Author's Note

171 5 4
                                    

Basahin mo kung trip mong malaman ang dahilan kung bakit ito naisulat ng may akda.

______________

Aye yow wazzup dude!

It's me, your tarantadong author (-_-)

Naisulat ko ito hindi lang dahil sa trip ko, kundi isa ito sa napaginipan ko noon at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan. Since junior high pa lang ako.

Pakiramdam ko parang umuulit-ulit yung panaginip na 'yun o baka napapraning lang ako, char. Matino pa naman ako, konti.

Ang kwentong mababasa ninyo ay ito ang laman ng nasa panaginip ko, pero hindi ito detailed kaya ang ilan na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang, akin iyong dinagdag para lagyan ng timpla ang istoryang ito.

Inuulit ko. Ang kwentong ito ay hindi lang nakabase sa imahenasyon ng may akda, kundi nakabase halos ang lahat ng takbo ng kwentong ito sa panaginip ng mismong may akda.

Dagdag rin pala, hindi ko nakakalimutan ang sunod-sunod na pangyayari sa panaginip ngunit hindi ko alam ang mga pangalan ng mga nasa panaginip ko o sadyang nakakalimutan ko lang talaga sa tuwing gigising na ako.

Detalyado ang mga mukha nila sa panaginip ko maliban sa babaeng bida, kaya ang weird lang. Sa pagkakaalam ko kase hindi marunong gumawa ng detalyadong mukha ang utak ng tao. Base lang sa pagkakaalam ko.

Maikli lang po ito nasa mga ilang chapters lang gagawin ko kase binabase ko 'yung plot sa panaginip.

Paalala. Ayaw kong maging masaya ka. Damay-damay na 'to.

Pagpasensyahan mo na ang mga typos at grammatical error, lutang ako palagi. Wala rin sa trip ko ang magproof reading.

Dito pa lang sinasabi ko na medyo may pagka weird ang story na ito dahil nga sa parte lamang ito ng panaginip.

Dagdag nga pala matagal ko na sanang balak isulat ang kwentong ito pero hindi ko agad pina-publish kase nagdadalawang isip ako, skl.

Ge 'yun lang. Lab yow.

__________________________

Tayo na at maglakbay sa aking panaginip.

3 MONTHS Where stories live. Discover now