"Wag ka nang malungkot, isipin mo na lang na masaya siya ganon. Ngayon ikaw naman ang makinig sa akin, okay? Expert ako tungkol sa pagpipilit sa sarili ko na ayos lang ako kahit hindi. Wag mong isipin na may kulang sayo o hindi mo ginawa ang lahat para sa kanya nang panahon na nandiyan pa siya sa tabi mo kasi sa totoo lang mas lalo ka lang masasaktan eh" Sa pangalawang pagkakataon nakita kong umiyak si Terran, mag kaibigan kaming dalawa nang halos sampung taon o higit pa pero dalawang beses ko lang siya nakitang umiiyak. Una ay nong burol ni Eli at pangalawa ito ibig sabihin sobra na siyang nasasaktan na hindi na niya kayang pigilan ang kanyang pag iyak.

Naluluha ako sa nakikita ko kaya agad ko siyang niyakap mula sa likod agad niyang hinawakan ang kamay ko na nakayakap sa kanya at umiyak. Noong panahon na durog na durog at wasak na wasak ako isa si Terran sa dumamay sa akin, hindi siya pumapayag na iiwan ako mag isa kasi alam niya na sa oras na gawin niya yon ay iiyak lang akong mag isa at iniiwasan niya yong mangyari.

Wala akong sisihin sa nangyayari ngayon sa buhay niya. Hindi ko sisihin si Terran at mas lalong hindi ko sisihin ang dahilan kong bakit siya nagkakaganito dahil alam ko lahat nang bagay may dahilan. Nakita ko din kasi kong gaano niya minahal ang kaibigan kong si Terran kaya hindi ko magawang sisihin siya sa naging desisyon niya sana lang talaga ay sa maganda mapunta ang lahat lahat nang ito, deserve nilang dalawa ang kasiyahan.

Umiyak lang siya nang halos kalhating oras bago niya binitawan ang kamay ko kaya naman umikot ako at umupo na sa tabi niya, humarap ako sa unahan dahil hindi ko na kayang makita siyang naiyak dahil nasasaktan ako para sa kaibigan.

"Terran Chase, be strong. I know you can get through this and just like how you did before I'll be just here besides you. I will never get tired to walk beside you forever and always. Best friend diba?" Sa harap padin ako nakatinggin pero ramdam ko naman na nakatinggin siya sa akin at naka ngiti.

"You conquered so many challenges in your life as of now. At a young age isa ka na sa pinaka kinikilalang Civil engineer not only here at the Philippines pati sa abroad, alam ko na hindi ko madalas sabihin to sayo dahil alam kong lalaki ang ulo mo pero sobrang proud ako sa lahat lahat nang na achieved mo kasi alam ko lahat yan pinaghirapan mo" Nang nag kalakas nang loob ay humarap na ako, may mga luha padin siya sa mata kaya naman iniangat ko ang aking isang kamay para punasan iyon bago ulit ako nag salita.

"Her decision might break you into pieces, it will drown you in a darkness pit so you better remember this, you love her the way a man should love a woman. You gave her the happiness that she deserves and whatever happen to her was never your fault. She made that decision not only for her own good but for you too. I know I sound ridiculous right now pero nangyari na eh, hindi na naman natin mababalik ang lahat sa nakaraan" Sa totoo lang hindi ko alam kong makaka survive ba tong si Terran sa nangyari kasi sa totoo lang traumatize na siya eh and what happened might be his trigger kaya naman gusto ko na kahit sa mga simpleng salita maparamdam ko na hindi natatapos ang mundo nang dahil doon, na meron parin naman na nag mamahal sa kanya.

I trust God decision, alam ko na may dahilan siya sa mga bagay na nangyayari at gusto ko na ganon ang isipin palagi ni Terran. Ayaw ko na mabuhay siya na palagi niyang kwekwestiyunin ang mga naging desisyon nang panginoon dahil hindi naman niya dapat yon gawin.

This is a fatal storm in his life, and he need at least one to guide him through it and I want to be that person for him hindi lang dahil ganon din ang ginawa niya noon para sa akin kundi dahil gusto ko siyang maging masaya dahil deserve niya yon.

Hindi na siya umimik kaya hindi na din ako nagsalita, hinayaan ko lang siya na maupo sa tabihan ko at maramdaman niya ang presensiya ko.

Halos isang oras kaming umupo lang at hindi nagsalita bago siya nag pasya na tumayo na. Naglakad kami hanggang parking, ihahatid ko kasi siya sa sasakyan niya.

Rules of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now