Baka sila ang machiks.

Dumiresto ako sa library dahil balak ko puntahan si Krisha. Sa araw araw na pagpasok niya rito, walang araw na hindi siya natutulog sa Library.

Nang makarating ako roon, tama nga ako. Andon nanaman siya sa parati niyang inuupuan.

Naghanap naman ako ng mauupuan ko at nag simula ng magbasa basa. Mayroon kasi kaming quiz mamaya. Nakapagreview naman na akong ilan nito kaninang umaga pero gusto kong magreview pa para masiguro ko na makakasagot ako.

Gusto ko sanang yayain si Krisha na magreview pero alam kong mas pipiliin nito na matulog nalang. Palagi naman siyang nakakasagot kahit na ganoon.

After that, I spent my next few minutes reviewing.

Ilang minuto nalang bago tumunog ang bell, nagkusa ng gumising si Krisha. Nakita siya ng mga mata ko kaya naman nilapitan ko na siya.

"'di ba may quiz mamaya? Hindi ka ba magrereview?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"Hindi na," sagot niya habang inaayos ang mga buhok na may kulot sa ibaba.

"Sabi na 'yan ang isasagot mo, e. Buti nalang hindi na kita ginising. Baka mabitin lang tulog mo."

Nang tuluyan ng tumunog ang bell ay sabay na kaming pumunta sa room.

Agad kong nakita si Louisa na nakaupo malapit sa amin.

Her face looks excited. Parang may gustong sabihin na kung ano.

"Hoy ikaw ha!!" Pagbati niya nang tuluyan na akong makarating sa pwesto ko.

Tahimik naman na umuupo si Krisha sa tabi ko.

"Hay nako! Akala ko magkaibigan na tayo pero mayron ka pa palang hindi sinasabi," Louisa said pouted.

My forehead creased because I can't get what she is trying to say.

Tinignan ko lang siya at hindi na nag salita. If she wanted to say something, she can say it frankly.  I don't have time making riddle with her.

Tuluyan na akong umupo at hindi na pinansin kung ano iyong sinasabi niya.

Sana ay dumating na iyong prof namin nang manahimik na ang isang ito.

Habang nakaupo, nahuli ng mga mata ko si Clyde na nakatingin sa akin.

Agad kong binawi ang mga tingin ko dahil hindi ako komportable.

"Hoy grabe! Hindi ako pinansin," Ani Louisa. Frawning over me.

"If you want to say something. Say it now. Stop being gibberish," I said.

"Okey," sabi niya tapos huminga ng malalim na akala mo may sasabihing nakakagulat. "I saw you with Clyde earlier. You came out from his car."

My eyes widened.

Agad akong tumingin sa paligid para makita kung mayroon pa bang ibang taong nakarinig.

Buti nalang at kaming tatlo lang ni Krisha ang magkakalapit sa mga oras na ito.

Tumingin ako kay Krisha sa tabi ko na nakatingin kay Louisa. I think she's a little bit shock.

"There's nothing wrong with that! He's just being magnanimous because we are classmates," pagpapaliwanag ko.

Walang sino man ang nakakaalam na pumupunta si Clyde sa condo ko. Hindi rin naman kami masyadong nagpapansinan kapag nandito sa loob ng room o kahit nasa labas man.

May mga pagkakataon na lumalapit siya pero agad din akong umiiwas dahil hindi ako komportable kapag nandyan siya.

Pero kapag sila Paul at iba ko namang mga kaklase, ayos lang sa akin.

Until Our Path Cross AgainHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin