To sum it all sila ang pinaka malayo na talaga ang narating, bukod syempre kay Aaron. Julliana should be travelling the world by now but then Killian is her world now.

Nanahimik lang ako nang biglang tumili si Mau dahil nakita niya sina Aaron kasama ang girlfriend niya. Tumayo din ako para salubungin sila pero ang pinaka sinalubong ko talaga ay si Killian, ang tagal ko na kasi talagang hindi nakikita ang batang to. Huling beses ko ata to nakita eh nong seventh birthday niya last year.

Agad ko siyang niyakap at ganon din siya sa akin.

"I miss you Ninang!"

"I miss you too, baby" Nginitian ko siya at sabay na kami na lumapit sa lamesa, nandoon na lahat pati si Clyde. Na guilty ako na nasusungitan ko siya kaya naman pagkatapos kong ihatid si Killian sa iba pa niyang Ninang ay lumapit ako kay Clyde at nag paawa.

"Sweetheart, sorry" Inakbayan niya ako at agad na nag taka at nag tanong sa akin.

"For what? May problema ka ba?"

"Nothing, sorry lang kasi nasusungitan kita"

"Okay lang naman sakin yon, wag mo nang isipan okay?" Nginitian ko ulit siya pero natigil ang titigan naming dalawa dahil sabay sabay silang nag ubuhan, kasama na si Killian kaya naman namula ang mukha ko kaya agad akong ikinulong ni Clyde sa kanyang dibdib at sinabayan ang tawanan nang mga kaibigan ko.

Inasar pa nila ako bago kami tuluyang naka sakay sa mga sasakyan. Kami lang ni Clyde ang mag kasama kasi may kanya kanya naman silang mga dalang sasakyan at isa pa hanggang airport lang naman dahil eroplano naman ang sasakyan namin papuntang IloIlo.

Nang maka sakay ako sa kotse ay agad akong inantok kaya hinayaan muna ako ni Clyde na matulog pero syempre saglit lang kasi agad din naman kaming nakarating sa may airport.

Katulad nong nag punta kaming IloIlo noon ay may sumalubong ulit sa aming lalaki na siyang mag uuwi nang sasakyan ni Clyde. Naglakad ako papuntang compartment para sana tumulong sa pag bubuhat nang aming mga gamit pero hahawak pa lang ako ay agad na akong pinigilan ni Clyde at sinabing wag na daw akong mag buhat at sila nang bahala sa lahat.

Na weirduhan ako kasi halos pati ang sling bag ko ay kunin na niya, baka nga kong mabibigyan siya nang pagkakataon ay bubuhatin na ata niya ako hanggang sa may eroplano sa sobrang oa niya. Hindi naman ako pilay.

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya, naglakad na lang ako hanggang sa mag kita kita ulit kaming mag kakaibigan at sabay sabay na inayos ang lahat para sa flight at agad na nag sakayan na sa eroplano. Katulad nang nangyari kanina ay agad akong inantok pag kaupo na pag kaupo ko pa lang kaya kahit nagsasalita si Clyde ay hindi ko na naintindhan dahil agad akong dinalaw nang antok ko.

Ginigising na lang niya ako pagkakain pero hinahayaan niya ulit akong matulog pagkakatapos, hinahaplos haplos pa nga niya ang aking ulo at buhok para lalo ako agad maka tulog.

Nang tuluyan na kaming nag land ay biglang nabuhay ang aking dugo, nawala lahat ang antok sa aking katawan at masayang masaya akong nakakapit na parang tarsier kay Clyde. I'm not as clingy as other but this past few weeks halos ayaw ko na talagang humiwalay sa kanya kahit palagi ko lang din siyang nasusungitan. May time nga na nag inarte ako, umiyak iyak pa ako nang malaman ko na aalis siya nang bahay namin dahil may kailangan siyang daanan sa head quarter niya saglit.

Ilang araw akong tinawanan nang sarili kong kapatid nang dahil lang doon.

"Bitch nasa IloIlo tayo hindi bohol, maka kapit ka pagkakamalan ka nang tarsier legit" Agad kong narinig ang mahihinang tawa ni Julliana na para bang ayaw niyang iparinig sa akin.

"Inggit ka lang kasi Carol wala ka kasing jowa" Nag belat pa ako sa kanya kaya agad siyang nayamot at pabiro akong inirapan.

"Hindi ka sure Dulce, malay mo may parang asong habol nang habol diyan kay Carol" Maka hulugang sinabi ni Mau kaya agad siyang hinampas ni Carol.

Rules of Love (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon