CHAPTER 1: PRINCESS YUKI-MAE

30 0 0
                                    

This is really a short story, I guess....

Chap 1: PRINCESS YUKI-MAE 

"ILANG BESES KO bang sasabihin sa iyong bata ka na hindi ka dapat umaalis dito sa palasyo nang walang paalam," sermon ni Tia Thel. "Papatayin mo ako sa kaba ikaw na bata ka," dagdag nito habang sinusuklay ang mahabang buhok ng batang si Yuki-mae.

"Eh nasa hardin lang naman po ako kanina Tia," sagot nito. "Tia, nasabi mo na ba kay Ina na gusto kong mag-aral sa Maynila?"

"Hindi pa, pero alam mo rin ang sagot dun hindi ba? Hindi papayag ang iyong amang hari na mawalay ka dito sa palasyo," tugon ni Tia Thel.

Malungkot na yumuko si Yuki. Gustong gusto nyang makapag-explore sa labas ng palasyo ngunit hindi ito pinapahintulutan ng kanyang ama.

Kung hanggang saan sya makakarating ay nasa hari ang desisyon at anumang napagpasyahan nito ay hindi mababali. Kahit pa ang kanyang Ina ay walang magawa kundi ang irespeto lahat ng kagustuhan nito sapagkat alam nito na para ito sa ikabubuti ng lahat.

Sa bawat araw na tumatakas si Yuki upang maglibot sa labas, unti-unti nyang napagtanto na gusto nyang maranasan ang buhay ng simpleng mamamayan.

TAON ANG MATULING LUMIPAS, dalaga na si Yuki at sa edad na labing-anim ay ipinagkasundo na sya sa isa sa mga anak ng rajah ng kabilang palasyo. Ngunit marami pa syang nais gawin at matutunan upang maging mabuting pinuno ng kanilang kaharian. Dalawa lang silang magkapatid at 10 years ang agwat nya dito. Sya ang naatangang susunod sa trono.

Lihim syang umalis sa kanilang kaharian upang makipagsapalaran ngunit hindi pumayag ang kanyang tagapag-alaga na hindi nya ito kasama. Napagkasunduan nilang walang dapat makaalam ng tunay nilang kalagayan.

Nag-aral sya ng high school sa pampublikong paaralan upang masanay sya sa pakikipagkapwa. Bilang isang prinsesa ay nahirapan sya sa una lalo pa at kailangan nyang magtrabaho para may ipantustos sila sa araw-araw.

"Anak, alam kong nahihirapan ka na, bakit hindi na lang tayo umuwi. Ayokong nakikita kitang nahihirapan" isang araw ay nasabi ng kanyang tia Thel nang dumating sya na halos hindi na makagulapay sa sobrang pagod at mataas din ang kanyang lagnat.

"Tia, patawad ngunit hindi po ako maaaring umuwi hanggat hindi ko natutupad ang aking mga pangarap. Itago man ninyo ngunit alam kong mas nahihirapan ka na sa ating kalagayan. Alam ko po ang sakripisyong inyong ginawa," maluha-luhang sabi nya dito. Iniwan nito ang kasintahan para sa kanya. Hindi nito inalintana na tatanda syang dalaga alang-alang sa kanya. Kung kaya nakapagpasya na sya. Pababalikin nya ang tia sa kaharian upang maging maligaya ito.

Maiiwan syang kasama ang kanyang pangarap. At gagawin nya ang lahat makamit lang ito. Alam nyang masyado syang matigas ngunit kinakailangan nyang gawin upang maging karapatdapat sya na maging isang mabuting pinuno. Kinakailangan nyang maranasan ang maging isang simpleng mamamayan upang matuto sya. Isa nga syang prinsesa ngunit sinanay sya ng amang hari mula pa pagkabata na maging matatag sa lahat ng oras. Mayroon pa iyong iligaw sya sa kasukalan kung saan mapanganib ngunit napagtagumpayannya ito. Na sa bawat pagsubok ng ama ay nalampasan nya ito kahit pa minsan ay puro sya galos at sugat. Tinuruan din syang makipaglaban sa pamamagitan ng pakikipagpambuno, gamit ang sundang o espada at iba pang pakikipag-eskrima. 

Gamit ang mga ito at tapang ng loob ay alam nyang magtatagumpay sya at uuwi syang karapatdapat bilang pinuno. Ngunit marami pa syang pagsubok na susuungin at ngayon nga'y wala na ang patnubay ng ama. Tanging kalasag na dala nya ay ang mga natutunan at ang poong lumikha.

Hanggang saan ang kakayaning pagsubok at hamon sa buhay ngayong wala na sa poder ng kaginhawaan ang prinsesa? 


ABANGAN!!!!

Salamat sa pagbabasa....

@LiLaC_BuLiLaK

YUMI: Akin Ka Lang (AWESOMELY FINISHED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن