Conquest 30 *A Novelist*

Start from the beginning
                                    

May naramdaman akong may umihip sa kanang tenga ko kaya gulat na gulat akong napabangon sa desk habang hawak-hawak yung tenga ko at agad na tumingin sa nagihip sa tenga ko.

Nakita ko si Charlotte na nakatayo sa harap ko at nasalikod ang dalawang kamay na parang may tinatago sa likod niya pero poker face lang siyang nakatingin sakin.

Hindi na ako nakapagsalita dahil agad siyang umupo sa desk ko habang hila-hila yung necktie ko at ngumiti ng marahan yung ngiting parang bored na bored sa buhay niya, parang ganon.

                                  End

Nakakatakot siya noh akala mo multo na naliligaw. Ayan tuloy may girlfriend na ako gusto ko sana si Fiane- ehh w-wala! Ano ba itong pinagiiisip ko? Epekto ata ito ng pagkabigla kay Charlotte.

Agad namang dumating si Rex sumunod na nagsidatingan yung mga classmates ko at nagsimula na yung klase. Pero mukhang hindi ako makakatulog ngayon ah, dahil una tinawag niya akong mang-mang na hindi naman dapat, at pangalawa namo-mroblema at kinakabahan na ako kasi baka hindi lang iyon ang gawin niya... Katakot haha joke, matapang ata ito.

Mabilis na natapos ang klase at lunch time na... Kaya... Mabilis akong nagtago sa likod ni Rex nung lumapit siya sakin... Hindi ako natatakot tandaan niyo iyan! Nagiingat lang ako.

"Ano ba yan bro! Para ka namang duwag diyan, umalis ka nga diyan, ano bang nangyari!" Iritang sabi ni Rex habang nakatingin sakin ng masama, mukhang bad mood.

Agad akong umalis sa pagtatago at inayos ang sarili. "Sinong duwag!" Buong pagmamalaki kong sabi sa kanya.

"Nandito ba si Vincent?" Sabi ng boses na nanggagaling sa may pintuan ng classroom kaya agad akong tumingin at sasagot sana nang makita ko kung sino yung naghahanap sakin... Si... Charlotte!

"Mukhang ako yung duwag." Bulong ko sa sarili ko.

Muli akong nagtago sa likod ni Rex. "B-bro sabihin mo wala ako ah." Bulong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Ah miss, pinapasabi nga pala ni Vincent na nasalikod ko na wala raw siya rito!" Buong lakas niyang sabi kay Charlotte.

Pumasok na siya sa loob ng classroom at balak pa ata akong kaladkarin kaya bago pa niya magawa iyon ay bigla kong binigyan si Rex ng malutong na batok.

"Ah Charlotte bakit ka nandito?" Painosente kong tanong pero sa loob-loob ko ay takot na takot na ako.

"Ano pa, eh di para sunduin at makita ang boyfriend KO." Sagot niya at may pagdiin pa sa salitang KO.

"BOYFRIEND!" Sigaw ng mga classmates ko pero mas nangibabaw yung boses ni Fiane kaya napatingin ako sa kanya.

Dilat na dilat yung mata niya habang nakahawak pa sa bunganga niyang nakanga-nga at napaupo pa sa upuan niya sabay yuko. Tumingin naman ako sa mga iba ko pang classmates na nagreackt. Halos lahat sila ay may hawak-hawak na panyo at parang umaarteng umiiyak tapos yung iba nagwa-walling pa. Hahaha ngayon ko lang napansin na ganyan pala kalahas ang karisma ko, bakit ngayon ko lang nalaman yon, tsk!

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityWhere stories live. Discover now