SPECIAL CHAPTER

116 13 0
                                    

SPECIAL CHAPTER |Untold|

An: I don't know how to execute this part so I'm using special chapter for this.

~Yannie Hasmine Samonte~

"Bah!", napatalon ako sa gulat nang mula sa likod ay bigla na lang may tumusok sa bewang ko. Napapikit ako ng mariin, ito na naman si Gen, pag ginagawa niya 'yan pakiramdam ko ay lalabas ang kaluluwa ko sa gulat.

"Hay, naku" tanging nasabi ko na lang. Tawa tawa niya akong pinanoud sa reaksyon ko habang umu-upo sa tabi ko. PE kasi ang sunod naming klase kaya dito na ako tumambay sa gymn.
Isa pa, may inaabangan din ako.

"Hanap kami ng hanap sayo, 'yon pala nandito ka lang." Si, Steph ang nagsalita, umupo rin siya sa tabi ni Gen. Ngayon ay tatlo na kaming naka-upo dito sa bench ng school gymn.

Si, Gen ay kaibigan ko na noong Highschool pa, si Steph naman ay ka-blockmate ko na naging kaibigan na rin.

"Dito na ako tumambay, para pagnag bell na madali na lang." Paliwanag ko, it's a half lie actually sinadya kong dumito dahil may inaabangan ako.

"Sabagay," komento ni Gen. Nagkibit ako ng balikat at muling tinanaw ang entrance ng kabilang building, umaasang dadaan na ang hinihintay ko. Kanina pa ako tingin ng tingin sa deriksyon na 'yan, hindi pa nga siguro lilipas ang minuto ay muli na naman akong titingin.

Ang alam ko ay 20 minutes after ng break namin ay siya ring break nila. 2 minutes na lang, malapit na.

Inayos ko ang buhok at inipit sa likod ng tainga ang magugulong strands sa harap. Hindi nagtagal ay lumabas na nga siya kasama ang iilang ka-blockmates at kaibigan.

Tahimik na pinagmasdan ng mata ko ang presensya niya, dadaan sila sa gymn para makapunta sa cafeteria. Nang malapit na sila sa gymn ay nakita ko ang paglibot ng mata niya kaya agad ko ring iniwas ang akin. Masyado na akong halatang inaabangan ko siya pagnakita niyang nakatitig ako sa kanya.

Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay sumalubong na sa'kin ang mga mata niya, pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa titig niya. Bahagya akong ngumiti sa kanya, he's now smiling ear to ear at me, ano ba! Mahahalata kami sa ngiti niyang iyan.

"Ang gwapo talaga ni, Elton!" May halong pagnanasa ang boses ni, Steph ng sabihin niya 'yon.

Hindi ko siya pinansin dahil nasa kanya lang ang attensyon ko, nakita kong may binunot siya sa bulsa niya, it's his phone saglit siyang nagtipa bago ipinakita sa'kin ang cellphone niya, pag ganun alam ko na agad.

Ilang segundo lang ang pagitan ay tumunog na ang cellphone ko para sa text, hindi ko muna kinuha ang cellphone sa bag ko hanggat hindi pa sila nakakalagpas sa gymnasium.

From E: Did you eat already?

I bit my lower lip to stifle my smile.

To E: I'm done, just eat well.

Pagkatapos ay tinago ko na ang cellphone ko, pag-angat ng tingin ay ang nanliliit na mata ni, Gen ang sumalubong sa'kin.

"I smell fishy," iling iling na aniya sa'kin. Ngumisi na lang ako, ayaw dugtongan ang sasabihin niya.

"Alam niyo, nakaka-akit ang uniform ng mga archi students. Parang ayaw ko na tuloy mag business." Binalingan ko si Steph para umiwas kay Gen.

"Bakit? May crush ka lang na architecture student eh." Sabi ko sa kanya, ngumisi naman siya.

"Crush ko si, Architect Medeizan." Saglit na kumunot ang noo ko, pamilyar sa'kin ang apelido.

"Sino 'yon?" Si, Gen ang nagtanong para sa itatanong ko sana.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu