Verse 4

48 4 1
                                    

Verse 4

"Hello, friend."

Napaikot ang aking mga mata nang marinig ang pagbati ni Gio sa akin nang pumasok na ako sa dressing room nila. Saktong nasa pintuan siya at bubungad talaga sa akin kapag pumasok na ako.

From leaning against the wall, he pushed himself up. Tuluyan na akong humarap sa kaniya.

"Balak mo bang patayin sa gulat ang mga pumapasok dito?" iritado kong tanong.

"No. Baka mamatay pa sila sa kagwapuhan ko." He winked at me. Hindi ko itinago ang ngiwi sa aking mukha habang pinagmamasdan siya.

"Kilabutan ka naman sa sinasabi mo, Gio." Naiiling kong sabi at nauna na sa kaniya. Tuloy-tuloy ang paglalakad ko sa bakanteng upuan at inilapag doon ang aking bag na dala.

Binati ko ang iilang staff na nandoon. Meanwhile, Gio sat on his designated seat as if waiting for me. Huminga ako nang malalim at saka tinungo ang pwesto niya.

Medyo iritado pa rin ako dahil sa kaniyang ginawa. I wouldn't be in this situation right now if it weren't for him. He is just unbelievably persistent. Makulit at nakakairita. If his fans knew about this attitude, ewan ko na lang talaga kung may matitira pa.

Well, some fans are just after his charm or his face. Kung talagang talento ang pagbabasehan, siguradong marami naman ang mananatili.

I angrily swiped his hair away from his forehead. Nakita kong napangiwi siya dahil sa mabilisan kong pagkilos.

"Are you mad at me?" tanong niya sa akin nang matapos kong lagyan ng hair clip ang kaniyang buhok. I visibly scowled at him and did not answer.

Gio chuckled at my silent treatment. "Come on, Sorch. We're friends."

"We're just friends. Just the label. Hindi tayo close," sagot ko.

"What's wrong with asking you to be my personal make up artist? Talaga namang mas gusto ko 'yong serbisyo mo sa akin."

"I am not always present here. Iyon ang punto."

"Edi absent din ako kapag wala ka," katwiran niya at nangingisi.

Mas lalo akong sumimangot. "Siraulo," bulong ko at pinagpatuloy na ang pag-aayos sa kaniyang mukha.

I have to admit, Gio is already handsome enough para hindi na lagyan pa ng kahit anong kolorete sa mukha. I just thinly applied some foundation on his face. Kaunting contour at nilagyan ng pulang liner ang edge ng kaniyang mga mata. He looked like a rockstar from a vampire era with liners and all.

But I still couldn't ignore the fact that he asked my Auntie, about him choosing me as his personal make-up artist. Come on! Marami pang mas magaling sa akin. And although, I've had training, hindi naman sapat iyon.

"Anong ginagawa mo kapag walang pasok?" tanong niya sa akin habang inilalagay ko na sa kaniya ang brown na blazer. He was already dressed in a patterned vintage shirt and brown pants with the same design as his blazer.

"Nagtatanim," masungit kong sabi.

"What are you planting?" ngisi niya na tila nasisiyahan kasi sumasagot ako.

"Sama ng loob," panapos ko at pinagpagan ang kaniyang coat gamit ang aking kamay.

I stared at him to check if it's alright with him. Ang alam ko, sila rin namang magkakapatid ang namimili ng gusto nilang suotin para sa concept. I admired their fashion sense. It's unique and pleasing to the eyes. Bago kumbaga sa paningin ng mga manunuod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Parisienne Walkways (Sweet Amber Trilogy I)Where stories live. Discover now