Masasabi nating engrande ang building ng Platinum Corporation. Sinadya ang paglalagay sa interior nito ng ilang mga mamahaling dekorasyon para mukhang isang palasyo. Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagdating ng bagong president ng kumpanya, kaya mabilis na nagsiyuko ang mga empleyado madadaanan ni Nonack.

Sa 11th floor matatagpuan ang opisina ng presidente. Agad na umupo nang makarating siya sa bago niyang opisina.

"Napakaganda rito" namamanghang isip ni Nonack.
Mula noong itakwil siya ng kaniyang angkan tatlong taon na ang nakalilipas, hindi pa siya ulit nagkakaroon ng oportunidad na makabisita sa mga ganitong klase ng lugar.

"Mr. President..."

Sinundan siya nina Janelle at Penelope papasok sa kaniyang opisina at masunuring tumayo sa harapan ng kaniyang lamesa.

Sa totoo lang, kahit na tita lang ni Janelle si Penelope, nagawa pa rin nitong ingatan ang kaniyang itsura. Kaya magmumukha silang magkapatid sa sandaling pagtabihin silang dalawa.

"Mr. Nonack... Taos puso po akong humihingi ng paumanhin..." Kinagat ni Penelope ang kaniyang labi at nagdalawang isip sa loob ng isang sandali bago muling magpatuloy sa kaniyang pagsasalita "Mr. Nonack, bibigyan pa po ninyo ng tiyansa si Janelle na pirmahan ang kaniyang kontrata sa inyong kumpanya? Gagawin ko ang lahat ng sabihin ninyo sa sandaling payagan niyo siyang pumirma ng kontrata."

"Lahat ng sasabihin ko?" Dito na tumawa nang malakas si Nonack. Pero bago pa man siya makasagot sa sinabi ni Penelope, kumatok si Pearl sa pinto ang naglakad papasok.

"Mr. Wayne, nasa labas po si James mula sa angkan ng mga Perez, nandito raw po siya para makipagnegosasyon."

James Perez? Sapat na ang pagbanggit sa pangalan nito para mapakulo ang dugo ni Nonack.

Tumawa si Nonack at sinabing "sabihin mong umalis na siya."

"Opo, sir."

*****

Sa villa ng mga Perez. Nagpatawag ang kanilang Grandma Perez ng isang emergency meeting na dinaluhan ng daan daang miyembro ng Perez Family.

"Masyadong wala sa lugar ang Platinum Corporation na ito, Grandma!" Namula sa sobrang galit ang mukha ni James. "Nagpunta ako roon para pag-usapan ang partnership ng ating angkan sa kanilang kumpanya nang sabihan akong umalis na lang, umalis na lang! Malinaw na minamaliit tayong mga Perez ng Platinum Corporation."

Napailing na lang sa isa't isa ang mga Perez. Malinaw na wala na silang magagawa pa rito, dahil pumapantay lang naman sa kaniyang kapangyarihan ang kanilang inaasal. Kaya wala  na silang magagawa kung magreklamo sa kanilang mga sarili."

"Tama na." Kumakaway na sinabi ni Grandma Perez. "Narinig kong nasa 20 years old pa lang daw ang bagong presidente ng Platinum Corporation. Masyado pa siyang bata pero may malaki na siyang potential kaya nagagawa niyang magpadalos dalos sa kaniyang mga desisyon. Kahit na naging ganoon ang asal niya sa atin, dapat lang tayong magpatuloy hanggang sa pumayag silang makipagpartner sa atin, ngayon, sino sa inyo ang may gustong pumunta roon?"

Ano?

Gulat na gulat silang tumingin sa isa't isa. Gusto pa rin ng mga Perez na makipag-usap at makipagnegosasyon sa Platinum Corporation para sa isang partnership? Sinabihan na ng Platinum Corporation si James na umalis na lang, pero nagawa pa rin ng mga Perez na magpatuloy sa pangungumbinsi rito? Sino nga ba ang gagawa pa nito para sa kanilang angkan?

Dito na napabuntong hininga si Grandma Perez. Alam niya na walang kahit na sino sa kanila ang naubusan na ng hiya para bumalik muli roon at makipag-usap. Pero kung magagawa naman nilang kumbinsihin ito makipagpartner sa kanila, magiging isa na itong napakalaking biyaya para sa mga Perez! Kaya hindi dapat sila sumuko!

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now