip ko pa lang rin na mag commute mag isa eh baka sa iba pa ako dalhin.




Kaya sa huli, inabala ko na lang ang sarili ko na kumuha ng mga litrato at i-video ang ibang parte ng lugar para sana mai-post ko sa IG ko ng bigla ko na lang rin maalala na ayoko nga pala ipaalam kay Gaviniel na nandito ako. Kaya sa huli ay pinanatili ko na lang muna rin iyon na tambak sa gallery ko. Pinagpatuloy ko na rin ang pag scroll ko roon para tignan ang mga past photos ko na naroon. Awtomatiko akong napahinto ng makita ko ang lahat lahat na litrato namin ni Gaviniel.





If I remember, all of our photos there was coming from every special events that we're mostly celebrating. Most of all when we're both had no work and only free time. Sa dami rin niyon ay hindi ko na mapili pa kung ano ang pinaka paborito ko roon na litrato naming dalawa dahil lahat naman kasi ay maganda at nakakatuwa talagang tignan.




Sa kakalipat ko roon isa isa, hindi ko na rin namalayan pa na tumatawa na pala ako mag isa. Paano kasi ay mukha kaming tanga roon ni Gaviniel. Nakatingin siya sa camera habang naka wacky at may hawak na gunting at ako naman ay mukhang unggoy na nakaduling. Dahil sa katuwaan rin ay hindi ko na napigilan pa na mapahawak sa tiyan ko.




Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ko ng sa katangahan ko ay dumulas ang phone ko sa kamay ko. Kaya dali dali akong yumuko para kuhanin at pulutin iyon. Pagkaayos ko ng tayo, halos mapaatras rin agad ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat.




Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito ulit? Ang bilis naman yata kaagad natapos ng trabaho niya?



"S-samantha?" Nagugulat na sambit niya sa pangalan ko. Sa tabi niya ay nandoon si Gavinson na kanina ko pa hinahanap. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na pinalipat lipat ang paningin sa aming dalawa ng kuya niya bago siya tuluyan na lumakad. Pero hindi rin niya iyon natuloy ng hawakan ko siya sa braso niya at pigilan.




"What?" Kunwaring nagtataka na tanong niya rin kaagad sakin. Tinaasan niya ang kanyang kilay. "Look, I'm giving the both of you privacy to tal-"



Hindi na natuloy rin pa ni Gavinson ang sinasabi niya ng bigla na lang rin na tumakbo sa amin si Gaviniel at basta na lang niya akong niyakap ng mahigpit. Agad ko rin tuloy na nabitawan ang braso ni Gavinson kaya ayon at tuluyan na siyang nakawala at mapang asar na iniwanan ako sa kuya niya!



The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now