"Stop it, you ugly pig!" reklamo ng isang babaeng mukhang  Amerikana at talagang nag-roll eyes pa sa kaniya.

Hindi na niya ito pinansin bagkus ay nag-hairflip pa na naging dahilan kung bakit natamaan ang mukha nito ng kaniyang buhok. Alam naman niyang kumpara sa mga ito ay hindi siya kagandahan. May katabaan rin siya ngunit naniniwala siya sa kasabihang "Tambok is the new sexy." Kumpara sa mga ito ay mas may mapipisil naman sa kaniya kaya yaka lang kung isipin ng mga ito na feelingera siya. 

Narinig niya ang paghingi ng tawad ni Gwyneth dahil sa ginawa niya ngunit nagpatuloy lamang siya sa paglalakad patungo sa mga benches kung saan nakaupo ang mga players ng HRM course niya. Mabilis niyang nilapag ang mga snacks doon.

"Oh snacks niyo. Kayo na bahala diyan," nagmamadali niyang sabi habang hinahalungkat ang kaniyang bag. May binaon siyang specially-made na sandwich para sa kaniyang honey loves. Siya mismo ang gumawa niyon kaya naman ibibigay niya iyon sa lalake ngayon.

"Traydor ka Apple! Nasa kabilang course suporta mo!" Rinig niya ang natatawang pangloloko ng mga pawisang players habang kumukuha tig-iisa ng tubig mula sa cooler na dala-dala ni Gwyneth.

"Che!" pantataray niya sa mga ito at agad na kumuha rin ng tubig mula sa cooler. She immediately circled the field just to get to the other side. Nasaktuhan na nasa pinakagilid ang upuan ng kaniyang honey loves.

Yohan Renato, the best soccer player in her university. Isang lalakeng nuknukan ng gwapo at isang ngiti lamang ay kaya ng kabugin ang sun sa brightness niyon. He was really popular not just in her university but also to their rival university. Sino ba namang hindi mahuhumaling sa gandang lalake nito. To simply put, Yohan looks like an angel. An angel that was sent from above just to bless the eyes of the mere mortals like her. 

Malakas siyang napabuntung-hininga bago nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ang lalake. Hindi na rin naman kasi bago sa kaniya ang ganitong senaryo. Sa kada laro ni Yohan ay naroon siya at may dala-dalang snacks para dito. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang malakas na kinantiyaw ng mga players si Yohan habang papalit-palit ang tingin sa kaniya at sa lalake. 

"Tsk." She can see the annoyance all over his face before he looked at her directly. "Ano na namang kailangan mo?" inis nitong tanong sa kaniya.

Siguro kung iba pang babae ang sinamaan at minaldituhan ng lalake ay iiyak na kaagad ngunit iba siya. Sanay na siya sa ugaling iyon ng honey loves niya kaya waepek iyon sa kaniya. 

"May dala akong sandwich para sa iyo," nakangiti niyang ani dito sabay lahad ng sandwich na metikuloso niyang hinanda kanina.

"Ipatong mo doon sa bag ko," maldito pa rin nitong sabi sabay turo sa bag nitong basta-basta na lang nitong tinapon sa may gilid ng bleachers. May pagkamakalat rin kasi ang lalake ngunit sanay na rin siya doon. Minsan nga ay kung saan-saan lang nito nilalapag ang cellphone lalong-lalo na kapag may laro. Lagi pa namang latest release ang phone nito. 

Katulad ng usual na ginagawa ay naglakad siya papunta sa bag nito at inayos iyon. Nilagay na rin niya sa loob niyon ang sandwich na ginawa niya at agad na bumalik kay Yohan upang ibigay dito ang tubig na dala-dala niya kanina.

"Here," ika niya sabay bigay ng bottled water dito. Tiningnan muna ito ng lalake bago tinanggap at uminom. Siya naman ay impit na napatili bago nangingisay-ngisay na umalis upang bumalik sa kabilang side. 

Wala na siyang pakialam kung maldituhan siya ng lalake basta ba't pinapansin siya nito. Kinikilig na ang intestine niya kapag mapalingon ito sa direksyon niya. 

Nang makarating sa kabilang side ay agad siyang lumapit kay Gwyneth na may hawak-hawak na banner. Siya mismo ang gumawa niyon kagabi para talaga sa soccer match ni honey loves ngayon. Binigay naman iyon ng kaibigan sa kaniya sabay palo ng balikat niya.

"Ikaw ha! Pansin ko hindi ka na masyadong minamaldituhan ng crush mo," pangtutukso nito sa kaniya.

"Syempre naman! Talo ng matiyaga ang maganda! Aanhin mo naman iyang kagandahan mo kung hindi ka hardworking sa pag-abot ng pangarap mo." 

"At ang pangarap mo ay ang honey loves mo? Malala ka na talaga Apple Pie," tawang ika ng kaibigan sabay iling sa ulo na para bang suko na sa kabaliwan niya. Ibabalik na sana niya ang atensyong muli sa game dahil nagsisimula ng magpuntahan sa field ang mga manlalaro ngunit ang natatawang mukha ni Gwyneth ay agad na napalitan ng seryoso.

"Bakit?" tanong niya dito.

"Apple . . ." nag-aalangan nitong tawag sa kaniya. "Hindi naman sa binababa ko self-confidence mo . . . pero sana matandaan mo na iba ang estado niya sa estado mo. Yung mga simpleng taong katulad natin na hindi biniyayaan ng kagandahan, katalinuhan o karangyaan . . . hindi babagay sa isang katulad niya. Langit siya, lupa ka. Ang mga taong perpekto tulad ni Yohan ay nababagay sa isang babaeng perpekto rin. Nag-aalala lang ako sa iyo kasi baka dumating ang panahon na ikaw ang masaktan kapag dumating na ang perpektong babaeng iyon."

Agad naman siyang napatigil dahil sa sinabi ng kaibigan ngunit agad ring nakabawi. "Ano ka ba! Crush lang naman! Huwag kang OA! Hindi naman ako masasaktan!" joke niyang sabi. "Nood na nga lang tayo sa laro!" tawa niyang dagdag sabay baling ng paningin sa may field.

Kahit na nagsimula na ulit ang laro ay hindi pa rin niya mapigilan ang malalim na pag-iisip.

Crush lang naman diba? Hindi naman siguro siya masasaktan . . .

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now