CHAPTER 17

133 7 1
                                    

                               -Catie Gadi-

INIS kong inilapag sa lamesa ang invitation card para sa upcoming party nung Chelsea Olivera, mas naiinis pa ako sa katotohanang 'yong dalawang babaeng nanampal sa akin ang nag-abot nito. Ang kakapal ng mga mukha, nagawa pang ngumiti sa akin ah? Ang pepeke! Ang sarap nilang sampalin pabalik.

“Ano 'yan?” nagulat ako nang lumitaw si Madam Fortalejo sa tabi ko, huli na dahil nahawakan na niya ang invitation at napanood ko ang pagbabago ng mga reaksyon niya.

Bakit parang nagagalit siya?

“Sino ang nagbigay sa'yo nito, Ria?!” napatili ako nang pasigaw niyang itanong iyon sa akin.

“Amber at Claire daw po ang pangalan, magkaibigan po sila.” nauutal na sagot ko at tuluyan na niyang linukot ito. “M-Madam” tawag ko sa kanya at masama ang tingin na binalingan niya ako.

“Kumuha ka ng lighter diyan sa kusina at sumunod ka sa akin sa likod ng mansion,” makapangyarihang utos niya at agad naman akong sumunod dahil ayokong marinig ulit ang mga sigaw niya.

Ganito pala siya magalit, nakakasindak.

Nakarating kami sa likod ng kanilang mansion, ito ang unang beses na napadpad ako sa lugar na ito.

Sinunog ni Madam Fortalejo ang invitation card at itinapon sa basurahan. Kanina pang nangangati ang bibig kong magtanong sa kanya.

“B-Bakit niyo po 'to ginawa?” nauutal na tanong ko sa takot na baka masigawan niya ulit ako.

“Dahil ayoko sa babaeng 'yon, kaibigan siya ng anak ko ko ngunit wala siyang ginawa nang malaman niyang ang nanay niya ang dahilan kung bakit muntik nang masira ang pamilyang lubos na pinahahalagahan ko,” seryosong anas niya at napalunok naman ako dahil doon. Hindi na lang ako nagsalita pa at hindi na lang binigyan ng pansin ang sinabi ni Madam Fortalejo.

Iyon pala ang dahilan ngunit hindi na ako manghihimasok diyan, ayaw kong maikasal kay Ross, ayaw naman ni Madam Fortalejo sa babaeng minamahal ng anak niya. Bigla ay gusto kong matawa sa set up namin ngayon, komplikadong ewan. Alam kaya ni Madam Fortalejo na may pagtingin ang anak niya sa Chelsea na 'yon at matagal nang hinihintay ang pagbabalik nito?

Tulad nang dati ay inabala kong muli ang sarili ko sa mga gawaing bahay at nagpahinga nang makaramdam ng pagod. Bilin din ni Madam Fortalejo na huwag ipapaalam sa anak niya na may ipinadalang invitation card ang bestfriend nito sa kanya. Hangga't maaari ay gagawin niya ang lahat upang huwag magkalapit ang dalawa.

Napagpasyahan kong magtungo sa mall dahil naubos na naman ang concealers ko.

                                       ***

                            -Jansen Ross-

BINABAGABAG pa din ako ng mga pangyayari kagabi, nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba kay Ria, habang tumatagal ay napapansin kong nagiging wirdo siya. Hindi ko makalimutan nang sandaling buksan niya ang pinto ng aking silid, binuhay ang ilaw at nagdiretso sa lagayan ng mga maruruming damit ko. Pinanood ko siyang kunin ang isang damit na suot ko sa kompanya kahapon at nagulat ako nang masaksihan ang natutuwang reaksyon na tila ba nagtagumpay siya. Dapat ba na hindi ako maghinala doon?

That woman still knows nothing about me, just like my cousin I am also good at mind reading, and seeing her reactions last night they express nothing but lies.

She's fulfilling her duty as my maid? Ridiculous! She was supposed to take all of dirty clothes not just one fucking long sleeve---- Damn! She also ruined that outfit!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'M MARRIED TO YOU (Under Revision)Where stories live. Discover now