"Bakit pala iba ang section niyong dalawa ni Waylon kila Miguel at Nate?" Muli kong tanong.

Si Miguel at Nate kasi ay magkaklase sa C5. Si Waylon naman nasa C2 at siya nasa C1.

"Waylon is naturally smart also. Like you," pagsagot niya sa tanong ko.

Kung gano'n bakit wala siya sa C1?

"Halata naman. Then you? Why are you in C1?"

"Because of dad," sagot niya. Mukhang hindi komportable sa mga itinatanong ko. "He transfer to that section because he want me to has a good background. Eventhough I am not that deserving to be in that place."

I bite my lips.

"I'm sorry. I know that you are also deserving to be there but you are just closing your heart and mind that's why that is becoming you reality," sabi ko naman sa kaniya. "A lot of people said that what you are thinking of, send it out to the universe, and the universe itself take those vibrations back to you. You are the only one who can change your life. Do you want to change it? Then, you have to change your mind first, because whatever you think of, manifest itself into reality."

Sa kalsada pa rin nakatutok ang mga mata niya.

"In short, sarili mo lang ang kalaban mo ano man ang mangyari." Pagdagdag ko.

Nang makarating kami sa parking lot ng AU ay agad ko ng kinuha ang mga gamit ko at aamba ng bababa ng sasakyan ni Clyde.... Pero nakita ko si Louisa na nando'n at may kasamang lalaki...

Ito yata 'yong boyfriend na sinasabi niya.

Hinila ko kaagad si Clyde pa balik aa sasakyan niya nang makita ko na pababa na rin siya ro'n.

"Pwedeng maya maya onti?" Pag tanong ko.

Kumunot ang noo niya sa biglaang pag hatak ko sa kaniya pabalik dito sa loob ng sasakyan.

"Why?" Taka niyang tanong. Ngunit nang makita niya na may tinitignan ako sa labas ay mabilis na niya itong nakuha. "Okey. "

Akala ko ay aabutin kami ng ilang minuto kakaantay sa loob ng sasakyan para lang antayin ang pag alis ni Louisa. Buti nalang at  halos limang minuto lang naman ang tinagal nila sa labas ng sasakyan kasama ang boyfriend niya. Ewan ko kung ano iyong nangyari pero paglipas ng limang minuto ay bigla nalang silang nawala. Hindi ko rin naman kasi sila tinitigan.

Ang sabi lang sa akin ni Clyde, pumasok na raw do'n sa loob ng sasakyan.

Kaya naman bumaba na kami ro'n at dumiretso na sa first class namin. Hindi kami nag sabay sa paglalakad. Sinabi ko kay Clyde na may dadaanan lang ako saglit at mauna na siya para hindi kami magsabay ng dating sa room. Ang sabi niya no'ng una ay sasamahan niya na lang ako. Buti nalang at naisip kong sabihin na mag rerestroom ako.

Ayon bumigay din at nauna ng pumunta sa room.

Grabe ang tahimik ng room namin no'ng tuluyan na akong makarating ro'n. Akala ko ando'n na ang prof namin kaya naman kumalabog ang puso ko kasabay ng paghakbang ng mga paa ko.

Nang makita ko si Krisha na nakayuko ay do'n lang ako nakahinga ng maluwag.

Kahit naman kasi palatulog itong si Krisha, kahit kailan hindi naman siya yumuko habang nag lelecture ang prof. namin.

My good manners pa rin naman kahit antok na antok na.

Tiningnan ko rin si Clyde na nasa unahan. Nakikipagusap siya sa katabi niya. Nang mahagip ng mga mata niya ang prisensya ko ay agad akong umiwas at nag lakad papasok.

Umupo na ako sa upuan ko nang tuluyang makapasok sa loob ng room. Nilabas ko ang mga importanteng bagay na kakailanganin namin para sa subject na 'yon. Hindi ko naman na ginalaw si Krisha sa pag tulog dahil mas nilaan ko nalang iyong atensyon ko sa pagrereview ng ibang mga lessons namin.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now