Simula

14 2 0
                                    

Author's Note:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Author's Note:

The story you are about to read is just a work of fiction. The author made up all of the names, personalities, businesses, locations, and events. Unless otherwise stated, any resemblance to a real-life or deceased person is coincidental.

-

Legarda Station.

Pasado alas-tres na ng hapon nang makasakay si Jaemin ng tren sa Legarda. Dagsaan na naman kasi ang mga estudyanteng katulad niya ang pauwi galing sa iba't ibang unibersidad. Buti nga't sa pangalawang daan ng tren ay nakasakay na agad siya.

Nang makapasok ito sa tren ay halos lumuwa na ang ibang taong malapit sa pinto sa dami ng taong umuuwi ngayon. Halos magkapalitan na nga ang mukha ng mga tao dahil sa siksikan. Kahit ramdam pa rin ni Jaemin ang pagod mula sa ginawa nila ngayon sa paaralan, hindi na lang nito ininda at hinayaan na ang sarili na nakatayo habang nakahawak sa stanchion.

Arriving at Pureza Station . . .

Muling bumukas ang pinto ng tren at lumabas ang mga taong bababa sa istasyon na 'yun. Papalit palit ang paghawak ni Jaemin sa kanyang gamit pati na rin ang paghawak sa stanchion upang mapanatili ang balanse nito sa kanyang kinatatayuan.

'Badtrip talaga oh..' Ani nito sa kanyang sarili nang makitang kakaonti lang bumaba. Kating kati na itong umupo hindi lang dahil sa pagod, kun'di dahil sa marami rin siyang dalang gamit.

Sa kalagitnaan ng pagrereklamo nito sa sarili, may tatlong binatang halos kasing edad lang ni Jaemin ang biglang pumasok sa tren. Habol ang mga hininga nitong napahawak sa stanchion at natawa na lang sa kanilang sitwasyon. At dahil may espasyo pa sa gilid ni Jaemin ay umusog ang isa papalapit sa kanya at humawak na rin sa stanchion na hinahawakan ng binata.

'Mechanical Engineering...' mahinang sambit Jaemin habang nakatingin sa metal name tag ng isa sa mga kasamahan ng katabi nito. Pasimpleng tiningnan niya katabi nitong nakikipag usap sa mga kaibigan niya at sinukat ang tangkad ng binata gamit ang mga mata nito. Base nga sa ginawa nitong standards, pasok na pasok ang binata. Hindi lang dahil sa gusto niya ng isang engineer sa buhay niya, matangkad, matipuno, at halatang iniingatan nito ang pananalita niya.

Dali-dali niyang inilabas ang kanyang telepono at hinanap agad ang pangalan ng kanyang kaibigan upang ilabas ang kilig na nararamdaman niya.

Jaemin: Hoy! Ito na ata ang sagot sa kahirapan ko
Jaemin: *sent an attachment*

Haechan: Walangya ka! Pag ikaw napansin, tatawanan kita so much!

"Uy, Jen, dito na kami. Ingat, bro!" pagpapaalam ng dalawang kasama nung Jen nang tumigil ang tren sa istasyon ng V. Mapa. Tango lamang ang naging tugon ng isa sa mga kaibigan niya. Mas lalo pang dumami ang tao sa loob ng tren kung kaya't napahawak si Jaemin nang mabuti sa mga gamit niya at pati na rin sa stanchion. At dahil sa siksikan na naman ang mga tao sa loob, mas lalo pa itong napadikit sa katabi niyang engineer student. Nagpapalit-palit na naman ang paghawak ni Jaemin sa kanyang mga gamit pati sa stanchion. Ramdam nito ang ngalay sa kanyang paa ngunit okay lang dahil malapit naman siya sa poging engineer student.

Mula sa kanyang kinatatayuan, amoy na amoy nito ang pinaghalong pawis at pabango ng binatang ngayon ay nakatingin na lamang sa labas. Habang sinisinghot nito ang katabi ay napapangiti siya dahil sa kilig nito. Alam niyang mababatukan siya ni Haechan sa ginagawa niya kung kasama lang niya ito ngayon.

Mula sa pag-amoy nito sa manggas ng binata ay napadako naman ang tingin nito sa braso. Halos pumutok na ang shirt nito dahil sa laki ng braso. Hindi na namalayan ni Jaemin na nakalampas na ito sa isang istasyon dahil sa sobrang pagkamangha nito sa braso ng katabi. Nagulat ito nang biglang bumaba ang kamay ng isa at dumampi ito sa kamay ni Jaemin na kasalukuyang iniisip kung paano nito pipigilan ang pag ngiti niya.

'Ito na ba 'yun? Hindi na ba ako mabubuhay mag-isa habambuhay? Magiging boyfriend ko na ba siya?' halo-halo na ang nararamdaman nito nang makitang hindi pa rin naaalis ang kamay nito sa kanya.

Arriving at Gilmore Station, paparating na sa Gilmore Station . . .

In Pureza, We Met [nomin]Where stories live. Discover now