Chapter 6

314 50 0
                                    

Sela's POV

Nag lalakad na kami ni abby papuntang office ng school para ienroll si jaydee tas si gabb tas yung kapatid nito ni abby.

"Dumaan samin si jaydee tas si gabb kahapon hinatid nila si coco tas si francese" saad ni abby.

"Oo nag paalam yon si jaydee kasi nakita daw nila yung kapatid mo tas pinsan mo" i said.

"Ewan ko nga pero napansin ko iba yung tingin ng kapatid ko sa kapatid mo kung ice cream si jaydee tunaw na yon dahil sa titig ni francese" saad naman ni abby habang tumatawa pa.

"Baliw ka talaga ang issue mo HAHAHA tara na nga bilisan na natin nagugutom na ko" pag putol ko sa kalokohan niya.

FF

Tapos na namin ienroll yung mga kapatid namin at si gabb.

"Sela baby san tayo kakain?" saad ni abby kaya napalingon agad ako.

"Sela baby?" pag klaro ko sa sinabi niya.
Kita ko naman yung gulat din ni abby dahil sa sinabi niya.

"Hindi i mean sela wala yon ano kasi tara na nga dalian na natin para mahatid na kita sa bahay niyo" pag mamadaling saad niya.

Napangiti nalang ako dahil sa nangyari sela baby pala abby ha.

Abby's POV

Nakakahiya ka abby!

Bat mo sinabi sa kanya yon saad ko sa sarili ko.

Nagulat din ako dahil natawag ko siyang sela baby.

Ngayon tuloy hindi ako makaharap sa kanya ng maayos dahil nahihiya ako.
Tapos itong si sela pa ngiti ng ngiti parang nang aasar.

"Sela wag ka nga ngiti ng ngiti. Bat ka ba ngiti ng ngiti?" saad ko naman kasi ngiti siya ng ngiti na aasar ako.


"Sela baby pala ha ikaw abby crush mo ko no?" Pang aasar na saad naman ni sela sakin.

"Oo crush kita" saad ko naman.

Kitang kita ko naman yung pag kagulat sa mukha niya.



(A/N goodmorning love! short update later ulit vote love!)

Tiktok danzeuz_reign

You Always Have Me Where stories live. Discover now