𝓥𝓮𝓷𝓪 𝓒𝓪𝓿𝓪

0 0 0
                                    

Papalubog na ang araw at ang kasiyahan ay papalapit na
ilang minuto na lamang, ang mga kabataa'y hindi na makapagtimpi pa
ito na ang huling taon sa pagdiriwang na yaon
misyon na hindi naituloy noong nakaraan pang taon
ang pag-ibig na nais ipagtapat
ang hiling ng pusong lubos na nagagalak
kung bakit ganito'y hindi rin maipaliwanag.

Sa takdang oras ay dumating at tinawag na ang lahat
sila'y nagsipag-yuko at umusal ng dasal
"Ama Namin" ang tawag nila sa Poong Maykapal
gabay ang hangad na sana ay matupad
para sa isang gabing sayawan na hangad ng lahat.

Ang bawat isa ay masayang nakagayak ng iba't-iba
ang iba ay kahalay-halay siguro nga'y kinapos ng tela noong tinahi sa bahay
mayroon din naman mga kagalang-galang
kasuotang nagmula pa doon sa kanluran
pamana ng mga palakaibigang dayuhan
at sa pomadang tila pang-manok ang mga buhok
na kapag ang butiki ng kisame'y nahulog siguradong matutuhog
sa pamumukha ng mga dalagang nag-mistulang payaso
sa kintab ng pamosong espasol na ginagamit ng multo.

Missa MeumWhere stories live. Discover now