•Kaguluhan 34•

388 29 7
                                    

Hale Suarez

***

6 years later...

"Ma, nakita mo ba kung saan nakalagay ang diaper ni Jino?" sigaw ko habang karga-karga ang walong buwan kong anak.

Nakasuot rin ako ng uniporme dahil may klase pa ako mamayang alas-otso. Pero heto at iniyakan ako ng anak ko.

"Wala ba sa cabinet? Baka ubos na, anak!" sigaw naman ni Mama mula sa baba.

At oo, dito pa rin ako nakatira kina Mama kasama ang asawa ko dahil ayaw nilang pumayag na umalis ako ng bahay. Ayos lang naman kay Jester para raw may kasama ang magulang ko.

"Ha? Ubos agad? Jusko, kakabili lang nung isang linggo ah?" palatak ko habang sinusuklay ang buhok gamit ang kaliwang kamay.

Inosenteng nakatitig sa mukha ko ang anak ko kaya nginitian ko siya at nanggigil na humalik sa lips at pisnge niya.

"Nung isang linggo pa pala eh, ubos na nga 'yun!" malakas na sigaw ni Mama. Sa palagay ko ay nagluluto siya ng umagahan sa kusina.

Pagkatapos kong magsuklay ay bumaba ako at naabutan ko si Papa na nagbabasa ng dyaryo. Sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok ang gwapo kong asawa. Magulo at bagsak ang buhok. Nakabukas din ang dalawang butones ng polo at pagod na humalik kay Jino at sa'kin.

"Pagod ka?"

Bobo lang, Hale? Malamang pagod 'yan dahil galing sa trabaho.

"Yes. Nakakapagod ang pag-iimbestiga, pero dahil sa inyo, ng anak ko, nawawala ang lahat no'n," matamis siyang ngumiti bago nagmano kay Papa at kay Mama na pinuntahan niya pa sa kusina.

"Kawaan ka ng Diyos," usal ni Mama.

Bumalik siya sa harapan ko at kinuha si Jino na nakatulog na pala sa braso ko. Hinalikan niya ako sa labi bago umakyat sa kwarto.

Saka lang ako nagkaroon ng pagkakataon para ayusin at maglagay ng konting make up sa mukha. Nagmamadali kong nilagay ang laptop sa bag at kumuha ng isang hotdog na nakahain sa lamesa.

"Ma, aalis na 'ko. Kayo na bahala kay Jino ah!" sigaw ko bago tuluyang umalis sa bahay.

---

"Hale, nakabili ka na ng pangregalo kay Sofia?" tanong ni Nena na nakaupo sa isa sa mga upuan ng estudyante ko.

Tapos na ang klase kaya narito na naman siya. Mamaya ay sina Klea at Vicca.

"Hola, ma'friend!" napabuntong hininga ako s alakas ng boses ni Vicca na basta na lang hinila ang maayos na pagkakahilera ng upuan.

Itinapat niya iyon sa table ko bago malakas na nagpakawala ng buntong hininga.

"Wala pa akong naiisip na iregalo. Sa yaman ni Sofia baka nasa kaniya na ang lahat maliban na lang siguro sa kagandahan," usal niya dahilan para mapatawa kami nina Nena.

Kasunod na pumasok sa room ay si Klea na bitbit ang gamit niya.

"Jusko, buti na lang at friday na. Hello, weekends na!" aniya at masayang pumalakpak.

"Mamaya na ako bibili, dadaan na ako sa mall ngayon at bibili rin ako ng diaper ni Jino," anas ko.

"Ay ako rin, pasama na 'ko. Wala ng gatas si Lorraine ko. Bwesit kasi si Lance, hindi bumili eh galing siya sa mall kahapon," reklamo ni Vicca at kunot na kunot ang noo.

"Sasama na rin ako," sabi ni Klea.

"Ako rin," kibit balikat na ani ni Nena.

Pagkalipas ng isa't kalahating oras ay nakarating ako sa bahay. Rinig na rinig mula sa baba ang tawa ni Jester ay hagikgik ng anak ko. Napangiti ako bago nagmano kay Mama at Papa na nanunuod ng TV.

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now