Conquest 15 *This Feeling*

1K 68 10
                                    

              Conquest 15 *This Feeling*

                           Fiane's POV

Hay nakakapagod naman yung pinagawa sakin ni Max halos matanggalan ako ng mga braso. Biruin mo ginagawa niya iyon araw-araw hindi ba siya nanghihina?

Nandito ako ngayon sa classroom at nakasubsob yung mukha sa desk dahil hindi ko na maigalaw. Nagulat ako ng biglang may dumagan sa ulo ko na kung anong matigas na bagay kaya agad kong inangat yung ulo ko. Nakita ko si Kate na may pangasar na mukha.

"Baka gusto mong magkwento kahit konti," sabi niya sabay lapit sa mukha ko.

Hindi ko siya pinansin sa halip ay tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo sa maintriga niyang mga ngiti. Lalabas na sana ako ng classroom nang biglang bumukas yung pintuan dahilan para mapaihto ako sa paglalakad. Nakita ko si Max sa pintuan at naka ngiti ng parang batang inosente.

"Good morning Fiane,... Kung good nga ba ang morning mo." Bati niya na ipinagtaka ko.

"Hah? Anong pinagsasabi mo?" Sagot ko naman habang hinihimas-himas yung braso ko.

"Sorry ah, masyado kitang napahirapan. Ayoko kasi yung nakakakita ako ng BAGSAG na score sa test eh, sana mapatawad mo ako." Sabi niya habang nakayuko. Grabe naman siya makadiin sa word na BAGSAK feeling ko habangbuhay na akong babagsak sa test ah.

"Wag ka magalala hindi naman ako masyado nahirapan sa PARUSA mo eh." Sabi ko at may diin pa sa salitang PARUSA na agad siyang napatawa.

"Well, dating gawi?" Sabi niya habang naka ngiti.

"Anong dating gawi?" Tanong ko.

"Haha katulad nga ng sinabi mo, dating PARUSA." Sabi niya at umalis na rin.

Lumapit si Kate sakin sabay akbay sa balikat ko. "Kung may balak ka pang ituloy yung pagwalkout... Sige lang walang pipigil sayo."

Eh di ako na talo sa inyo, pasalamat kayo pagod yung brains ko, yes marami sila yung ibanga tumalon na kaya kulang na yung parts ng utak ko eh. Hinarap ko si Kate, tinanggal ko yung pagkaakbay niya at ako naman ang umakbay sa kanya.

"Nang dahil sayo tumalon yung mga parts ng brains ko at nagpakamatay." Walang buhay kong sabi sa kanya.

"Brains? Ay meron ka pala nun haha akala ko matagal mo na hinaching eh." Sabi niya sabay tawa ng malakas.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityWhere stories live. Discover now