Ilang minuto ang lumipas at ngayon lang dumating si Louisa.

Agad siyang dumiresto sa puwesto namin at nagpacute.

"Good morning girls!" Pag bati niya.

"Good morning," sagot ko naman.

Nakita kong inangat na ni Krisha ang ulo niya at nagunat unat. Grabe talaga ang isang 'to. Parang ginagawa ng hotel 'tong AU.

"Guess what?" Tanong ni Louisa habang nakatingin sa aming dalawa ni Krisha.

Kumunot ang noo ko. Anong guess what? Sa sobrang dalang ko nalang siyang makita parang wala na nga akong alam sa mga nangyayari sa kaniya.

"You have a boyfriend," sagot ni Krisha.

"What??" Gulat kong tanong.

Kaya pala madalang nalang siya kung sumama sa amin ni Krisha nitong mga nakaraang araw.

Wala rin tuloy akong kasama kapag kumakain minsan. Agad kasing napunta si Krisha sa library para matulog, e.

Tumango si Louisa habang nakangiti. Mukhang ang saya saya niya.

"Sorry girls! Hindi ko kaagad napakilala sainyo. "Baka kasi agawin niyo."

Nanlaki ang mga mata ko.

Nakita ko naman ang pagikot ng mga mata ni Krisha.

"Joke!" Tumawa si Louisa sabay hampas sa aming dalawa. "Gusto kasi muna ng baby ko na privacy muna. Kami muna ang nakaka-alam, ganon."

Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. "Congrats. I'm happy for you."

Agad naman akong niyakap ni Louisa. "thanks mga sis."

Ngumiti nalang si Krisha kahit na mukhang hindi kumbinsido na may boyfriend na si Louisa. No'ng nakaraan lang kasi parang galit na galit si Louisa sa mga lalaki tapos ngayon may boyfriend na kaagad.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang prof. namin kaya naman nagsitayuan na kaming lahat.

She looks good mood today. Sana naman hindi mag bago iyan kapag may hindi nakasagot sa amin.

Gano'n kasi ang nangyayari sa iba naming prof. Papasok sila ng good mood tapos kapag may hindi nakasagot sa recitation ay biglang magbabago ang mood at magiging demonyo.

Papatayuin ba naman sa loob ng 1 hour 'yung kaklase kong hindi nakasagot.

Bukod sa nakakangalay 'yon, nakakahiya rin 'no.

"Bueno," unang tawag ni prof.

Fuck!

Si Clyde.

Alam ko naman na nakapag review kami kagabi. Pero hindi pa rin mawala sa sarili ko ang maging kabado.

Ipinikit ko ng bahagya ang mga mata ko habang naka cross finger ang mga daliri ko.

Pagkatapos mag tanong ni Prof. Agad namang sumagot si Clyde.

I can't see any trace of nervous on his face. He looks so comfortable.

Mas mukha pa nga ata akong kabado kaysa sa kaniya.

Maayos na nasagot ni Clyde ang tanong. His answer is accurate. Wala akong bahid ng mali na nakita sa mga sagot niya kaya naman mabilis kong naibuga iyong hininga na kanina ko pa pinipigilan.

"Wow. Nasagot talaga ni Clyde 'yon?" Pabulong na tanong ni Louisa habang patago akong kinakalabit.

I shrugged to answer her question. "I don't know!" Pagmamaang maangan ko. Wala pa ring may alam kung ano 'tong ginagawa namin ni Clyde.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now