•Kaguluhan 34•

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos ay mabilis akong umakyat at pumasok sa kwarto namin.

"Helloo!" nakangiti kong bungad dahilan para mapatigil ang mag-ama.

"Si Mama! Helloo Mama!" pinaliit niya ang kaniyang boses habang kinakaway ang kamay ni Jino.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko bago nakisali sa harutan nilang dalawa.

"Anong oras pala ang kasal bukas?" maya-maya ay tanong ni Jester.

Napatingin ako sa kaniya habang dumedede sa'kin ang anak ko.

"Alas-otso ng umaga. Bumili na 'ko ng panregalo at damit na isusuot ni Jino bukas, makakasama ka ba bukas?" sagot at tanong ko.

Humiga siya sa tabi ko at niyakap ang kamay sa baywang ko. Bahagya niya pang tinulak ang katawan ni Jino para mapulupot niya ang kamay sa buong baywang ko.

Pinalo ko ang kamay niya. "Huwag mong galawin, baka mabulunan!" mahina kong singhal na hindi niya pinansin.

"Ako rin mamaya, padede." pangbabastos niya.

Napatawa ako.

"Siraulo. Ipagtitimpla na lang kita ng gatas." natatawa kong sabi.

"Psh."

---

Sofia Villa and Patrick Mendrano Nuptial

Katatapos lang ng kasal at lahat kami ay narito na sa reception. Karga-karga ni Jester si Jino habang ako naman ay nakakapit sa braso niya. Sinuotan ko ng puting polo at pants ang anak ko at white shoes. Bumili nga rin ako ng white cap kaya ang pogi-pogi ng baby ko.

"Congrats, Mrs. And Mr. Mendrano!" masigla kong bago sa newly wed. Parehas silang malawak ang ngiti.

"Ang pogi naman ng bebe na 'yan ah!" nanggigil ma pinisil ni Sofia ang pisnge ng anak ko kaya bigla itong umatungal ng iyak.

"Tarantado kaya talaga, Sof! Pinaiyak mo ang baby pogi ko!" asik ko bago inagaw si Jino sa Ama niya at hinile.

"Congrats," bati ni Jester sa dalawa.

"Salamat, p're."

"Salamat, Jester!"

"Sige, Sof. Kakain muna kami, bye bye!" pagpapaalam ko dahil nagrereklamo na ang sikmura ko.

Pero bago pa kami makarating sa buffet ay may bigla nang humarang sa daanan at mabilis na inagaw ang anak ko mula sa'kin.

"Hawakan mo sa likod, Yuan!" saway ko.

Mabilis niyang itinakas ang anak ko at dinala sa table nilang mga tukmol. Nakita kong nandoon din anak ni Vicca, Eyan, Dianne at Elise.

"Tara, kakain muna tayo habang may nag-aalaga pa sa anak mo," wika ng asawa ko bago ako hinila sa pagkain.

---

"Shot! Shot! Jia!" sigaw nina Dino at Vincent na halatang tinatamaan na ng alak.

Nandito kami ngayon sa malaking table. Nandito na rin si Gavin kasama ang asawa at anak niya sa Plipinas kaya nakadalo siya. Wala si Sofia dahil kasama niya ang asawa niya.

Umuwi na ang mag-ama ko at hinayaan akong makipag-inuman dito. Well, hindi naman ako umiinom dahil dumedede pa sa'kin si Jino. Nandito lang ako para makisaya sa kanila dahil miss na miss ko na ang pagsasama-sama namin.

Inabutan ni Vincent si Jia ng shot glass. Mabilis na binatukan ni Eyan si Vincent at saka mabilis na inagaw ang baso.

"Tanga, bawal uminom ng alak ang buntis!" asik niya bago inisang inom ang alak.

"Jenny ikaw naman!" kantyaw ni Kian na naka-akbay kay Adam na halos nakapikit ang dalawang mata.

"Bawahl din shakin 'yahn!" nakaingos na sabi ni Jenny.

Malakas na humalakhak si Kian at sina Dino.

"Bakeht, bontish ka bah?" tanong nito. Namumula na ang pisnge.

Napailing-iling ako habang nakatingin sa apat na lasing.

"Endi. Peroh bawal shakin!" inis na sagot ni Jenny.

"Pinagbawalan ka ba ni pareng Ian? Oo nga pala, kailan kayo magpapakasal? Ikaw na lang ang hindi kasal sa mga babae," palatak ni Henry na nasa matino pang kaisipan.

Dahil do'n ay biglang umasim ang reaksyon ni Jenny.

"Bwesit ssha. Napakaj-manhed at boboh! Ilang beshes na hakong nagpaparinig sha kaniyah tungkol sa kashal-kashal na 'yan! Sharap ipakain ang karayom sha kaniya!" kunot na kunot ang noo niya habang nagrereklamo.

Mukhang tinatamaan na rin ng alak si Jenny dahil kanina pa siya tagay ng tagay.

"Kawawa ka naman Jinipir. Tatanda kang dalaga," pang-aasarni Josrael kaya mabilis siyang sinamaan ng tingin.

"Shus, ikaw nga 'di pa rin pinapakashalan ni Joy eh. Nakailang propose ka na ba? Apat? Lima? Nakakahiya," anas nito. Lasing na nga.

"Hindi pa ako nagpopropose, tanga. Fake news 'yang sinasabi mo," tanggi ni Josrael.

"Sus, tanggapin mo ang kahihiyan Josrael at samahan mo 'kong tumandang hindi pinapakasalan," pagkatapos ay humalakhak si Jenny.

"Lasing na ang bobita," bulong ni Vicca na may hawak na orange juice.

"Wasted." natatawang sagot ni Elise.

Magsasalita pa sana si Jenny kaso may biglang humawak sa braso niya dahilan para mapatayo siya sa kinatatayuan.

"I-Ian? Ows, si Ian nga? Taposh na ang shurgerey(surgery) mo?" nakangiting tanong ni Jennifer.

Tumango si Ian para bumati sa amin lahat nago inakay paalis si Jenny sa table. Nagreklamo pa si Jenny at nagpahabol na isang shot.

Napahilot sa sintido si Ian habang nakatingin kay Jenny.

"Let's go," mahina nitong anas.

"Goodbye, guys. Mahal ko kayo!" nagflying kiss siya ng ilang beses bago nakalabas ng gate.

"Siraulo, amputa." natatawang komento ni Eyan.

Bagsak na rin ang apat na lasing na kapwa humihilik. Natira kaming mga nasa katinuan pa at nagkwentuhan na lamang.

1 text message.

From: Jester
-Enjoy lang, Mahal. Ako na bahala kay Jino. I love you:>

***

(End of Kaguluhan 34)

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now