Uno

13 0 0
                                    

Ilang tao ang nagtatanong, bakit may umaalis
May mga nagsasabi naman, huwag mo nang tanongin ika'y mapapanis.
Ang sabi ng iba ba't ka susugal kung matatalo din naman
Ang sagot naman nila, ang importante lumaban kahit iniwan.

Ang pag ibig daw nagsisimula sa mga hindi pagkakaintindihan.
Kaya nga lahat tayo hindi nagda-dahan dahan.
Mabilis man katulad ng puting van, kasing ganda naman ito ng bilog na buwan.
Maingay man sa umpisa, panalo naman sila  kahit napipika.

Ika nga nila, ang buhay parang laro at pag-ibig ang pangalan nito
Kahit umaraw, umulan man o bumagyo, ang pag-ibig hindi lumalayo.

Nagsimula sila sa simple at hindi matunog. Ang kanilang pagmamahalan ay hindi man naging madali, naayos naman mabalik lang sa dati.
O kay sarap naman magmahal, lalo na't alam mong kayo'y magtatagal.
Walang pagnanasa puro pag asa.
Purong Intensyon, walang kunsomisyon.
Parang nasa duyan ng walang hanggang kasiyahan dahil sa labis mong kakayahan.

Sa kabila ng perpektong pagmamahalan,
Hindi nagtagal pumasok din ang hidwaan. Nakakabingi, magulo, walang humpay na ingay na kailan may hindi hiniling ngunit kusang binigay.
Isang oppurtunidad. Isang Oo lang, tupad ang pangarap.
Bakit pa niya ito ipagkakait? Kung ang kapalit nito ay ngiti niyang matamis.

Babaeng takot sa gulo at ingay. Piniling hindi masanay, sa paghihintay siya'y nawalay sa lalaking iniirog na sa iba na umaantabay.
Ipinangako niyang hindi niya ito pababayaan ngunit unti unti na nitong iniiwan
Bakit kaya ang salita hindi nagtutugma sa ipinapakita? Hindi mapigilang mapaisip ni Hestiara.

Dito na ba magwawakas ang pagmamahalang pinagtagpo ng landas? O bakit kay bilis? Hindi niya mapigilang mapapikit.
Sa mga ngiti niyang matamis para siyang tinutusok ng ilang ulit.
Kanyang kasiyahan ang inaalala, ngunit kanyang sarili ay unti unti nang nawawala.

Habang siya'y abala at pinaghihirapan ang pangalan, mukhang kay nakalimutan itong gampanan.
Nawala sa kanyang isipan ang babaeng hindi inaasahang, abala din at nahihirapan hindi dahil sa pangalan kung hindi para sa isang bahay, hindi na para sa tahanan.

Dalawang taong pinagtagpo, kanilang puso ay nabigo.
Parehong silang nagdurogo, ngunit kinailangan nilang tumayo at itago ang nararamdaman nito.

Panahon ay lumipas, ang oras mabilis ang humpas.
Hindi nagmamadali, sadyang tahimik at hindi nawawaldas.
Wari'y masaya na siya, saad ng babaeng nang iwan sa kanya.
Samantalang ang lalaki naman ay nahiga, siya pa rin ang nasapuso't isip niya.

Ilang beses niyang sinubukan, ang tapang ngayom lamg siya sinapian.
Na siya'y muling hanapin at balikan ngunit bigla siyang nanghina at hindi na pihikan.
Maliliit na pagbabago ay kanilang napansin, mula sa kilos, pananamit, pati ngiting mapapait
Nanuyo ang kalamnan, kaya tumukhim siya para hindi mahirapan.

Ngunit paano niya makakalimutan ang kanyang amoy, na noo'y labis pangigilan.
Paano siya makakatanggi sa mga matang mapang akit, mananatili na lang ba siyang nakapikit?
Gusto niyang hindi pansinin pero mukhang iba ngayon ang ihip ng hangin.

Unti unti niyang hinawakan ang kanyang kamay, ngunit wala ng siya na nananalantay.

Siya'y napaisip, may iba na kayang tinitibok ang kanyang puso?
At kung may iba na nga, sino kaya ito?
Siya'y nasasaktan sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Akala niya kasi ay walang makakapalit sa kanya, kahit sino man.

Oo siya pa rin ang linalaman ng kanyang puso, pero siya pa rin ba ang itinitibok nito?

Hindi niya mapigilang tignan ang mga labing gusto niyang halikan.
Nasasabik sa pagmamahalang walang hanggan, ngunit ito'y nagtapos sa kanyang katangahan.

Maari pa kaya nilang ayusin?
Ang mga pusong minsan naging sakim?
Hagupit ba ng pait ang muling makakamit?
Kapag sinubukan nilamg ulit?

Ilang beses ba nila kailangang masaktan?
Hanggang ang puso ba'y muling mahihirapan?
Sa panandaliang tamis ng kanilang pag ibig.
Makakaya ba nilang isalba ang pagmamahal na minsan ay nawala.
O patuloy lang nilang masasaktan ang isa't isa.

Sa kabila ng maraming tanong at baka sakali
Muling sumilay ang araw sa silangan, patunay na ang kanilang pagmamahal ay palaging nandiyan.
Malayo man katulad ng kalawakan, nagbibigay naman ng ilaw at panibagong pag asa sa mga pusong nawalan.

Kaya bakit pa sila nagtatanong pa? Kung ang sagot alam ng puso at ng kanilang mata. Tahimik at seryoso ngunit ang kanilang pag ibig ay mananatiling totoo. Kailangan ba nilang tumingin sa ibang dako kung ang binibigkas ng puso 'Oo, Mahal ko.'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IkawWhere stories live. Discover now