INTRODUCTION

2 0 0
                                    

"Andy!" napapaisip ako kung kaninong poging boses nangagaling iyon habang wala pa rin akong planong lumingon sa kung saan.

"Andy! Oo na, sige na! Papayag na 'kong maging tayo!"

"AAAAAAAH!"

"KYAAAAAH!"

"ANO BAAAAA! NAKAKAKILIG NAMAN!"

Napangisi ako at tumalikod.

"Sana kanina mo pa sinabi yan." pinakita ko ang kanang kamay ko sakanya senyales na gusto kong hawakan niya ang kamay ko

Nakita kong napangiti siya ng kaunti habang pakipot pang palapit sakin.

"KAYO NA TALAGAA!" saad ng mga echos na grabe sumuporta sa pausbong na pagmamahalan naming dalawa

It was nice, heart-fluttering. Tipong nasayo na ang lahat moment.

"Kelan mo narealize na gusto mo na rin pala ako?" I was looking at him as if he is my gem, my treasure and my reward.

"Ewan." tinitigan niya ako sa mata at hinawakan nga ang kamay ko, "I just know."

- - - - -

"Hi, Andy. Kamusta? 7 years na pala simula ng makita kita ah."

"Ganun ba? Oo nga no."

He is still the same, he was my gem, my treasure and my reward but will never be my future.

- - - - -

"Ano?! Anong sinabi mo?!" sinabunutan ko ang lalakeng naka posas sa harapan ko

"Wala akong kasalanan! Siya ang unang yumakap, siya ang unang humalik!!"

Masapak nga sa mukha.

"OFFICER ANDY!"

Sinipa ko ulit ang mukha ng manyakis na nasa harapan ko.

"Officer Andy! Bakit ba ang init ng ulo mo? Papatayin mo ata yung tao eh!" pagpipigil sakin ng team leader namin

"Eh Chief! Ang angas ng mukha eh, mukha namang inodoro!"

"Anong inodoro? Ang guwapo ko--"

"--sabat pa!" aamba na akong sapakin ulit siya

- - -

Well, this is my life now and this is my story...

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Oct 10, 2021 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Officer AndyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang