Pagsagot ko ay mas lalong umingay ang pagbubukas ni Eleven sa pinto mula sa labas. At sa limang segundo ay halos nahagis na ni Eleven ang pinto nang bumukas ito.

"You bastard!" Napasinghap ako nang kinwelyuhan ni Eleven si Mishael.

"Eleven! What the hell? Can you calm down?" 

"Anong ginawa niya sayo?!" Puno ng pag aalala ang mga mata ni Eleven. Binitawan na si Mishael.

"Wala siyang ginawa! Ano ba? We were just trapped! Sinara siguro ng janitor dahil akala niya walang tao!" Sambit ko.

"Kanina pa natapos ang klase mo at wala ka dun, yung bag mo lang at ang bag ng gagong yan ang naiwan. Hinanap ko si Sir Dao at nagtanong ako kung nasaan kayo tapos sabi niya inutusan lang raw niya kayo na kumuha ng mop pero hindi na kayo bumalik! Damn it! Hindi mo alam kung gaano kadami ang pumasok sa isipan ko habang iniisip na magkasama kayo at kung ano ba ang ginagawa niyo na dahilan para hindi na kayo bumalik sa klase!" Sigaw ni Eleven. Huminga siya ng malalim at pinakalma nga ang sarili. Pero umiigting pa din ang kanyang panga kay Mishael.

"Eleven, huminahon ka nga! I'm sorry kung nag-aalala ka okay? Pero wala kaming ginawa ni Mishael. We were just talking--" Sabi ko, hinahawakan siya sa balikat.

"Talking? That bastard knows how to talk?" Bigla siyang sumigaw. What the? Gusto kong matawa. Anong akala niya kay Mishael? Pipi? Ugh!

"I'm not mute, Adanza." ani Mishael at napatingin kami sa kanya.

"Wag niyo akong isali sa away niyo. I don't care a bit. Aalis na ako." aniya.

"Ang yabang talaga." matalas parin ang tingin ni Eleven kay Mishael habang naglalakad ito palayo.

Napailing na lang ako. Tumingin rin ako kay Mishael at nagbuntong hininga ako. I really don't understand him.

"Heto." bumaling ako kay Eleven. Ngayon ko pa napansin na may dala siyang paperbag na nilagay niya sa sahig bago kinwelyuhan si Mishael. May kinuha niya mula nito at nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sakin ay dalawang bouquet ng bulaklak. Yung isa ang puno ng kulay red na mga rosas samantalang yung isa naman ay puro mapuputi.

Masungit niya itong ibinigay sakin at umiwas siya ng tingin.

"Di ko alam kung alin ang mas gusto mo. Kaya dalawa na lang ang binili ko." Imbes na malambing ang kanyang boses ay para siyang masungit na bata na nag-aabot ng laruan sa isang bata na kaaaway lamang niya pero gusto niyang maging kaibigan muli.

Natawa ako. Damn. He's too cute! Nang nakita niya akong natawa ay mas lalong nag abot ang kanyang mga kilay. Hindi dahil sa inis kundi dahil yata nahihiya siya o ano. Ewan pero nakakatawa. Sige na nga. Tinanggap ko ang dalawang bouquet.

"Thanks" sabi ko.

"You're welcome." sabi niya. "So you sure Mishael didn't fool around with you?"

"Sure ako. Wag ka na ngang mag drama dyan. Ang seloso mo, hindi pa ba naging malinaw sayo na.. na ikaw na ang gusto ko?" Tanong ko, umiwas ako ng tingin at naramdaman ko ang panginginit ng mga pisngi ko. I can't believe I just said that.

"I know. I'll never forget those words you told me that night, lady." bigla niyang hinawakan ang baba ko at lumapit ang kanyang perpektong mukha sa akin na mas lalong nagpapainit sa aking katawan.

"But what can I do? You liked that bastard first. You liked him longer. Your feelings can easily come back." napaatras ako nang nilapat niya ang ilong niya sa ilong ko at kinagat niya ang kanyang lower lip. 

"You are the one I like, okay? Nothing to worry about, Eleven." sabi ko at lumayo ako sa kanya. Kaunti na kang ay magkakahalikan na kami. 

"I have everything to worry about if it's about losing you." aniya, nakasmirk at hinawakan niya ang kamay ko. Nagsimula siyang maglakad kaya sumabay na lang din ako.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Where stories live. Discover now