TINITINGALA NG LHAT

Start from the beginning
                                    

Naramdaman ni Nonack ang mabilis na pagiging negatibo ng mga relasyon sa loob ng tatlong taon niyang karanasan kasama ang kaniyang asawa. Mabilis ring humahanap ng dahila ang kaniyang mga dating matatalik kaibigan upang layuan siya. Kaya wala na siyang nagawa kundi tumira sa pamilya ng kaniyang asawa para mabuhay. Hindi niya nasabi ang pangyayaring ito sa kahit kanino maging sa asawa niyang Chen.

"Ohh Chen, mukhang naturuan mo nga nang husto ang asawa mong iyan." Sabi ni Kate na isa sa mga best friend ni Chen.

Nanlalamig namang tumawa si Chen at sinabing "si Nonack ba ang tinutukoy mo? Nag-iinit na ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang basurang iyan. Habang ang ibang babae ay nagpapakasal sa mga kilalang nagmula sa mga kilalang pamilya. Natali naman ako sa basurang iyan. Tingnan mo, ang dungis dungis niya. Mukha na siyang mahirap na trabahador sa probinsya. Siguradong kahihiyan lang ang dadalhin niya sa annual reunion ng aming angkan bukas."

Hindi maiwasang mapatingin ni Kate kay Nonack. Walang duda na mumurahin nga ang brand na suotna damit ni Nonack at nagmukha na rin itong madungis. Tumatawang sinabi nito na "sige na Chen, tama na ang tungkol sa kaniya. Pero seryoso, totoo ba ang narinig kong may problema raw ang kumpanya niyo nitong nakaraan?

Dahan dahan namang tumango si Chen at sinabing "Milyon milyon ang nawala sa amin noong simula naming pasukin ang fashion industry last month. Kaya kinakapos na ngayon ang aming kumpanya, kailangan na naming makahanap ng investor ngayong linggo para makakuha ng five million dollars para maibangon ang kumpanya."

"Ohh chen, sino naman investor ang magbibigay ng five milyon sa loob lang ng isang linggo para pondohan kayo?" buntong hininga ni Kate.

Hindi na sumagot pa rito si Chen, agad niyang napansin na nakikinig si Nonack sa kaniyang usapan dahil tapos na nito ang kaniyang ipinapagawa. Nagbigay siya ng matalim na tingin dito at walang awang sinabi na "sinong nagsabi sa iyo na puwede kang magstay dito, Nonack? Umalis ka na at maglaba ng mga damit ko."

"Labhan mo na rin ang mga jeans ko sa maleta." Dagdag ni kate.

Hindi na nagawa pang magreklamo ni Nonack at agad na inilagay ang damit ng mga ito sa washing machine kasama ng sarili niyang mga damit. Bukas na ang kanilang high school reunion kaya kailangan niyang magmukhang presentable kahit papaano. Naputol ang kaniyang pag-iisip nang biglang nagvibrate ang kaniyang cellphone. Chineck niya ito at nakita ang isang text message mula sa isang number na mayroong anim na digits sa dulo. Agad na napakunot ang kaniyang mga kikay nang makita ang numerong ito "hindi ba't ito ang numero ng aking angkan?" isip niya.

Nagtatakang binuksan ni Nonack ang text message at nagulat nang mabasa ito.

"O aming ikalawang young master, tulungan mo ang ating angkan. Nangangailangam ang ating angkan ng malaking pondo kaya kakailanganin namin ang suportang nagmumula sa iyo!"

"Sinong niloko nito!" Kumunot muli ang mga kilay ni Nonack habang nag-iisip nang mag-isa. "Tatlong taon na ang makalipas mula noong itakwil ako ng buong angkan kaya wala nang kahit na anong kapangyarihan ang aking pangalan. Bente na lang din ang natitira sa aking bulsa, tulong pinansyal sa akin? Ano pa bang mahihita nila sa akin ngayon?"

Muling napatingin si Nonack nang magvibrate sa ikalawang beses ang kaniyang cellphone. Nakatanggap muli ito ng isa pang mensahe.

"Pakiusap young master nagmamakaawa ako na tulungan mo ang pinagmulan mong angkan. Lumaki na namg husto ang kita ng shares na iyong binili tatlong taon na ang makalilipas. Kaya pakiusap... Siguradong babagkas ang ating angkan kung hindi mo kami matutulungan..."

"Ano?"

"Napaatras si Nonack matapos basahin ang ikalawang text message. Agad niya kinuha ang kaniyang Black Card mula sa Amethyst Bank sa loob ng isang iglap. Tatlong taon na rin niyang hindi nagagamit ang card na ito. Isa itong ststus symbol sa sumisimbolo sa mga mamamayan dahil ang bawat isang card ay mayroong isang costumer service representative na nakahandang tumulong sa may-ari nito sa anumang oras. Agad niyang idinial ang customer service hotline ng bangko.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now