"Ano na?" Tanong niya, nakatingin na sa akin. 

"W-Wala pala akong load." sagot ko. "I-Ikaw? Meron ka?"

"Naiwan ko ang cellphone ko sa bag ko." aniya. Madilim ang paligid pero dahil may maliit na bintana sa itaas ng isang pader at nakikita ko naman kahit papano ang masungit na mukha ni Mishael.

"Pano na 'to?" Tanong ko. Malapit ng matapos ang klase at sa pagkakaalam ko ay hindi gaano kadalas dumadaan ang mga estudyante rito sa may basement. Posible naman na may papasok dito para mayroong kukunin, pero ang tanong ay kung kailan pa mangyayari iyan!

Umupo si Mishael sa may pintuan. May nakita akong maliit na upuan na maraming alikabok. Nilinis ko muna yun gamit ang isa ring nakita kong tela sa isang sulok bago umupo.

"Let's just calm down and think what we can do first." Buntong hininga ni Mishael.

Tumango lang ako ng tahimik. This will be awkward. Mishael and I stuck in a dusty, dark basement? Matapos yung conversation naming yun? 

"Kayo na ba?" Bigla siyang umimik.

"Huh?" Anong ibig niyang sabihin?

"Ni Eleven." Dugtong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. P-Paano.... 

Kinagat ko ang labi ko.

"Hindi. Nanliligaw pa siya." Sagot ko.

"Nanliligaw?" Kumunot ang noo niya. Medyo natawa ako. Of course. Only some would expect na ang isang notorious at malanding aso na si Eleven ay marunong palang manligaw.

"Oo." sagot ko.

"And you like it?" Tanong niya. Natigilan ako. "You like him?"

Napaawang ang bibig ko. "Bakit ka nagtatanong?"

Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin. "Forget it."

Kumunot ang noo ko. Ang gulo talaga niyang kausap!

Ilang segundo kaming tahimik ulit.

"Bakit mas pipiliin mong maging mag-isa ka lang?" Bigla akong nagtanong.

Napatingin siya sakin. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa maliit na upuan. Ilang metro lang ang pagitan samin since medyo maliit lang talaga ang space sa basement na ito.

"I mean.. I know it's a choice. But why choose it? No man is an island, Mishael. People need people." Wika ko.

"People won't need me." aniya.

Ngumiwi ako at umiling. Bakit ba napaka negative niya? Ano bang problema niya sa buhay?

"You won't need me. No one will. It's better to live this way when you're useless." aniya.

Hindi ko siya naiintindihan. Ano ba yang mga pinagsasabi niya?

"Why do you keep saying that?! No one is useless unless you stop making use of your existence, Mishael! Kaya nga ako sumunod sayo para magsorry dahil sa katangahan na ginawa ko sa project natin! You were the one who did it all at wala sa katiting ang ginawa ko para sa activity na yun! Wag ka ngang nega, Mishael!"

Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga. He was smirking. Hindi ko alam kung bakit pero tumahimik na lang ako.

"Didn't I tell you to call me Mish? Just Mish." aniya.

Huh? Anong konek dun? Siya na talaga ang pinakamagulong kausap!

Pero napatayo kaming dalawa nang may kumatok sa pinto. May tao!

"Athalia?!" May sumigaw mula sa labas. At pagkarinig ko sa boses niya ay alam ko na kung sino.

"Eleven!" Sigaw ko rin.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Where stories live. Discover now