"Since we are all here, my name is Tina and I'm going to be with you guys na maglilinis ng bundok. First, you have to bring a sack with you or plastik kung hindi kaya. Find a partner sa paglilinis pero as much as possible magkakasama tayo dahil noong nakaraang taon ay may nahiwalay, ayon nahulog sa bangin." napasinghap ang lahat ng taong nakarinig. Maging ako ay nagulat sa sinabi niya.

Nang tignan ko naman si Aljon ay nakangiti lang siya, hindi naman siguro nagbibiro 'yung guide namin today.

"This is John and Nicole na magjowa 'yan sila na sasama sa atin. Ang love team nilang dalawa ay Jocole kaya isang tawag mo lang ay tutulungan ka na nila. Ano nga ulit ang tatawagin para matulungan kayo ni Kuya John at ate Nicole?" tanong ni Tina.

"Jakol!" sigaw noong isang bata kaya napahaltak kaming lahat ng tawa.

"Silly kid..." naiiling na saad ni Aljon sa tabi ko.

"So the operation linis is now starting! Pwede na kayong magsimulang magpulot habang paakyat tayo habang naglilista naman ang ng nga pangalan na nandito para special attendance." saad ni Tina.

Mabilis kaming pumila ni Aljon sa likuran ng mga taong nakapila rin. Limang minuto na kami sa pila ay saka pa lang namin nalaman na may isang lugar pala na priority ang mga Pulis na bibigyan ng sako para sa lalagyan ng basura.

"Good morning, Mister?" tanong ni Tina kay Aljon at naglahad ng kamay.

"Aljon. Aljon Fontabella."

"Hihi! I'm Tina. Hindi ko kamag-anak si Margie Moran pero magkaapelido kami." saad nito at inabot kay Aljon ang isang log book.

"Hi! I'm Tina. And you?" tanong nito sa akin habang hinahayaan naming mag attendance si Aljon.

"Lincoln Santillan." saad ko at kinamayan siya.

"I'm Tina. Kasama ka ba nitong si sir?" I nodded. "Good. Pasok na kayo sa loob." naunang pumasok si Aljon kaysa sa akin at hindi ko alam pero hindi ko na mapigilang hindi matawa. Narito pa naman kami sa loob ng isang chapel psra kumuha ng sako.

"Naalala mo si Tina?" tanong ko kay Aljon. Kami na lang at ang naiwan dahil kami na lang ang kumukuha ng sako.

"Oo, bakit?"

"Her name is Tina, right?" I asked.

"Yeah? You have something to deal with?" Aljon handed me a sack and we went outside with people walking around whole picking up some trash.

"And her surname is Moran, 'di ba, Aljon?" pagtatanong ko pa ulit.

"Oo bakit? What's wrong being Tina Moran." saad ni Aljon nang pagkalakas-lakas. Napatakip tuloy ako ng sako sa aking mukha nang mapansin ko ang tinginan ng mga tao sa amin bago nila ito iniwas.

I was at the verge of laughing when Aljon already digested the words that I've been saying to him.

"Fuck... don't say that it meant another thing? Isn't it?" he curiously asked.

"Ayaw ko na sabihin." saad ko naman habang nakangising nang aasar. Inignora ko na lang siyang parang walang nangyari at nagsimulang pulutin ang mga kalat na nakikita ko. Sige pulot lang ako at hindi ko na napansin na nawala na pala kami sa mga tao.

"Wheehw... I'm sweating so fucking hard." kumento ni Aljon nang mahinto kami sa malilim na puno. Nagpunas na rin ako ng pawis at pinaikot ang panyo para gumawa ng hangin. Naibsan naman nito ang init na akin nararamdaman bunga ng panahon.

April na kasi at simula na ng tag-init.

"Nawawala na tayo sa kanila, Jon." saad ko at nang mangalay ang dalawa kong hita ay sumalampak ako sa isang malaking bato.

Fontabella 4: Taking The RisksDonde viven las historias. Descúbrelo ahora