🔸4

216 11 0
                                    

Justin's P.O.V.

Nagdri-drive na ako papunta sa hospital na sinasabi ni Kuya. Muntik na ako mahuli sa bilis ng pagmamaneho ko.

Pagdating ko doon, ang daming nakatingin sa akin, siguro nakilala nila ako pero hindi ko na lang sila pinansin. Tinanong ko sa nurse desk kung saan yung room ni Mama. Room 309 daw.

"Kuya? What happened?" tanong ko.

"Sumikip daw dibdib niya, okay naman na siya ngayon. Pero kailangan niya rito magstay ng isang linggo para ma-check yung kalagayan niya." sabay tingin kay Mama na natutulog.

"Pwede bang ako na lang magbantay kay Mama this week?" tanong ko.

"You don't need to. Isa pa, busy ka yata. Okay lang kung ako magbabantay kay Mama. Mostly, online meetings lang naman meron ako." sagot ni Kuya.

"I have, pero mas mahalaga si Mama." Naisip ko si Ken. Maybe I'll text him nalang this week para aware siya if ever matagalan ako.

Nung gabing 'yon, umuwi na si Kuya. Ako na lang naiwan at si Mama, and she's awake already.

"Justin? Bakit ka naandito, anak?" tanong ni Mama.

"Ako magbabantay sa'yo, Ma." sagot ko at umupo sa tabi ng bed.

"You don't have to, andito si Kuya mo. Baka may makaligtaan kang projects."

"No, Mama. Kaya ako naandito kasi ikaw pipiliin ko muna sa ngayon. Ilang beses din akong wala sa tabi mo nung nakakaraan kasi lagi akong busy, at puro out-of-town pa." sagot ko.

"Naiintindihan ko naman. You're busy pursuing your dream, anak." Niyakap ko siya after non.

Pagkatapos namin magusap, kumain na kami ng dinner. Sakto dumating si Kuya na may dala din na pagkain.
Naging okay naman yung kalagayan ni Mama ng 3 araw, pero pagsapit ng pang-apat na araw niyang stay dito, nahirapan naman siya huminga. Pinayuhan kami ng doktor na kakailanganin niya i-test, at magstay ng ilang araw pa dito sa ospital para ma-monitor yung kalagayan niya. Tinawagan ko si Pablo kinagabihan, sinabi ko sa kanya lahat at ang sabi niya pupunta siya bukas.

"Hi, Tita!" bati ni Pablo kay Mama.

"Uy, andito ka. Bakit ka naandito?" tanong ni Mama.

"Binibisita ko kayo, Tita. May binili akong sunkist para sa inyo." inabot ni Pablo yung basket sa akin, humingi naman si Mama ng isa, gusto daw niya kumain.

"Pre, ano na? Kamusta?" tanong sa akin ni Pablo. Narito kami sa sofa, medyo malayo sa bed ni Mama.

"Ito, okay naman. Worried pa rin kay Mama, pero bumubuti naman kalagayan niya." sagot ko.

"Pre, para ka ng Panda. Ang lalim na ng eyebags mo. Natutulog ka pa ba?" nagaalalang tanong niya sa akin.

"Ayos lang ako. Baka habang tulog ako sabay may mangyari kay Mama eh." sagot ko.

"Ay teka, ano na nangyari sa meeting niyo ng ex mo?"

Oh shoot! I almost forgot na meron nga pala kaming usapan ni Ken!

"Gagi ka, Justin! Natawagan mo na ba siya?"

"Nope, hindi ko nakuha number niya. Isa pa, binigay ko sa kanya yung calling card ko, obligado siya tawagan ako for follow up." sagot ko.

"Mahiya ka nga, ikaw na nga nambitin sa kanya, siya pa tatawag sayo. Ikaw na lumapit sa kanya! Pero ano ba desisyon mo sa offer niya?"

"Payag ako." nangiti naman si Pablo.

Alam ko na kung ano iniisip nito.

Ken's P.O.V.

Ilang araw na hindi nagpaparamdam si Justin matapos naming magkita. Ghinost na ba niya ako?

Joke. Ano ba Ken. Kumalma ka nga.

Hindi ko alam kung ano na nangyari sa kanya, or kung ano na lagay ni Tita. Nahihiya naman akong tawagan siya. Pang-apat na araw na nung huli kaming nag-usap. Nasa unit ko si Josh, kailangan ko rin ng kausap habang nagdedesign ako.

"Ken, ano na?" tanong ni Josh.

"Anong 'ano na'?" sagot ko.

"Si Justin. Ano na balita sa kanya? Kailangan ma-close mo na yung deal niyo, tumatakbo yung oras. Kung ayaw naman niya, sabihin niya agad. Kung gusto naman, sabihin din niya agad. Mamaya umasa tayo sa wala." sabi niya.

"Binibigyan ko lang ng araw para magdecide, Josh. Baka hindi makapagfocus kasi nga busy siya, at may emergency nga. Pero bukas sa meeting natin, pagusapan natin 'yan kung ano magiging plano."

Naalala ko nung kami pa ni Justin, lagi ko siyang sinasamahan tuwing naco-confine si Tita, naalala ko non nung bumili kami ng isang basket ng sunkist na naiwan ko sa kinainan naming fast food chain. Bigla ako natawa sa naalala ko.

"Uy, nangingiti habang nagdra-drawing. Sino 'yan?" usisa ni Josh.

"Anong sino? Hindi ba pwedeng may naalala lang na nangyari noon." sagot ko.

"Si Justin?"

"H-Hindi no!"

"Ang defensive mo. Halata naman si Justin 'yan. So, ano naalala mo?" usisa ni Josh.

"Naalala ko lang yung binilhan namin si Tita ng sunkist, yung binili namin naiwan ko sa kinainan namin." pagkukwento ko.

"Ay, tanga." sabi ni Josh, sabay tawa.

"Oo, tanga naman talaga." sagot ko.

"Ken, bakit ba kasi iniwan mo si Justin? Okay naman siguro kung magkasama kayo na pinupursue niyo yung gusto niyo."

Tinitigan ko na lang siya sabay buntomg hininga. Hindi na rin siya nagsalita kasi alam niya na kapag gumanon ako, ayoko muna pagusapan yung ganong bagay.

Kinaumagahan, sabay kami ni Josh pumasok sa office. Maaga kami kasi may pagme-meetingan pa kami. Pang-limang araw na rin nung huli kami nagkausap ni Justin, kung wala siyang paramdam bago matapos tong araw, ko-kontakin ko nalang yung mga past models ko kung sino available sa kanila.

"Me and Justin de Dios met days ago para mapagusapan yung tungkol sa offer natin sa kanila, and it's already five days ago and yet, wala siyang paramdam sa akin. Hindi ko alam kung payag ba siya sa offer natin o hindi." sabi ko sa mga employees ko.

"So ano po gagawin natin, Sir?" tanong ng isa kong employee.

"I will be waiting for his email sa akin bago matapos itong araw, and kung wala talaga, I will be calling my friend to ask if the past models natin noon isㅡ"

Bigla kaming nagulat nang may pumasok sa pintuan na nakasuot ng helmet at jacket.

"And who are you?" tanong ko.

Pag-alis niya ng helmet, tumambad sa aming lahat ang pawisan at hinihingal na Justin de Dios.

Perfect Fit | SB19 KenTinWhere stories live. Discover now