"So ayos na ang lahat. Bakit di nyo subukang mag live in. Para naman di kayo mahirapan pag once na mag-asawa na kayo." Suggest ni tito

"Saan naman po kami titira?" Tanong ko

"Well, next month na ang flight namin papuntang States with Abea dahil malapit na manganak ang ate nyo. They need us there kaya dito kayo sa bahay" Saad ni mama na ikinakunot ng noo ko. What?!

"Ma paano naman po yung pag-aaral ni Abea?" Ako

"Sa Spain sya mag-aaral. Tsaka yun ang sabi ng lola nyo" Sagot ni mama

Nag usap lang sila at nagkwentuhan ng kung ano ano hanggang sa mapagdesisyunan na nilang umuwi.



End of flashback...







"Sleep ka muna baby ha. Baka kasi pagod ka tsaka medyo mahaba biyahe natin" Saad ko kay Coco na naka upo sa likod

"Where are we going ba ate?" Tanong nito

"Basta sleep ka muna" Sabi ko. Tumango naman ito at binuksan ang bintana ng kotse bago pumikit



FF

Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating na rin kami sa bahay nila Sela pero tulog parin ang baby kaya di ko muna ginising.

Pagkapatay ko ng makina ay agad na akong bumaba ng sasakyan para tulungan si Sela na ilagay ang mga gamit nya sa compartment ng sasakyan.

After namin mailagay at maayos ang mga gamit nya ay lumapit samin si tita.

"Abby anak. Ikaw na bahala kay ineng ha. Alagaan mo syang mabuti, alagaan nyo ang isa't isa"...sabay tingin saming dalawa. "Tawagan or itext nyo nalang kami pag may problema ha. Di bale nasabi ko na sa mama mo Abby na dadalawin namin kayo pag may time" Saad ni tita at napatingin sa loob ng kotse.

"Oh, naiwan pala tong baby na to. Sakto pagpraktisan nyo bilang anak" Tita at hinalikan ang noo ni Coleen tsaka hinaplos ang ulo nito.

"Uhm mommy alis na po kami. Baka gabihin kami sa daan" Sela

"Basta yung mga bilin namin ha. Oh sige na alis na. Abby ingat sa pagmamaneho okay" 

"Ok po tita una na po kami" Saad ko at bumeso kay tita ganun din si Sela at pumasok na kami sa kotse. Syempre pinagbuksan ko sya ng pintuan ng kotse sa passenger seat

"Seatbelt mo bucho" Sabi ko sa katabi ko at agad namn itong nagseatbelt

Bumusina naman ako senyales na magpapaalam na kami. Kumaway naman si tita at agad na akong nagmaneho....

Tahimik lang ang biyahe namin hanggang si Sela na ang bumasag nito.

"Akala ko sumama tong bulinggit na to kita tita" Nakangiting sambit ni Sela at tinignan si Coleen na tulog pa rin...haayysstt kahit kelan antukin at tulog mantika talaga tong batang to.

"Paano sasama yan kung malapit na pasukan"

"Nga pala Abby, anong dinner natin mamaya?" Biglang tanong ni Sela

"Ikaw??" Tanong ko dahil di ko naman alam kung anong gustong kainin ng babaeng to.

"Huyy ambastos mo naman!!" Sabi nito at hinampas ako ng mahina na ikinataka ko. Lohh sira ulo. Wala namang mali sa sinabi ko ahh??

The Couple GuardianWhere stories live. Discover now