Chapter 27

1.1K 49 1
                                    

Aga's POV

Nakabalik na ako dito sa aking office. Di ko masyadong kinibo si Lea kanina nung pauwi na kami hanggang sa magkahiwalay kami dahil sa ibang lugar siya nag-park ng kanyang kotse. Simpleng babye lang ang paalam ko sa kanya at simpleng okay lang din ang sagot niya. Nagtampo yun for sure. Nawala din ako sa mood dahil sa mga sinabi niya sa akin. Kung iisipin ko kasi parang yung sarili lang niya iniisip niya, hindi niya manlang maisip na nahihirapan din ako.

Back to paper works na naman ako.

Nag-ring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha.

Secretary: Goodafternoon Sir. May meeting po kayo mamayang 2:30 PM.

Ako: Okay sige.

Akala ko naman kung si Lea. Kung nag-text siya ng nakabalik na ba ako? Kung maayos ba akong nakarating dito sa office pero hindi Aga kaya wag mag-aasume. Haha. Ayon pa mag-tetext? After ko supladuhan at hindi pakitaan ng sweet nung pauwi na kami? In your dreams Aga! Haha.

5 pm na din nung matapos ang meeting ko. After 30 minutes nakabalik na din ako sa office.

Nag-ring ang phone ko nang makasakay na ako sa elevator.

Chard's calling...

Ako: Pare bakit?

Chard: Punta ka mamaya dito sa bahay pag-uwi mo pare.

Ako:Bakit?

Chard: dito na kayo mag-dinner ni Atasha.

Ako: Okay sige.

Chard: Okay bye.

Call ended...

6:30 PM na nang makaalis ako dito sa office ko. Tinext ko si Chard.

Ako: I'm on my way na pare.

Chard: Okay. Ingat!

After 1 hour nakarating din ako dito sa bahay nila.

Sinalubong ako agad ni Ata 5saka niya ako niyakap. Nakakawala ng pagod kapag pinapakitaan ako ni Ata ng sweet attitude niya.

"Oh daddy, you look so tired." Puna ng anak ko.

"Madaming paper works kanina anak e." Sabi ko naman sabay kiniss ko siya sa noo.

"Tara na! kain na tayo." Tawag sa amin ni Dawn.

Pumunta na kami sa kanilang dinning area.

"How's your meeting pare?" Tanong sa akin ni Chard.

"Okay naman pare." Sagot ko.

"Daddy ako po ang napili ng teacher ko sa ballet na representative para sa competition. Okay lang po ba sa inyo?" Tanong ni Ata sa akin.

"Kailan ba yang laban mo? and kailan mag-start yung practice mo?" Tanong ko sa kanya.

"On monday dad, tapos yung laban ko po next week." Sagot niya sa akin.

"Okay sige. Pero saan gaganapin yan?" Tanong ko sa kanya.

"Sa Resorts World Manila daw po eh." Sagot ni Ata kaya nagkatinginan kami nila Chard at Dawn.

Kung papayagan ko siya? Okay pero matao sa panahon na yon dahil doon din gaganapin ang live show ng The Voice eh. Pero kung hindi ko siya papayagan it's a big argue na naman sa aming dalawa ng anak.

"Okay sige you can join." Sagot ko.

Naging okay naman ang dinner namin nila Chard.

Nandito kami ngayon sa kanilang sala. Si Dawn at Ata ay nasa garden nila.

8:30 nung makauwi si Avril from school kaya sermon ang abot niya kay Chard.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinetext and you are not replying." Kalmadong sabi ni Chard kay Avril.

"I'm sorry dad lowbat po kasi phone ko e. Then birthday po kasi ng classmate ko kaya po kumain po kami sa labas." Paliwanag ni Avril.

"Bakit wala bang mga phone ang mga classmate mo para hindi ka makapagtext sa amin? Avril naman ilang araw kanang ganyan umuwi."

"Daddy sorry na po. Hindi na po talaga mauulit, last na po ito." Sabi ni Avril sabay kiss kay Chard.

"Okay sige. Promise mo yan ah? Kumain kana doon."

"Dad busog na po ako. Si Mommy po?" Tanong ni Avril.

"Nandyan sa garden kasama si Ata." Sagot naman ni Chard kaya agad namang pumunta si Avril doon.

Kaya ayokong mag-aral sa school si Ata e. Baka maging kagaya siya ni Avril. Di na kasi nag-hohome study si Avril, sa school na talaga siya nag-aaral. Buti nalang tumigil na si Ata sa pag pupumilit sa akin na ilipat ko siya sa school.

"Uy pare, ang lalim yata ng iniisip mo diyan." Puna sa akin ni Chard kaya bumalik ako sa ulirat.

"Hindi naman. Pare buti napapayag ka ni Avril na ilipat siya sa school."

"Wala eh, mapilit siya eh. Tsaka mahirap din kung home sheltered siya masyado. Paano siya masasanay sa ibang bagay kung lagi siyang nandito sa bahay di ba? Pare naman ayokong maging taong bahay lang lagi yung anak ko. Gusto ko ding maranasan niya yung mga naranasan namin ng mommy niya nung estudyante pa kami, yung saya ng isang pagiging estudyante di ba?" Sabi niya sa akin kaya tango nalang ang sagot ko.

Napaisip ako doon ah. Bigla tuloy akong naawa kay Atasha, may point si Chard doon. Tsk! pero mahirap pa kasi sa sitwasyon ko ngayon eh. Hay! Ewan ko.

Sana Maulit MuliWhere stories live. Discover now