"Von-"

"I will do everything to save you, love. I will do everything for you and for our family."

"Von, napag-usapan na natin ang bagay na ito noon, hindi ba? Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa akin pagkatapos kong manganak."

"Magiging ligtas ka at ang anak natin, Amari. Iyon ang mangyayari sa araw na iyon," marahang sambit nito at hinalikan ako sa labi ko. Mabilis lang ang halik na iyon at muling tiningnan ni Von ang mukha ko. "Whatever happens, I won't let go of you, Destiny Amari."

"Thank you, Von," mahinang turan ko sa asawa at niyakap ito.

Two weeks before my labor, I was already admitted to the hospital. Mas mabuti na iyon para ma-monitor ako ng doktor ko. Hindi na rin pumasok si Von sa opisina at halos hindi ito umalis sa hospital room ko.

"Natutulog ka pa ba, Von?" tanong ni Adliana sa asawa ko na siyang ikinabaling ko sa dalawa. "Umuwi ka muna at magpahinga. Amari's fine, Von. You need to rest para naman kapag manganak na ito ay hindi ka maging lutang sa delivery room."

"I'm fine, Adliana. May sofa naman dito. Dito na lang ako magpapahinga."

"Von, maliit ang sofa na iyan para sa'yo," wika ko na siyang ikinabaling nito sa akin. "Adliana's right. Go home and rest. Papuntahin mo na rin sila Xavi at isama na nila si Ayah para makita mo naman ang anak natin."

Xavi and Sasa volunteered to take care of Ayah. Hindi naman ito naging problema sa anak namin kaya naman ay pumayag na kami ni Von. At simula noong ma-admit na ako dito, which is exactly two days ago, hindi pa umuuwi itong si Von. Alam kong nag-aalala lang ito sa akin pero kailangan niya ring magpahinga. Kailangan niya ng sapat na lakas para sa araw ng panganganak ko.

"Go, love. Nandito naman si Adliana kaya huwag ka nang mag-alala. At isa pa, pupunta rin si Andrea mamaya kaya naman ay sila na ang bahala sa amin. We'll be fine here."

"Pero-"

"Nasa harapan lang ng ospital ang driver ko at naghihintay sa'yo. Don't drive at baka makatulog ka habang nagmamaneho, Von. Magpahinga ka na lang, okay?" wikang muli ni Adliana na siyang ikinatango na lamang ng asawa ko.

Lumapit si Von Sirius sa akin at marahang hinaplos ang umbok ng tiyan ko. Ngumiti ito sa akin at dahan-dahang hinalikan ako sa labi. "Babalik ako mamaya," bulong nito sa akin at muling hinalikan ako.

"Rest well, okay? Kiss Ayah for me."

"Of course," dagdag muli nito at nagpaalam na sa amin ni Adliana.

Noong naiwan na kami ng kapatid ko sa silid, mabilis akong napahawak sa dibdib ko. Umawang ang labi ko at humugot ng isang malalim na hininga.

"Amari? What's wrong?" nag-aalalang tanong ng kapatid ko at mabilis na lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay kong nasa dibdib ko at tiningnan ako nang mabuti. "What's wrong? Tell me."

"Hindi ko alam kung kaya ko bang iwan ang pamilya ko, Adliana," mahinang sambit ko at pilit na ikinakalma ang masakit na pagtibok ng puso ko. "Iniisip ko pa lang na iiwan ko sila, tila dinudurog na ang puso ko."

"You won't leave them, okay? Hindi mo kami iiwan, Amari."

"Pero hindi ko alam kung kakayanin ba ng katawan ko ang mga susunod na mangyayari sa akin, Adliana. I'm scared."

"Natural lang ang matakot, Amari, but we're here for you. Kasama mo kami at hinding-hindi ka namin hahayaang umalis na lamang. Amari, you already fought this battle before and you won. Ganoon din ang gagawin mo ngayon. You have your children now. You have Von and you have us. That's more than enough for you to fight and win again."

"Ate..." nanginginig kong tawag sa kapatid ko. Kita kong natigilan si Adliana at kusang lumandas ang mga luha sa mga mata nito. "Thank you for everything, Ate."

"Amari-"

"You're the best sister and I'm sorry for hurting you before. I... I was young and full of myself. Hindi ko man lang naisip iyong hirap na napagdaanan mo noong hindi mo pa nakikilala si daddy. I'm so sorry, Ate."

"Amari, stop please. Magpahinga ka na, okay?" Hinaplos nito ang kanang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "And I thank you too, little sis. Thank you for being my sister. I love you, okay? Gagawin ko ang lahat para makasama ka pa namin ng mas matagal."

Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko. Tumango ako sa kapatid at ipinikit na lamang ang mga mata.

"Rest, Amari. Kami na ang bahala dito."

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lamang ako at napasigaw noong maramdaman ang paghihilab ng tiyan ko.

"Adliana!" sigaw ko sa pangalan ng kapatid at pilit na nilalabanan ang matinding sakit sa tiyan ko. "Oh my God!" Napamulat ako ng mga mata ko at hinanap ang kapatid sa loob ng silid. At noong namataan kong wala ito, muli akong napasigaw.

Oh my God, where is she? Bakit pa ngayon sumakit ang tiyan ko noong wala ito?

"Help!" sigaw ko at hinawakan ang umbok ng tiyan. "Please, baby. Huwag muna ngayon. Wala ang daddy mo. Please."

Halos maiyak na ako sa sobrang sakit ng tiyan ko. Kusang umawang ang labi ko at muling sumigaw noong makaramdaman muli ako nang matinding sakit dito.

"Somebody, please... help me!"

"Amari!" Halos sabay na sigaw Adliana at Andrea noong pumasok sila sa silid ko. Agad na lumapit sa akin si Andrea samantalang tumawag ng doktor naman ang kapatid ko.

"I think I'm going to give birth!" sigaw kong muli habang hinahabol ang sariling hininga.

"Don't push, Amari. Hindi kakayanin ng katawan mo! Hang in there. Parating na ang mga doktor!"

Mayamaya lang ay nagmamadaling pumasok ang mga doktor ko at si Adliana. Mabilis akong nilapitan ng OB ko at tiningnan ang kondisyon ko at ng anak kong tila nais nang lumabas sa sinapupunan ko! Oh God!

"She's about to give birth! Let's move her," ani ng doktor ko at inutusan ang mga nurse na kasama nito. Mabilis silang kumilos at itinulak na ang kamang kinahihigaan ko.

"Doc, it's a C-Section, right? Please, you need to save her and the baby," rinig kong sambit ni Adliana habang palabas na ako sa silid. "Her body is fragile so whatever happens, don't let her push. Mapapahamak ito kapag ipilit niya."

"We'll do everything to save your sister and the baby. Excuse me."

Iyon na lamang ang huling narinig ko mula sa kanila bago tuluyang makalabas na sa silid.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now