Nang pumayag ito ay nagmamadali siyang naglakad papalabas ng soccer field. Ramdam niya ang pagsunod ni Joshua sa kaniya.

"Bro!" tawag nito habang nagmamadaling tumakbo papunta sa kaniya. Hindi siya tumigil sa paglalakad kaya naman si Joshua na ang nag-adjust para sa kaniya. "Saan ka pupunta? May tubig tayo doon!"

"Water fountain," tipid niyang sagot. Dahil sa kaniyang sinabi ay nagtatakang napatanong si Joshua.

"Ha? Nasa kabilang direksyon ang water fountain," pagpapaalala nito sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin.

"I don't care."

"Bro, saan ka ba talaga pupunta?" Joshua quickened his pace just to be able to keep up with his steps. Hindi niya ito sinagot bagkus ay nagpatuloy sa paglalakad papuntang HRM lab. Nang mapansin na wala siyang planong sagutin ito ay nanahimik na lamang ang kaibigan at sumunod na lamang sa kaniya.

Nang sa wakas ay nakarating sila sa HRM lab ay agad na gumaan ang loob niya nang makita na bukas pa iyon. All the lights inside were opened, signaling that there are still people inside.

She's just busy. 

He tried comforting himself. May ginagawa ang babae kaya hindi ito nakanood.

"HRM lab? Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ng kaibigan niya.

"Tubig," tipid niyang sagot habang pumapasok doon.

"Ha? May tubig tayo doon Yohan."

"Shut up," banta niya dito at tuluyan ng binuksan ang pintuan. 

Agad na napalingon sina Apple Pie at si Mrs. Fortu sa may pintuan nang marinig ang pagbukas nito. Yohan tried his hardest not to look at her and just focus his gaze at the old teacher. 

"Oh Yohan! Joshua! Anong ginagawa niyo dito?" mabait na tanong sa kanila ni Mrs. Fortu habang nakangiti. Si Apple naman ay mabilis na napatalikod sa kanila at umaktong busy sa paglilinis. Sa utak ni Apple ay gusto niyang isumpa ang langit dahil sa biglaang pagpunta ng lalake dito.

Anak ng leleng naman oh! Bakit nandito ang gagong ito?! Move on na nga peg ko diba!

"Manghihingi po sana kami ng tubig. Wala na po kaming stock," magalang na ika nito sa guro.

"Anong wala? Isang cooler ang nandoon," naguguluhan pa ring bulong ni Joshua kay Yohan ngunit malakas na siniko lamang ito ng kaibigan.

"Oh don't worry! Marami pa kaming natirang bottled water dito sa may ref. Mga tubig iyan na hindi nagamit noong Foundation Week." The old teacher walked towards the fridge to take the bottled water while the two guys were just waiting. Yohan wanted to look at Apple but he forced himself not to. Baka makita siya ng babae.

Don't look. Don't look. Don't look.

He kept on chanting those words but his efforts failed him because as soon as he heard Apple call Joshua, his eyes automatically glare at them.

"Joshua," tawag nito sa lalake na nagpakunot ng noo niya sa inis. 

"Apple! Uy ano yan?" ngingiti-ngiti pa ang gago niyang kaibigan habang naglalakad papalapit sa babae. 

"Chocolate truffles," nakangiting sagot nito kay Joshua na nagpakumo sa kamao niya. "Gusto mo?" alok nito.

Ako, hindi mo tatanungin?

"Hindi ako tatanggi sa grasya!" Joshua exclaimed, not really noticing that his life is already in danger. All he can see is red when Apple gave Joshua the pink piggy tupperware full of chocolate truffles. Agad na nilantakan ng kaibigan iyon na mas nagpagalit sa kaniya.

That's fucking mine!

Gusto niyang sigawan ang kaibigan ngunit bago pa niya iyon magawa ay bumalik na si Mrs. Fortu dala-dala ang mga bottled water na hininga niya.

"Oh mga iho, narito na ang tubig niyo. Bumalik na kayo doon sa field at baka hinahanap na kayo ng coach niyo," saad nito habang inaabot sa kanila ang mga iyon.

"Salamat po!" nakangiting pasalamat ni Joshua habang siya naman ay tila pinagbagsakan ng langit at lupa. Palihim siyang lumingon muli kay Apple at pinanood itong pinupunasan ang mga hinugasang pinggan na mukhang ginamit nila kanina.

Bakit sa kaniya mo binigay? Akin yun. Isang linggo kong hinintay ang ibibigay mo sa akin at sa mokong na iyon mo lamang binigay?

He wanted to ask her those things, but he just found himself quickly leaving the HRM lab. Padabog niya iyong sinarado at hindi na hinintay ang kaibigan. 

"Anong problema nun?" bulong ni Apple. Simula nang pumasok ito sa HRM lab ay hindi siya nito pinansin. Ni pagtingin sa kaniya ay hindi magawa. 

Hmp. Mukhang wala talagang pakialam sa akin.

"Sorry sa inaasta ng kaibigan ko. Ganiyan talaga iyan kapag gutom. Hindi kumain ng lunch kanina eh," Joshua explained before saying goodbye and running quickly to be able to catch up with Yohan. Inintindi na lang niya dahil hindi nag-lunch ang kaibigan. Ang sabi ay may hinihintay itong pagkain. 

"Yo bro! Wait up!" sigaw ni Joshua kay Yohan. Tumigil sa paglalakad ang lalake ngunit kaysa matuwa ay mas natakot pa si Joshua  dahil sa aura na pumapalibot sa lalake. "You okay, bro?" nag-aalangan nitong tanong.

"Luwa." Isang salita lamang iyon ngunit ramdam ni Joshua ang namumuong galit ni Yohan.

"Ha?" kinakabahan niyang tanong. Sa isip-isip nito ay napapatanong kung ano ba ang iluluwa nito. 

Hinarap si Joshua ni Yohan bago muling nagsalita. "Iluwa mo iyang kinakain mo."

"The fuck bro? Nalunok ko na, di ko na iyon maluluwa! At saka ang sarap kaya ng chocolate truffles ni Apple!" reklamo ni Joshua. Hindi kaagad sumagot si Yohan sa rason ng kaibigan ngunit kalaunan ay mabilis na inagaw ang pink piggy tupperware na hawak-hawak nito.

"Akin ito," banta niya bago ito tinalikuran at bumalik na sa soccer field. Joshua has no choice but to follow his friend with a puzzled face. 

Nang makabalik ay maingat na nilapag muna ni Yohan ang tupperware ni Apple malapit sa kaniyang bag bago inilagay sa may cooler nila ang mga tubig na dala-dala.

"Yohan, bakit kumuha ka pa ng tubig? May stock na tayo dito," nalilitong tanong sa kaniya ng coach.

"Nakalimutan ko."

He was busy arranging those water bottles when he suddeny heard one of his teammate shouting at him.

"Uy Yohan! Saan ka nakabili ng truffles? Pahingi!" ika nito na mabilis na nagpalingon sa kaniya dito.

He immediately saw Gray opening Apple's tupperware and was about to pick up one of the truffles. Mabilis siyang dumampot ng bottled water at hinagis ito sa ulo ng ka-teammate niya. Gulat naman itong napatingin sa kaniya at akmang magrereklamo ngunit agad ring napatahimik dahil sa masamang tingin niya dito na para bang kayang pumatay. 

"Touch one of them and you'll never gonna leave this place with working fingers," he said in a threatening voice.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now