Filipino Script

15 1 2
                                        


Kumusta kayong lahat! Sana lahat ay

nasa mabuting kalagayan. Maligayang

pakikinig sa Ella's bookclub kung saan

madidinig nyo ang lahat ng

magagandang kwento ng nobelang

nirekomenda nyo sakin at hayaan nyo

akong ipaliwanag sa inyong lahat ang

mga ito.

Sa araw na ito ay ating pag-uusapan

ang napakagandang kwento na

pinamagatang "Anim na Sabado ng

Beyblade"

Bakit nga ba itong pinamagatang "Anim

na Sabado ng Beyblade?

Ito ang naging pamagat ng kwento

sapagkat ang anim na Sabado at ang

Beyblade ay may malaking parte sa

mga pangyayari sa buhay ni Rebo.

Paborito nyang laruan ang beyblade at

ito lamang ang laging hiling nyang

bibilhin na pasalubong ng ama nya.

Ngunit biglang nabago ang lahat ng

magkaroon ng leukemya si Rebo at

kinangailangan ng matinding gamutan sa ospital.

Sa katagalan, sya na mismo ang

ngyayang umuwi at ayaw na nya sa

ospital. Ang araw ng Sabado laging

dalaw ng kanilang ama mula ng sila'y

magkahiwalay ng kanilang ina. Sa unang

Sabado ng pgkalabas nya sa ospital,

hiniling nyang mgdiwang ng kaarawan.

Marami pang naiwang mga alaala ni

Rebo mula sa ikalawa, ikatlo, at ikaapat

na Sabado hanggang sa sya'y pumanaw

na sa ikalimang Sabado. At sa ikaanim

na Sabado mula paglabas nya sa

ospital, ay ang huling araw na sya'y

masisilayan. Wala na ang beyblade at

ang may ari nito. Payapa na silang

nakahimlay sa loob ng kabaong at

magkasamang tutungo sa lugar na

walang sakit, walang gutom, at walang hirap.

Paano ba maihalintulad ang paglalaro

ng Beyblade ni Rebo sa kanyang buhay?

Tulad ng paglalaro ng beyblade ni

Rebo, ang buhay ay patuloy na umiikot

at kailangan natin maging matatag sa

hamon ng buhay. Hihinto lamang ang

pagikot ng beyblade kung ito'y

nawalan na ng balanse, katulad din sa

ating mga buhay. Ngunit gaano man

kahirap ay kailangan pa ring lumaban

at bumangon. D tayo basta basta

susuko para sa pamilya, at sa mga

taong umaasa at nagmamahal sa atin.

Ang aral ng kwento ay ang buhay ay

hiram lamang natin sa Maykapal.

Di natin alam ang mga nakatakdang

mangyari sa atin at kung hanggang

kelan tayo mabubuhay sa mundong

ibabaw. Habang tayo'y nabubuhay,

huwag natin sayangin ang mga sandali

na maging masaya at iparamdam lagi

ang pagmamahal sa ating pamilya at sa

lahat ng mga taong may malaking

parte sa ating buhay na walang sawang

nagmamahal, umuunawa, at

sumusuporta sa atin.

Nawa'y masiyahan kayong lahat sa

inyong pakikinig at sana'y magkita kita

tayo ulit sa susunod pang mga

kabanata ng kapana-panabik at

kamang-manghang mga kwento sa

ating mga nobela. Maraming salamat po!

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Nov 12, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Filipino scriptDonde viven las historias. Descúbrelo ahora