Chapter 3: Unang hakbang

23 2 0
                                    

Eli's POV

Pagkatapos na ng first subject bumalik si Paraluman.

Nakuha kaya nya yung notebook na pinapaabot ko sa kanya?

RECESS

"T-t-trisha, nakuha mo ba yung notebook?" tanong ko kay Paraluman nang may pagkakataong makausap ko sya bago sya lumabas ng classroom.

"Anong Trisha ha? PA.RA.LU.MAN. nga 'di ba? And, oo. Nakuha ko yung notebook. Salamat ah. Balik ko rin bukas." sagot nya naman sabay ngiti ng malapad.

Isang ngiti lang din ang naging tugon ko at bumalik na sa upuan ko.

Mabuti naman at nakuha nya yung notebook. Ang hirap kayang maka-missed out ng lessons. Mamaya ko na ipapahiram yung iba pagkatapos na ng klase.

Unti-unti ko ng nilalabas ang mga pagkain ko sa baunan nang tinawag ako ni Paraluman.

"Hades, di ka bababa sa canteen?" tanong nya.

"Ah eh, hindi. May baon ako. Pwede namang kumain dito." malumanay kong sagot.

Agad naman siyang lumapit sakin at iniwan ang mga kasama nya dapat kumain.

May kailangan ba sya sakin?

"A-a-ano 'yon, P-p-paraluman?" utal kong sabi pagkalapit nya sakin.

Ano ba, Hades?! Bakit di mawala yang pagkautal mo pag nasa harap mo na si Paraluman ha?

Wala pa 'kong nahahanap na sagot sa tanong ko nang biglang umupo si Paraluman sa tabi ko at sinabing, "Dahil hindi na 'ko bababa, share tayo sa pagkain mo ha?" sabay kuha ng kutsara at tinidor ko para kumuha ng pagkain sa baunan ko.

Grabe. Pati sa pagkain, ang ganda niya pa rin. May kapintasan ka ba, Paraluman?

"Tingin mo ba, mabubusog ka sa pagtitig mo sakin?" wika ni Paraluman na syang nagpabalik sa ulirat ko kaya naman agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

Mukhang matagal din yata akong nakatitig sa kanya kasi pagtingin ko sa baunan ko, kalahati na ang naubos eh.

"Ano pa bang pwedeng ice breaker ko sayo para hindi ka na mahiya sakin ha? Ako na nga 'tong kumikilos eh." singhal ni Paraluman.

Galit na ba sya?

Galit sya sakin?!

"Ah eh. H-h-hindi ko rin alam." utal ko pa ring sagot.

Mukhang wala na yatang lunas 'tong pagkautal ko palagi sa harap ni Paraluman.

Sa kanya lang naman ako nagkakaganito. Sa ibang kaklase naman namin, okay ako kausap.

"Ah. Alam ko na." mahinang sambit nya.

"Paano kung, magsabihan na lang tayo ng sikreto. Ano, go ka?" bulong nya sakin.

Hindi pa ko nakakasagot nang magsalita ulit sya.

"Okay, let's start. Ako na magsisimula ah. Hindi ka ba nacucurious kung bakit Paraluman ang pinili kong tawag sakin ng tao kesa sa Trisha?" panimulang tanong niya para sa bulgaran namin ng sikreto.

Hmmm.

Bakit nga ba?

"Bakit?" mahina kong tanong sa kanya.

"Ano ba yan, walang thrill naman 'to. 'Di man lang hulaan. Pero sige. Para sa aking unang secret. Paraluman ang pinili kong pangalan kasi ang ganda niya pakinggan plus, alam mo ba na ang english ng Paraluman ay Muse? Bagay na bagay sa mukha ko, hindi ba?" wika niya sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko.

Mas lalo kong napagmasdan ang buong mukha ni Paraluman at siyang tunay..

"Maganda nga." nabigkas ko na lamang.

Sa wakas! Hindi ako na-utal pero bakit tila si Paraluman naman ang nailang sakin ngayon? Agad nya kasing iniwas ang tingin nya sakin sabay yumuko eh.

Umubo sya ng kaunti at humarap ulit sakin pero tila namumula ang pisngi nito kaya agad ko inilapat ang likod ng kamay ko sa noo nya at nagtanong ng, "May sakit ka ba, Paraluman? Namumula ka eh."

Wala pang ilang segundo eh agad nyang iniwas ang ulo nya mula sa kamay ko.

"Ah eh. Wala. Wala akong sakit. Dyan ka na nga." Dire-diretso nyang sabi sabay lakad-takbo palabas ng classroom.

May mali ba 'kong nasabi?

Wala pa 'kong nahahanap na sagot sa tanong ko eh bigla ng nag-ring yung bell. Hudyat na tapos na ang recess.

Unti-unti namang nagbalikan na ang mga kaklase ko at laking gulat nila nang bumalik rin si Paraluman pagkatapos ng recess.

"Anong nakain mo Trisha? First time ata na aattend ka ng after recess class ah." Tukso ng kaklase naming si Aaron na sinabayan ng tawanan ng iba naming mga kaklase.

"Bakit Aaron?! Threatened ka ba sa presence ko? Natatakot ka na baka maungusan kita sa pagiging Top 1 kapag inattendan ko ang lahat ng mga subjects?" Walang alinlangang sagot ni Paraluman.

Agad namang nagpalakpakan ang mga kaklase ko at nagsigawan na tila ba pabor sa sinabi ni Paraluman.

"Matalino 'yan si Paraluman insan. Kung iisipin nga, totoong nagpaparaya lang si Paraluman mula sa pagiging Top 1 para kay Aaron." Bulong sakin ng pinsan kong si Christian. Di ko napansing nakabalik na rin pala siya mula sa Canteen.

Halata 'ata ang pagkalito ko sa mga pangyayari kaya agad na pinaliwanag ni Christian ang mga pangyayari.

Nahinto lamang ang sigawan nang makapasok na sa classroom ang guro para sa sunod na asignatura.

Agad na ring umupo ni Paraluman sa tabi ko at bumulong, "Nang dahil sa'yo, papasukan ko na lahat ng mga subjects natin." sabay kindat.

Nang dahil sakin? Bakit?

---

"Nakakatuwang makita ang mga pagbabago
Ngunit ito ba talaga ang gusto mo?
O tila napipilitan ka lang na gawin ito?
'Wag mong baguhin ang sarili mo
Para lang sa sasabihin ng ibang tao, Paraluman ko."

- Hades

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon