Dito na mas tumindi ang curiosity na bumabalot kay Chloe. Ibebenta ng isa sa mga close friend niya ang bracelet na ito sa kaniya at sinabing hindi na nito tutubuan ang presyong inooffer nito sa kaniya.

Mahina namang nagpaliwanag si Nonack, "May ilang mga bagay na dapat tayong malaman sa sandaling tumingin tayo sa isang imperial jade: ito ay ang purity, kulay, texture, at uniformity. Naging mataas ang score ng bracelet na ibinigay mo sa unang tatlong criteria, pero nagkaroon ito ng problema sa naging uniformity nito. Hindi naging pantay ang pagkakadistribute ng kulay nito, kaya maaaring magkaroon lang ito ng market price na nasa 450,000 dollars. Makakakuha ka rin nito sa halagang 400,000 kung kakilala mo ang nag-aalok nito. At kung lumampas na ito sa mga sinabi kong presyo, siguradong kumita nang malaki ang nagbenta nito sa iyo."

Napatitig nang husto si Chloe kay Nonack!

Maging ang isang eksperto ay hindi magsasabi nang ganito kasiguradong mga pahayag!

Isa lang talunan si Nonack sa mata ng lahat, pero alam niya pa rin ang tungkol sa mga ganitong klase ng bagay?

"Ito na po ang aking regalo, Grandma Perez!" Isang binatang nasa early twenties ang pumunta sa gitna.

Ang binatang ito ay ang pinakamatanda sa mga apo ng pamilya White na si Harry White.

Nagulat ang karamihan sa mga bisita nang buksan nito ang dala niyang box ng regalo.

Isa itong cheke!

1,314,520!

Kahit na makikita ang numerong ito sa Chinese Homonym na "I'll love you for the rest of my life" [1], hindi inaasahan ng lahat ang naisip niyang iregalo sa matanda, lalo na't lumalampas na sa isang milyon ang halaga nito!

"Grandma, gusto ko po sanang magpropose kay Chloe ngayong araw. Matagal ko na po siyang gusto." Malinaw na sinabi ni Harry.

Gasp! Agad na napatingin ang lahat sa nakaupong si Chloe!

Sa mga sandaling ito, kasalukuyang siyang nasa gitna ng usapan nila ni Nonack tungkol sa jadeite na kaniyang niregalo habang magkatabi ring nakaupo sa isang table.

Hindi na mapigilan pa ni Harry ang kaniyang sarili. Nagpropose
na siya ng kasal kay Chloe sa harap ng lahat pero hindi pa rin ito tumigil sa pakikipag-usap kay Nonack! Ok lang aa kaniya kung sa ibang tao ito nakikipag-usap, pero nagawang makipag-usap ni Chloe kay Nonack na nakilala sa pagiging talunan!

"Lumayo ka kay Chloe!" Tinuro ng galit na si Harry at sumigaw nang malakas.

Bahagyang napangiti naman dito si Nonack. Pero bago pa man siya makapagsalita, tumayo na si Chloe at sinabing. "Pag-iisipan ko pa po ang proposal na ito, Grandma."

Masyadong marami ang mga bisitang dumalo sa party ni Grandma Perez at hindi rin maaari na tanggihan ni Chloe nang direkta ang proposal ni Harry. Maaaring madiskarte nga ito lalo na sa pagnenegosyo, pero masyado pa rin makitid ang isip nito bukod sa hindi pagiging type ni Chloe.

Agad na naintindihan ng matanda si Chloe at nakangiting sinabi na, "maaari nating pag-usapan ang tungkol sa iyong proposal pagkatapos ng party na ito."

Tumitig nang husto ang mga namumulang mata ni Harry kay Nonack.

Maituturing ni Harry na love at first sight ang kaniyang naramdaman noong una niyang makita si Chloe.

Isang siyang tahimik na uri ng babaeng hindi halos makikitang nakikipag-usap sa mga lalaki. Kaya agad na nakaramdam nang galit si Harry nang makita itong masaya habang kinakausap si Nonack.

"Narito na po si Donald, Grandma!" Sabi ng isa sa mga bisita.

Agad na napatingin ang lahat sa pintuan ng hall.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now