BEGINNING

5.5K 147 2
                                    

BEGINNING

Thaddeus Art


I deeply sighed as I scanned the hall, searching for a familiar face, but seen none. When will I ever get used, huh? Palagi namang ginagawa sa akin 'to ng asawa ko...

Mabilis kong dinukot ang cell phone sa aking bulsa at agad na tinawagan ang numero ni Lauren. Unang beses pa lang ay wala nang sumagot doon. Kahit pa pakiramdam ko ay hindi masasagot iyon ay sinubukan ko pa rin sa pag-asang baka sakali sa susunod na ring ay sumagot na ito pero wala pa rin.

I couldn't believe this.

Umiling-iling ako sa kawalan at muling isinuksok ang cell phone sa aking bulsa. Tahimik kong binaybay ang kahabaan ng airport sa pag-asang bigla itong tumawag. Saglit akong huminto at binalikan ang dati naming chat. Pero maliwanag doon ang petsa at oras ng balik ko ng Pilipinas.

Bumuga ako ng hangin at pilit na kinalma ang sarili. Gusto ko lang naman ay dumiretso kami sa bahay at maghapong magbabad sa kama. Sa halos ilang linggo na pagkawala ko ay siya agad ang na-miss ko. Pero ilang beses na nga bang nangyari 'to?

Saglit pa akong naghintay sa pag-asang busy lang siya o kaya ay nasa meeting pa.

My wife came from a very wealthy family. At naiintindihan ko ang malaking responsibilidad niya sa negosyo nila. Pero dati namang ganoon bago pa man kami magkakilala. We spent a lot of time together. May nakalaan kaming oras para sa isa't isa. Ano'ng nangyari at bakit sa haba ng pagsasama namin, iyon ang nawala?

"Excuse me..."

Agad akong napaangat ng tingin. At ganoon na lang ang mangha ko nang bumungad ang isang babae na tila ba anghel na bumaba sa langit. Mahaba ang straight at light blonde niyang buhok na hanggang baywang ang haba. Wala siyang kolorete sa mukha kung kaya sobrang inosente ng kanyang hitsura. Bilugan ang kanyang kulay brown na mga mata na binagayan pa ng mahahabang pilik-mata. Maliit at matangos din ang kanyang ilong. Manipis at mukhang sobrang lambot ng kanyang mga labing natural na kulay pink ang kulay.

She's so beautiful...

Para siyang artista sa ganda lalo pa nga't ang liit lang ng kanyang mukha. Hindi man siya katangkaran ay mukhang maganda ang katawang nagtatago sa french coat na iyon.

"Puwede pong magtanong kung anong oras na? Na-lowbat kasi ako," dagdag pa niya.

Tumango ako sabay pasimpleng inalis ang pagbabara ng lalamunan. "Quarter to ten."

Nakangiti siyang tumango at bumuga ng hangin. "Siguro late lang ang sundo ko."

"Would you like to make a call?" boluntaryo ko pa sabay abot ng cell phone ko rito.

Mangha siyang tumitig sa akin. "Oh, can I? Thank you so much!"

Tipid akong tumango at ngumiti. "No problem."

Hindi na ako tumingin nang mag-dial siya sa cell phone ko. Kahanga-hanga man ang kanyang ganda ay namumukod-tangi pa rin sa aking mga mata ang aking asawa. I just missed the old days and I missed her.

"Eto, o..." malungkot pang aniya sabay abot ng cell phone ko. "Mukhang busy ang husband ko... Hindi sinasagot ang tawag ko."

Oh, she's married, huh?

"I see..." Nakare-relate akong ngumiti. "I'm waiting for my wife, too."

"Talaga ba? Parehas pala tayo. Wait, napansin mo ba ang charging station?"

"I think it's over there." Itinuro ko ang direksyon.

"Thank you so much. By the way, I'm Serenity. But you can call me Eren for short, and you are?" nakangiting aniya sabay abot ng kamay.

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon