Chapter 2

3 1 0
                                        

Pagkamulat ko ng mga mata ko, napapikit ako muli dahil bahagya ako nasilaw sa liwanag na naggagaling sa flourescent lamp.

Muli ako dumilat at puting kisame ang bumungad sa akin. Nakakunot ang aking noo habang tinitingnan ko yun kaya inililibot ko ang aking paningin sa buong paligid na napansin kong nakahiga ako sa puting kama at pinalilibutan ako ng puting kurtina kaya alam ko kung nasaan ako. Kaya lang...

Bakit ako nasa hospital?

Wala akong maalala kung bakit ako nandito. Wala akong maalala na nangyari sa akin kaya nandito ako.

Nabalik ako sa realidad nung may kung sino ang biglang humawi sa kurtinang nakapalibot sa akin at doon bumungad ang isang nurse na ilang taon lang yata tanda sa akin na may dalang tray at sa ibabaw nun mga gamot at isang folder.

Inilapag niya ang mga dala niya sa lamesang nasa tabi ng kamang hinihigaan ko bago niya ilahad sa akin ang gamot at ang baso, kinuha ko yun para mainom.

"Miss, pwede po ba ako magtanong? Bakit po ako nandito?" Tanong ko after ko inumin yung gamot. Kumunot ang noo niya at bahagya pa siyang natigilan sa pagsulat sa dala niyang folder nung tanungin ko yun sa kanya.

"Wala kang maalala?" Tanong niya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang inaalala ko yung mga nangyari sa akin kanina pero wala akong maalala kaya dahan dahan ako tumango.

"Palagi naman yan nangyayari sa mga taong nahihimatay pero unti unti mo naman yan maaalala, hindi nga lang ngayon." Pagkatapos niya sabihin yun, may sinulat siya saglit bago niya tinuon ang buong attention sa akin.

"May isang lalaki nagdala sayo rito. Nung una nga akala ko nobyo mo pero hindi raw. Tinanong ko kung kaano-ano ka niya pero bahagya siyang natahimik, sa huli ang sinabi niya kilala ka raw niya."

Tapos nagkibit balikat siya, habang ako naman prinoproseso ko pa ang mga sinasabi niya sa akin ngayon.

Isang lalaki ang nagdala sa akin dito?

Wala akong maalala kung ano ang nangyari talaga kaya hindi ko rin maaalala ang lalaking nagdala man sa akin rito.

Sino siya? Nandito pa ba siya? Pero... bakit niya ako kilala? Kilala ko ba siya? Sino siya?

"Liza Alexies Aguas right?"

Mas lalo ako nagtaka sa sinabi ng Nurse, nagkatinginan kami na ako nagtatakang nakatingin sa kanya habang siya may maliit na ngiti sa labing nakatingin sa akin.

Kilala nga ako ng nagdala sa akin rito.

Tumango ako.

"Nakita ka lang daw niya sa daan umiiyak,
tapos nagpapaulan parang... wala ka raw sa sarili mo hanggang biglang ka na lang daw nahimatay lalo pa mataas ang lagnat mo and also you have fatigue."

Nakita ka lang daw niya sa daan umiiyak,
tapos nagpapaulan parang... wala ka raw sa sarili mo...

Para akong nanonood ng movie sa aking isipan nung sunod sunod nagflaflasback ang mga nangyari kanina simula nung naggagawa ako ng report, yung paghihintay ko sa Gonza, ang pag-usap namin ni Nikki, yung... yung nahuli ko si Darren na nakikipaghalikan kay Florisse, yung pag-uusap namin sa cafe, yung... yung umiiyak ako sa daan... hanggang sa umulan at nahimatay ako...

"Stop crying. Hindi worth it yung pag-iyak mo para sa lalaking sinaktan ka lang. Isipin mo na lang na hindi siya ang lalaking para sayo na... may ibang lalaking mas worth it sa mga luha mo."

Doon ko lang din napagtanto umiiyak na pala ako na hindi ko man lang namamalayan.

Nararamdaman ko muli ang sakit. Huminga ako ng malalim kahit ang dibdib ko, naninikip ng sobra na tila namamanhid na ang katawan ko.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Oct 18 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

THE TWO SAME WAY'S(The way's series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora