“I love you kuya, Ikaw na magsabi kila mama ah. Bye na.” saad ko saka sya niyakap.
Sakto naman paglabas ko bumungad sa‘kin ang isang gwapong lalaki na nasa edad 26 or 27 na. Amp! Ang gwapo naman nito.
“This way Ms Valdez.” walang reaction na saad nito sa‘kin.
Taka naman akong sumunod sa kanya papunta sa black na sasakyan. Ang brand ng sasakyan ah. Tuloy tuloy lang ako sa pag lakad ayukong tumingin kay kuya baka maawa ako. At di ako tumuloy!
“Woh!!” gulat na saad ko ng makita ko ang isang lalaking nakaupo sa gilid at ang lapad ng ngiti sa‘kin ah. Actually kasing edad kulang din sya , gwapo din at may dimple. Ba’t ba puro gwapo nakikita ko ngayon?
“Welcome Sa mysterious University Mystein.”
Nakangiting saad nito sa‘kin.“Di panga nakakadating welcome na agad. Teka? Pano mo naman nalaman pangalan ko?” tanong ko dito.
Tumingin naman sya sa black box na hawak ko kaya sinundan ko din ito ng tingin.
Oo nga pala may pangalan ko don na nakalagay.
Hindi kuna lang din ito pinansin at tumungin nalang ako sa labas ng sasakyan. Kunot noo akong pinagmamasdan ang dinadaanan namin.
Tangina pupunta ba kami ng gera? Ba’t puro naman yata malalaking puno at damo ang dinadaanan namin?
Hindi nalang ako kumibo at nanatiling tahimik hanggang sa ang malalaking puno ay biglang bumukas na kinagulat ko at bumungad sa‘kin ang pangalan ng school.“WELCOME TO MYSTERIOUS UNIVERSITY.” sobrang laki ng nga gusali.
Parang nasa syodad lang din kung tignan. Basta ang ganda puro building sya at ang ganda ng pagkakagawa.. Nakapasok na ang sasakyan sa loob pero tumatakbo padin ito patungo sa isang campus.
“First time mo ba dito? Huwag kang mag alala andito naman ako eh para maprotektahan ka.. At saka mag iingat ka lagi ah mystein.”
Napatingin ako sa mata ng lalaking ito.
At tulad ng mga character sa wattpad na nababasa ko.
Ang mga mata n‘ya midyo may pagka gray tapus ang astig din tignan ng buhok n‘ya.
Yong mukha n‘ya sobrang inosente tignan ‘yong tila bagay na bagay sa‘kin charot lang.
“Hindi kuna kailangan na magingat.. Dahil sanay ako sa gulong naghihintay sa‘kin sa loob ng University. At oo first time ko mukha bang matagal na ako dito? Inamoka!”
Sagot ko na kinakamot n‘ya naman sa batok n’ya. Cute!
“Ang sungit mo naman para nagtatanong lang eh.”
Nakangusong tanong n‘ya peto teka? San ba nagdaan tong lokong to? Kanina kasi nong pumasok ako dito ni wala naman akong may nakita na may taong nakaupo dito tapus kung di pa nagsalita di kupa malalaman na may lalaki palang naka upo sa tabi ko.
“Ano ginagawa mo dito?”
Takang tanong ko sa kan‘ya.
“Nakaupo, katabi ka? Ang ganda mo pala? Ngayon lang ako nakakita ng tulad mong magandang babae tapus ang astig kung magsalita? Talaga bang gan‘yan ka magsalita?”
Tumango ako bilang sagot sa kan‘ya. Sa totoo lang iwan ko kung sinabi n‘ya na ba ang pangalan n‘ya sa‘kin oh hindi?
Kasi sa pagkaka alam ko. Parang hindi na parang oo anak ng HAHAHAHA oo nakalimutan ko po pasensya na tumatanda na lola n‘yo.
Bigla akong napatigil ng maalala kung umalis lang pala ako ng bahay ng hindi nag papa alam kina mama at papa tanging si kuya lang ang nakaka alam , will bahala na si kuya ang magsabi kung nasan ako naroroon. Pano ba naman kasi? Ba’t ba ang hilig nilang mawala sa bahay ng hindi ko nalalaman?
Tapus bigla nalang din sisipot sa bahay ng hindi ko din nalalaman? Parang silang alien na pasulpot sulpot.
Mabuti nalang si kuya sobrang close ko talaga kaya lahat ng gagawin ko o gagawin n‘ya alam namin bawat isa.
Si kuya kasi ‘yong tipo ng lalaki na kailangan alam n‘ya ang gagawin ng kapated n‘ya para kahit papano alam n‘ya kung san n’ya ito hahanapin.
Sobrang close ako sa kuya ko kaya naman mas mahalaga s‘ya sa‘kin kaysa kila mama at papa. Si kuya lang kasi ang nagparamdam sa‘kin na sobrang mahalaga ako sa bahay kaya naman ngayon palang namimiss kuna s‘ya.
Naisip kudin na ba’t ako pumayag na sa M.U mag aral? Basta bigla nalang nag kusa ang sarili ko na sumama sa sumundo sa‘kin. Ni hindi ko alam kung anong nag hihintay sa‘kin sa loob basta ang alam ko kung ano man iyon kailangan kung tatagan ang sarili ko.
Dahil bagong teacher.
Bagong Dean.
Bagong classmate.
Bagong kakilala.
Bagong kaibigan ang mamemeet ko sa M.U at kung sakali man na magkaron ako ng mga kaibigan don sobrang nagpapasalamat ako at kahit ngayon palang kung meron man magtatangkang saktan ako sana matanggap ko.
Ito ang unang pagkakataon na mag aaral ako sa isang paaralan na tanging ako lang ang may gusto na tanging ako lang ang gustong maranasan kung ano talaga ang meron dito.
Kaya naman handa na akong makipagsalamuha sa mga bagong mukha na makikilala ko.
At saka kaya kung sabayan ang mga bagay na gusto nila dahil may iisang salita ako.
If you backstob me. I ’ll punch you and hurt you more than you hurt me.
“Ayos kalang ba?”
Tumango ako at di pinansin ito.
____
YOU ARE READING
Mysterious University By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]
Mystery / Thriller-Welcome To Mysterious University ............ Mysterious University is a place where full of mysterious and something unexplained or inexplicable university and a truth unknowable except by divine revelation. You must be brave to enter this univers...
![Mysterious University By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]](https://img.wattpad.com/cover/288670071-64-k634230.jpg)