"Open your eyes"

Mahinang bulong ko sakanya habang nakangiti.

Shet sana magustuhan nya,first time kolang gumawa ng ganito.

Kahit wala akong kaalam alam sa mga ganito ginawa koalng talaga ang lahat ng makakaya ko mapasaya lang sya.

Di sya agad nakasalita at nilibot lang ang mata sa paligid.Hindi ko alam kung anong nasa isip nya.

Nagustuhan nya kaya?o hindi?

Isang minuto ang lumipas at walang pang kumalabas na kahit anong salita sa kanya.

Shet nakakakaba baka ayaw nya dito???!!!

"Uhmm Dane sorry ito lang ang alam kong magandang pagdalhan sayo"

Kinakabahang saad ko.

"Kung ayaw mo dito uhm pwede naman tayong lumipat bg ibang pasyala----"

Di kona natapos ang sasabihin ko nung bigla syang humarap sakin at yumakap.

Hala shet I didn't see this coming!

She stayed silent and still hugging me.

Sino ba ako para di sya yakapin pabalik?hehe

Isiniksik nya pa lalo ang kanyang mukha sa aking leeg kaya naman hinaplos ko ang kanyang buhok.

Marahan kong nilapit aking mukha sa kanyang ulo.Amoy na amoy ko ang kanyang mabangong buhok na parang nakakadik.

Kung may makakakita sigurong ibang tao sa amin,aakalain nilang magjowa kami sa posisyon namin ngayon.

Nagyakapan lang kami at walang kahit na sino samin ang nagsalita.

We just savored the moment and enjoy each other's warmth.

Masaya ako kahit na hindi man "kami" ng taong gusto ko atleast napapangiti ko sya at napapasaya.

Binigyan ako ng pagkakataong mapasaya at maalagaan sya.

Masaya na ako makita lang syang nakangiti🥺

Nanindig ang nga balahibo ko nung tumama ang kanyang hininga sa leeg ko amoy na amoy korin ang kanyang matamis at natural na amoy.

Shettttt tortureeeee.Tukso layuan moko!!!!

Nung di na ako makatiis ay tumikhim ako.Baka ano pang magawa ko kung magtatagal kami sa ganong posisyon.

"Are you happy?"

Tanong ko sakanya at inangat na nya ang kanyang ulo.

Mariin syang nakipagtitigan sakin at ngumiti ng matamis.

"I'm really happy,Kane.I didn't expect na gagawin moto para sakin.Salamat at nag effort kapa para sa ganito"

She sincerely said ah held my hand.Pinagsaklop nya ang kamay naming dalawa at tahimik kaming nakatingin sa sunset.

Ang ganda ng kalangitan,parang yung katabi kolang.

Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay nya at ngumiti pabalik.

"Gagawin ko ang lahat mapasaya kalang Dane"

Saad ko habang tinititigan sya ng mariin.

"Sana camera nalang yung mata ko"

Lintanya ko at lumingon sya sakin na puno ng pagtataka.

" Why?"

Hinaplos ko ang malabot nyang kamay gamit ang hinlalaki ko habang ang mata ko ay nakatutok sakanya.

"So that I can save all of our memories together at para narin makita mo kung gaano kaganda ang nakikita ko ngayon"

Saad ko at nakatitig parin sakanya,na para bang ipinapahiwatig ko ang  nararamdamn ko para sakanya sa pamamagitan ng mata ko.

MY ULTIMATE CRUSH ( GXG )Where stories live. Discover now